Agad na napahagulgol si mama pagkapasok namin sa bahay. Napatayo sina Camille at Tita Cassandra pagkakita sa amin ni mama. May ilang kapitbahay ang naroroon sa burol ni Papa Bernard. Nagpaiwan sa loob ng sasakyan si Colt samantalang sumama naman sa amin sina Lesandro at Alessandra. “B-Bernard . . .” mahinang sambit ni Mama. Patuloy siya sa pag-iyak. Maging ako ay napaiyak na rin. Lumapit kami sa kabaong ni Papa Bernard. Naupo naman ang magkapatid sa unahang bahagi ng mga plastic na upuang nakahilera. “Mare, condolence sa inyo,” ani Tita Cassandra at yumakap kay mama. Tahimik naman akong niyakap ni Camille matapos niyang maghain ng makakain kina Lesandro at Alessandra. “Mare, salamat pala sa pag-asikaso dito habang wala kami. Ngayong umaga ko lang nalaman ang nangyari kay Bernard. P

