KABANATA 12

1182 Words
Binuksan ko ang cellphone pagkaalis ni Lesandro. Mabuti na lang at bagong charge ko ito kahapon nang umalis kami sa bahay. Napakarami ng missed calls at texts mula kay Camille. Hinanap ko ang number niya at tinawagan. Isang ring pa lang ay sinagot na niya agad. “Ash! Mabuti na lang at tumawag ka na! Nasaan ba kayo ni Tita Athena?” Nailayo ko ang tainga sa cellphone sa sobrang lakas ng boses niya. “Wala ka naman sigurong balak na basagin ang eardrum ko?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya kahit hindi kami magkaharap. “Mag-online ka na nga lang. Importante itong sasabihin ko sa ’yo. Video call na lang tayo.” Hindi ko pa naibababa ang tawag ay pinatayan niya na agad ako. Binuksan ko ang data at nag-video call sa kaniya. “Ano ba ’yung importanteng sasabihin mo?” Muli akong nahiga sa kama. “Ash, wala na ang asawa ng Mama mo. Patay na si Tito Bernard mo,” malungkot na sambit niya. Base sa background niya ay nasa loob siya ng kaniyang silid. Bigla akong bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. “P-Patay na si Papa Bernard? Paanong nangyari ’yun? Buhay pa siya kagabi bago kami umalis.” Tinambol ng kaba ang dibdib ko at nagsimulang pumatak ang mga luha sa pisngi ko. “Kanina kasi pumunta ako sa bahay n’yo bandang six thirty ata ’yun ng umaga para sana bigyan kayo ng bilo-bilo na niluto ni mama. Pagpunta ko doon bukas ’yung gate at saka ’yung pinto ng bahay n’yo kaya dire-diretso na akong pumasok. Tapos bumungad sa akin ang duguang katawan ni Tito Bernard na nasa sala. Nag-report kami kaagad ni mama sa pulis. Kagagaling lang namin sa presinto. Grabe ’yung takot at kaba ko, Ash.” Napahawak siya sa kaniyang dibdib. “C-Camille, baka pinatay siya nung mga lalaking pumunta sa bahay kagabi. ’Yung mga humabol sa amin ni mama,” wala pa ding tigil sa pagpatak ang mga luha ko. Kahit hindi naging maayos ang huli naming pagkikita ni Papa Bernard ay masakit pa rin para sa akin ang sinapit niya. Kahit na siya ang dahilan kung bakit naririto ako sa ganitong sitwasyon ngayon ay mas nangibabaw pa rin sa akin ang mga mabubuti niyang nagawa para sa amin ni mama. “Ayon sa ninong kong pulis, si Mang Gaston daw ang pumatay sa kaniya dahil siya ang nakita sa CCTV na huling pumunta sa bahay ninyo kagabi. Umamin naman siya kasi hindi na daw nagbabayad ng utang si Tito Bernard. Galit na galit na daw ang asawa niya sa kaniya kaya pinilit niyang magbayad si Tito Bernard. Kaso wala daw maibigay kaya nagtalo sila hanggang mauwi sa pananaks*k.” “H-Hindi ba kami hinanap ng mga pulis?” kinakabahang tanong ko. “’Yun na nga ang pinagtatakhan ko. Ang alam lang daw ni ninong eh may nagsabi na nasa bakasyon daw kayong dalawa kaya wala kayo sa bahay. Nasaan ba kayo ni Tita Athena ngayon?” usisa niya. Ikinuwento ko sa kaniya ang nangyari kagabi. Maging ang tungkol sa pagligtas sa akin ni Lesandro ay sinabi ko sa kaniya maliban sa kasunduan namin pati na ang tungkol sa pera. Siguradong mag-uusisa pa siya kapag nalaman niyang may perang involved. “Pero bakit hindi nabanggit ang tungkol doon? Kinuha nila ang kopya ng CCTV na nakatutok sa may kalsada sa tapat ng bahay ninyo, bakit hindi nila napanood ‘yun?” may pagtataka sa boses na tanong niya. Maging ako ay napaisip din. Hindi kaya ay may kinalaman dito ang sindikatong inutangan ni Papa Bernard? Baka pinagtakpan nila ang nangyari sa amin ni mama kagabi. “Hindi ko alam, Camille. Baka malaking sindikato ang inutangan ni Papa Bernard kaya napagtakpan nila ang tungkol sa mga humabol sa amin kagabi,” kuyom ang kamaong saad ko. “Sana mailigtas na niya si Tita Athena. Mabait naman pala si Mister Alcaraz ’no? Siguro type ka niya talaga?” panunukso niya. “Tumigil ka nga, kung ano-ano na naman pumapasok diyan sa maharot mong utak, eh.” Saway ko sa kaniya sabay irap. “Pero teka, ano kaya ang ginagawa nila sa lugar na ’yun? Bakit saktong naroroon sila ng may humahabol sa inyo?” Napahawak siya sa baba at tumingala na para bang may malalim na iniisip. Maging ako ay napaisip din kung ano nga ba ang ginagawa nila doon. “Ah, baka pumunta sila sa bar kasi may sikat na bar malapit doon, eh.” Siya din ang sumagot sa tanong niya. Inabot ng halos isang oras ang pag-uusap namin ni Camille. Pagkatapos naming mag-usap ay tinawagan ko ang number ni mama pero hindi ko siya ma-contact. Sinubukan ko ding tawagan si Lesandro pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Nag-text na lang ako sa kaniya na balitaan niya ako kapag nailigtas na niya si mama. Humugot ako ng malalim na hininga at bumangon sa kama. Isinuksok ko ang cellphone sa bulsa ng maong kong pantalon. Bumaba ako sa kusina at naghalungkat sa refrigerator kung ano ang puwede kong lutuin. Manok lang ang sa tingin kong mabilis-bilis lutuin. Binabad ko muna sa tubig ang manok para makapagluto ako ng adobo. Habang nakababad sa tubig ang manok ay nagsalang ako ng bigas sa rice cooker. Maya’t maya ako tumitingin sa cellphone kung may text ba si Lesandro. Ngunit nakakain na lang ako ng tanghalian ay wala pa din siyang paramdam sa akin. Umakyat ulit ako sa silid na inookupa ko. Naghalungkat ako sa cabinet na naroroon kung may damit na puwede kong isuot. Napangiti ako ng may makita akong iilang piraso ng mga damit na nakasalansan doon. Kumuha ako ng isang blouse na kulay puti at cotton shorts na kulay pula. “Saktong-sakto sa ’kin, ah,” ani ko sa sarili. Guminhawa ang pakiramdam ko pagkatapos kong maligo. Isinuot ko na lang ulit ang bra ko. Ang panty ay nilabahan ko muna at isinampay para may maisuot ako mamaya. Pagtingin ko ulit sa cellphone ay wala pa ring paramdam si Lesandro. Hindi ako mapakali sa buong maghapong paghihintay sa kanila ni mama. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong sinubukang tawagan siya pero hindi ko pa din siya ma-contact. Sumapit na ang gabi ngunit hindi pa rin sila dumadating ni mama. Naupo ako sa couch upang doon na lang sila hintayin sakaling dumating na sila. Ten thirty na ng gabi ngunit wala pa rin sila. Sa sobrang antok ay nahiga na ako sa couch at ipinikit ang mga mata. “Ahhh . . .” Napaungol ako ng maramdaman kong may mainit na kamay na pumipisil sa kaliwang dibdib ko. Tila siya nagmamasa ng dough sa paraan ng paglamas niya sa aking dibdib. Hanggang sa panaginip ay dinadalaw ako ng mga mahahalay na gawain ni Lesandro. Napakunot-noo ako dahil ramdam ko ang paninigas ng korona ko. Para akong tinutupok sa apoy dahil sa init na nararamdaman ko. Dumiin ang isang daliri sa korona ko at pinaikot-ikot iyon na lalong nagpainit sa aking pakiramdam. “Alam kong gising ka na. Dumilat ka na diyan at sisingilin na kita sa pagkakautang mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD