“Huwag mong susubukang tumanggi. Hindi ako bingi. Ang linaw ng pagkakarinig ko, Ashanti.” “A-ano kasi, eh.” Umiwas ako ng tingin at napakamot sa ulo. “Daks siya ’no?” Taas baba ang mga kilay na tanong niya. Nakangisi siya at nabuhay ang kuryosidad sa kaniyang mga mata. Laglag ang panga na muli akong napatingin sa kaniya. “Hindi ka ba galit?” “Bakit ako magagalit?” “Kasi naglihim ako sa ’yo,” mahinang sambit ko. “Medyo nakakapangtampo kasi naglihim ka sa akin pero buhay mo naman kasi ’yan, eh. Hindi na din muna kita tatanungin kung ano ang dahilan mo. Basta, kung handa ka nang magkuwento, nandito lang ako, okay?” “Salamat, Cam. Kumusta na nga pala, nakuha mo na ang number ni Tevas?” Kahit anong pilit ni Camille noong burol ni Papa Bernard ay ayaw ibigay sa kaniya ni Tevas an

