“Pero mas gutom ’tong alaga ko . . .” anas niya at muli akong sinibasib ng halik. “Don’t worry, mabilis lang ’to,” dagdag pa niya nang saglit siyang lumayo sa akin. Unti-unti akong tinupok ng apoy na dulot ng mga halik at haplos ni Lesandro. Ikinawit ko ang mga braso sa kaniyang batok. Ang dibdib ko ay kusang lumiyad at dumikit nang husto sa katawan niya. Ramdam ko ang paninigas ng dalawang korona ko roon na tila ba nasasabik na paraanan muli ng kaniyang palad at bibig. Tinugon ko ang mapupusok na halik na iginagawad niya sa akin. Ang mga labi naming magkahinang ay tila nasa paligsahan na habang tumatagal ay painit nang painit ang laban. “Ugh . . .” daing niya nang hindi sinasadyang makagat ko ang mga labi niya. Nalasahan ko ang dugo na nagmumula sa kaniyang labi pero hindi niya

