CHAPTER 12- Caught In The Act

1019 Words
JOSEF LONG gown? Pak! Putok na putok na make-up? Pak! Stiletto? Pak! Big hair? Pak! Boobs na made in balloons? Pak! Pak na pak na talaga ang ayos ko ngayon. Babaeng-babae ang pakiramdam ko habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin. Wala si daddy at alam kong magti-text iyon kapag pauwi na. Nagpabili kasi ako sa kanya ng books na matagal ko nang gustong basahin. Sabi nga nila: When the cat is away, the mouse will play. Kaya naman feeling free ako today na isuot ang aking mga gown at mag-feeling beauty queen! Samahan pa ng pang-rampang kanta ni Beyonce at Rihanna? Talagang feeling energize ako sa pagrampa ko. “Good morning, ladies ang gentlemen! May name is Maria Josefina Fruelda, sixteen years of age and I believe in the saying that time is gold! I thank you!” Pakembot-kembot na naglakad-lakad ako sa buong kwarto ko habang kumakaway. F na F ko talaga ito! Ay, teka. Change outfit muna ako. Gusto ko iyong pang-party-party! Yes! Gusto ko `yon! Kakabili ko lang no’n sa ukay-ukay last week at hindi ko pa naisusuot. This is the perfect time. Binuksan ko iyong box ng mga pangpataray ko at inilabas ang isang dress na kulay pink at maraming sequence. May mga parang glitters pa iyon kaya kumikinang talaga. “Pak!” sabi ko pa sa sobrang excitement ko. Isinuot ko agad iyon at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Ito ang dapat kong isuot sa first date namin ng jowa ko. Chos! Wala naman akong jowa. Feeling lang. Haha! Nag-ready na akong irampa ang damit na iyon. Talagang ginaya ko iyong lakad ng mga supermodel na napapanood ko sa Project Runaway. `Yong halos mag-ekis-ekis na ang mga paa na may kasamang gigil! Pak! Pak! Pak! “Laban! Laban! Supermodel! Pak! Ikot! 360! Pak--” bigla akong natigilan sa ginagawa ko. Kinabahan ako nang maramdaman ko na parang may nanonood sa akin. Marahan akong lumingon sa may gawi nang pintuan at nanlaki ang mata ko nang mapansin kong medyo nakaawang iyon ay may nakasilip na cellphone. OMG! M-may nagvi-video sa akin?! JUSTEEN HINDI ko na isinama si Mocha sa pagpunta sa bahay nina Josef dahil I know na magiging istorbo lang siya sa quality time namin ni Josef. Bihira na iyong chance na ganito na masosolo ko siya. Sa school kasi ay hindi ako maka-the-moves sa kanya dahil sa mga classmates namin. Ngayon, kaming dalawa lang talaga. This is it! Kailangan kong iparamdam sa kanya na gusto ko siya. Actually, hindi ko pa naman talaga alam kung anong gagawin ko. Na-excite lang ako sa fact na masosolo ko si Josef. Bahala na si Darna. Nasa gate na ako at tinawag si Josef pero halos isang minuto na ako doon ay walang lumalabas. Doon na ako nag-decide na pumasok na. Hindi naman naka-lock iyong gate, e. Saka kilala na naman nila ako, hindi ako mapagkakamalang magnanakaw. Saka ang ganda ko naman para mapagkamalang magnanakaw, `di ba? Nakabukas iyong front door kaya pumasok na ako hanggang sa salas. At home na at home naman ako masyado. “Josef? `Andito iyong pinabili mo sa daddy mo!” Medyo pasigaw na sabi ko. Wala pa rin. `Asan kaya siya? Teka… Parang may naririnig ako… Who run the world? Girls! Who run the world? Girls! Huh? May nagpapatugtog ng ganoong kanta sa bahay na ito kung saan dalawang lalaki ang nakatira. Parang nanggagaling iyon sa isa sa mga kwarto. Ipinatong ko iyong paper bag sa may sofa. Sinundan ko iyong kanta at nalaman ko na nanggagaling nga iyon sa kwarto malapit sa salas. Inilapit ko pa iyong tenga ko sa pinto para masiguro. Oo, dito nga! Anong meron kaya sa loob? Masyado na akong pakialamera at intrigera pero curious na curious talaga ako kaya naman hinawakan ko iyong door knob. Slowly ay pinihit ko iyon at medyo napapikit pa ako nang bumukas iyon. Maingat akong sumilip sa loob at ganoon na lang ang pagka-shock ko sa nakita ko doon--si Josef! Nakasuot ng gown at parang clown sa kapal ng make-up. May wig pa siya na akala mo ay bahay ng bubuyog at nakasuot ng stilleto na sobrang taas ng takong! Nakaharap siya sa mirror at maya maya ay biglang naglakad na akala mo ay isang supermodel. Bakit ganoon ang ayos niya? Hindi kaya… Naitakip ko ang kamay ko sa aking bibig. So, totoo ang tsismis! Bakla si Josef! Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at inilabas ko ang phone ko at vinideo ang ginagawa ni Josef. Nanginginig pa ang kamay ko dahil hindi ko talaga ito inaasahan. At talagang nag-change outfit pa siya, ha. Isang dress na parang pang-party. Tapos rampa ulit siya. Parang hindi si Josef ang nakikita ko ngayon. Ibang-iba siya sa Josef na pinagkakaguluhan sa school. Ang layo niya sa school heartthrob na si Josef. Baklang-bakla siya. Daig pa ang pato sa pagkembot at paghampas ng balakang. Napapikit tuloy ako dahil medyo nawindang talaga ako. Nagulat na lang ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at sumalubong sa akin si Josef na shock na shock. “J-justeen! A-anong ginagawa mo? Give me that!” Aagawin niya sana iyong phone ko pero umatras ako at agad iyong inilagay sa bulsa. “B-bakla ka…” Hindi iyon question. Tanga na lang ako kung itatanong ko pa sa kanya kung bakla siya dahil nagsusumigaw na sa harapan ko ang ebidensiya. “Bakit mo ako vini-video? I-delete mo `yon!” utos ni Josef. Papalapit na siya sa akin para subukang agawin ulit iyong phone ko. Napaatras ulit ako sabay takbo palabas ng bahay nila. “Justeen!!!” sigaw pa niya. Takbo ako nang takbo hanggang sa makarating na ako sa bahay. Nagkulong agad ako sa room ko at doon ay pilit kong in-absorb lahat ng nakita ko. Bakla si Josef! Bakla siya! Pagod na pagod na napaupo ako sa kama at kinuha iyong phone ko. Pinanood ko ulit iyong video ni Josef. Maya maya ay natigilan ako. Parang may naiisip kasi ako… Ano kaya kung gamitin ko ang video na ito para maging kami ni Josef?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD