Lumiko siya nang may madaanan kaming fastfood restaurant at dumiretso sa drive-thru para um-order. Dalawang hot choco, dalawang bottled water, dalawang breakfast sandwich, dalawang pancake at isang jumbo fries ang in-order niya. Kinuha ko ang isang breakfast sandwich at binuksan. “Gusto mo bang subuan na lang kita para makakain ka?” malumanay na tanong ko sa kaniya. Saglit siyang sumulyap sa akin at tumango. Inilapit ko ang sandwich sa bibig niya. Halos mapangalahati ang sandwich sa laki ng kaniyang kagat. “Kumain ka na rin,” utos niya. Kinuha ko ang isang sandwich at kumain. Naubos niya ang mga pagkaing in-order niya para sa kaniyang sarili. Pagkatapos kong kumain ay ininom ko ang gamot na ibinigay niya sa akin. Hindi ko nakain ang pancake kaya naisipan kong ibigay na lang kay mama.

