CHAPTER 11- The Father

1340 Words
JUSTEEN NAKAKA-WORRIED na ang biglang paglaganap ng mga students sa Benedictine na parang mga bangag na zombies na nagwawala. Katulad na lang ni Demo at no’ng isang estudyante mula sa other section. Mabuti na lamang at dumating ang mga pulis para mapakalma sila. Actually, hindi naman talaga mga pulis ang nagpakalma kina Demo. Kusa na lang silang tumigil sa pagwawala na parang walang nangyari. Medyo nakakaloka na talaga ang mga pangyayari ngayon sa Earth! Ayoko nang i-focus ang beautiful self ko sa mga issue na iyan dahil sa pang-aakit kay Josef ako dapat mag-focus. Magkasabay na naman kaming tatlo sa pag-uwi. Friday na at wala na namang pasok bukas. Birthday pala ngayon ng father ni Josef at ini-invite niya kami. Para naman daw makilala na rin namin ang tatay niyang pulis. Excited na kinakabahan ako, ha. Ano kaya kung kaibiganin ko ang tatay ni Josef para maging madali ang plano ko? Hmm… why not? Sa wakas ay narating na namin ang bahay nina Josef. Simple lamang iyon. Sakto lang ang laki. Nalaman ko na rin sa kanya na wala na siyang mother kaya biniro ko siya na wala na rin akong father kaya bakit hindi namin i-match ang nanay ko sa tatay niya. Tinawanan lang niya. Wala na daw balak mag-asawa pa ang tatay niya dahil focus na ito sa kanya at sa trabaho nito. Pagkapasok namin sa bahay nila ay humanga naman ako. Eh, kasi naman, kahit dalawa silang lalaki doon ay maayos at masinop ang mga bagay-bagay. Unlike sa bahay namin na dalawa na nga kaming babae pero medyo magulo pa rin. May mangilan-ngilang bisita na ang father niya. Siguro mga ten sila tapos karamihan ay naka-uniform ng pulis. Isang matangkad, medyo moreno at buff na lalaki ang lumapit sa amin. Malakas ang kutob ko na siya ang tatay ni Josef dahil magkamukha sila. Parehas na gwapo. “Salute!” anito. “Salute!” Matikas na tumayo si Josef sabay saludo. “Sino `yang mga kasama mo, anak?” “Ah, daddy, mga kaibigan ko po. Sina Justeen at Mocha.” “Hello po. Happy birthday po, sir!” sabay pa talaga kami ni bes. “Josef, ikaw na ang mag-asikaso sa mga kaibigan mo. Pakainin mo sila.” “Okay po, daddy,” ani Josef sabay harap sa amin. “Tara na? Kain na tayo.” Sumunod kami ni Mocha kay Josef sa may dining area. Walang tao doon dahil lahat ay nasa salas at nagkukwentuhan at iyong iba ay doon kumakain. Mabuti na lang kasi medyo nakakailang kung may makakasalo kaming iba. Lumpiang shanghai, pancit at cake ang inihain sa amin ni Josef. “Ang gwapo pala ng father mo, Josef. Magkamukha kayo!” sabi ko. “Eh, kanino pa ba siya magmamana? Alangan naman sa’yo!” pambabara sa akin ni Mocha. “Tumigil ka nga diyan, bes!” “Tama na `yan, guys. Baka mag-away pa kayo, e,” natatawang sambit ni Josef. JOSEF UMALIS na lahat ng bisita ni Daddy Amir. Halos malapit na ring mag-alas dose nang maubos ang bisita niya. Iyong iba kasi ay nag-inuman pa. Papasok na ako sa kwarto ko nang tawagin ako ni daddy. “Bakit po?” tanong ko. “Sigurado ka ba na iyon ang mga kaibigan mo?” “Opo, daddy. May problema po ba?” “Isang babae at bakla. Hindi naman kaya maging bakla ka kapag sila ang palagi mong kasama?” Bigla akong pinagpawisan ng slight sa tinuran ni daddy. Hindi kaya nakakahalata na siya? Lord, `wag naman po sana! Dedo ako nito pag nagkataon. I need to think an alibi. Kailangan kong maalis ang pagdududa sa isip niya kung meron man. Tumikhim ako sabay ngiti. “Ah, ano kasi… Nakikipagkaibigan po ako sa kanila kasi… si Justeen! Opo, tama. Si Justeen. I like Justeen at gusto ko siyang maging girlfriend. Kinakaibigan ko po muna siya. Si Mocha naman po ang bestfriend niya kaya kailangan ko rin siyang maging kaibigan para mapalapit po ako lalo kay Justeen.” Medyo nag-buckle pa ako sa pagasasalita. Ang hirap talagang magsinungaling kapag ang tatay mo ay isang pulis tapos parang isa kang kriminal na pinapaamin sa isang krimen kung kausapin ka. Kaloka! Tumango-tanngo siya at ginulo ang buhok ko. “Manang-mana ka talaga sa akin, anak! Ganiyan din ang ginawa ko noon sa nanay mo. Kinaibigan ko muna siya bago ko niligawan. Pero maganda kang pumili, ha. Maganda si Justeen at mukhang mabait naman. Ipagpatuloy mo iyan at kung may maitutulong ako ay sabihin mo lang. Sige na, matulog ka na para makapahinga ka na.” Tinapik lang ako ni daddy sa balikat at saka siya pumasok sa silid niya. Nakatulala akong pumasok sa kwarto ko. Napasandal ako sa likod ng pinto at dahan-dahan na napaupo. Ano bang nasabi ko? Na-imagine ko tuloy na girlfriend ko raw si Justeen. Yuck! Babae! Parang gusto ko tuloy masuka! JUSTEEN “BES, alam mo ba na kaya pala naging ganoon sina Demo ay dahil sa binebentang pills sa Benedictine?” untag sa akin ni Mocha habang nasa mall kami that Sunday afternoon. Naglalakad-lakad lang kami at naghahanap ng makakainan. “Hindi ko alam, bes. Saan mo naman nasagap iyan? Baka naman katulad lang iyan ng balitang bakla si Josef, ha. Isang malaking tsismis!” “Totoo `no! May nagbebenta daw ng pills na iyon na nagbibigay ng kakaibang effect sa tao. Parang drugs. Zombie pills ang tawag nila. Kaya nga palagi nang may pulis sa school dahil gusto nilang mahuli iyong nagbebenta.” “Hay naku! Wapakels naman ako sa pills-pills na iyan, bes. Basta, focus lang ako kay Josef. I can sense na malapit nang maging kami dahil ipinakilala niya ako sa daddy niya.” “Assuming lang, bes? Gaga! Birthday ng daddy niya kaya ka ipinakilala. At FYI lang, hindi lang ikaw ang pinakilala pati ako.” “Eh, wala akong pake. Ang nega mo, ha! Be supportive na lang para makaganti na ako sa hinayupak na si--” “Sinong hinayupak?” Nagulantang ako nang may isang lalaki na nagsalita sa likod namin. Pagharap ko ay nagulat ako nang malaman na ang daddy pala iyon ni Josef. “Sir Amir, kayo po pala. Magandang araw po…” Pabebe at magalang na bati ko. Ganoon dapat para dagdag ganda points. “Tito Amir na lang ang itawag mo sa akin, Justeen. Oo nga pala. Anong ginagawa niyo dito?” “Namamasyal lang po…” sagot ko. “Kayo po?” “Pauwi na sana ako. May pinabili kasi si Josef sa akin. May ipapakiusap sana ako, e. Tutal nakita ko na kayo ay malapit lang naman ang bahay niyo sa bahay namin. Baka naman pwedeng pag-uwi niyo ay idaan niyo sa bahay itong pinabili ni Josef.” Isang paper bag ang itinaas ni Tito Amir. “Sige po, tito. No problem. Kami na po ang bahala.” Kinuha ko iyong paper bag. “Salamat. Kailangan ko na rin kasing bumalik sa presinto. Mag-isa lang naman sa bahay si Josef.” Parang musika sa tenga ko nang sabihin niya na mag-isa lang sa bahay si Josef. Hindi kaya ito na ang hinihintay kong chance para akitin ko siya? Tama. Ito na nga iyon. Hindi ko na ito dapat palampasin pa! “O-okay po.” sabi ko na lang. “Alis na ako. Ingat kayo. Salamat ulit.” “Bye po. Ingat din!” Kuntodo kaway pa ako habang papalayo ang daddy ni Josef. Natigil lang ako sa pagkaway nang batukan ako ni Mocha. “Bes, wala na iyong tao! Tama na!” aniya. Nakangusong inayos ko ang buhok ko. “Eh, bakit ba? Happy lang ako!” “Happy? Why?” “Hindi mo ba narinig iyong sinabi ng daddy ni Josef? Mag-isa lang si Josef sa bahay nila. This is my chance, bes. Kailangan ko nang i-grab this!” “Don’t tell me… gagahasain mo si--” “Gaga!” Siya naman ang binatukan ko. “Hindi ako ganoon kasama. Basta, akong bahala…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD