KABANATA 19

1064 Words

“Lesandro,” untag ko kay Lesandro. Pagkatapos niyang mananghalian kanina ay muli siyang bumalik sa puwesto niya mula nang dumating kami at tahimik na naupo doon. “What?” tila aburidong tanong niya pagkalingon sa akin. Hindi na nawala ang pagkakakunot ng kaniyang noo. “Magpapaalam sana ako,” nag-aalangang sambit ko. “Diretsahin mo na ’ko, Ashanti. Ano ba ang sasabihin mo?” “Gusto ko sana na magpaiwan muna dito para may makasama si Mama. Para na din may kapalit siyang magbantay kay Papa Bernard sa gabi.” “Hindi puwede.” Muli niyang itinuon sa unahan ang tingin at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. “Pero walang kasama dito si Mama. Mapupuyat siya kung siya lang mag-isa ang magbabantay kay Papa Bernard,” pagpupumilit ko. “Ipapaiwan ko dito si Tevas pati na din ang ibang tauhan ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD