KABANATA 11

1097 Words
Nanlulumong napasandal ako sa pinto nang makabalik ako sa silid. Napaupo ako at nagsimulang tumulo ang luha sa mga mata ko. “Mama, ano po ang gagawin ko?” Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko ang sinabi niyang baka kung ano na ang ginagawa nila sa mama ko. Pinahid ko ang luha sa aking pisngi makaraan ang mahigit dalawampung minutong pag-iisip kung ano ba ang dapat na gawin ko. Tumayo ako at sinipat ang pambisig na relo. Eight forty five na ng umaga. Bumaba ulit ako at tinungo ang library. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok. Nanginginig ang kamay na pinihit ko ang door knob. Lumapit ako sa lamesa niya at tumayo roon. Mula sa laptop ay tumutok ang mga mata niya sa akin “Nakapagdesisyon ka na? Wala pang isang oras, ah?” Tumingin siya sa pambisig niyang relo. “K-Kung papayag po ako sa gusto mo, hanggang kailan ako mananatili dito? Hanggang kailan ako magiging b-babae mo?” “Six months. At ako lang dapat ang lalaki sa buhay mo sa loob ng anim na buwan.” “G-Ganoon po katagal? Baka po puwedeng bawasan?” samo ko sa kaniya. “My decision is final. Now, kung ayaw mo maghanap ka na ng pambayad sa limang milyon,” mariing sambit niya sa akin. Tila nauubusan na siya ng pasensiya habang matalim ang mga matang nakatingin sa akin. “P-Pumapayag na po ako.” Tumaas ang sulok ng labi niya. “Here’s the contract. Maupo ka at basahin mo muna.” Naupo ako at binasa ang kontrata. Pinirmahan ko iyon kahit na halos wala akong naintindihan. May mga sinabi pa siya sa akin na panay tango lang ang sagot ko. Basta ang alam ko lang, ililigtas na nila si mama. May tinatawagan siya pagkatapos naming pag-usapan ang tungkol sa kontrata. Nakahinga ako ng maluwag dahil malapit ng mailigtas si mama. “Aalis na po ba kayo? Pupuntahan n’yo na po ba si mama? Puwede ba akong sumama?” magkakasunod na tanong ko nang tumayo siya at tinungo ang pinto. “Hindi ka puwedeng sumama.” “P-Pero gusto ko na po siyang makita.” Tiim-bagang na lumapit siya sa akin. “Ako ang amo mo dito kaya ako ang masusunod! Naiintindihan mo ba?” Halos maduling ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Nanginginig na napatango ako ng sunod-sunod. Kung nakakahiwa lang ang mga tingin niya siguro’y nagkasugat sugat na ako sa sobrang talim ng tingin niya sa akin. “Follow me. Ihahatid na kita sa magiging silid mo.” “H-Hindi tayo matutulog sa iisang kwarto?” Gusto kong sampalin ang sarili. Nanginginig na nga ako sa takot at lahat-lahat pero ’yun pa talaga ang naitanong ko. Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin. “Gusto mo na ba akong makatabi kaagad? Huwag kang mag-alala, darating din tayo diyan.” Kung kanina ay umaapoy sa galit ang mga mata niya, ngayon naman ay puno na ito ng pagnanasa na nakatunghay sa akin. Uminit ang magkabilang pisngi ko. “Hindi ah! Mas pabor nga sa akin kung magbabago na ang pasya mo!” “That will never happen.” Tumalikod siya at mabilis na naglakad palabas. Napalabi ako habang nakasunod sa kaniya. Inihatid niya ako sa katabing silid kung saan ako natulog kagabi. “This will be your room. Katabi lang nito ang kwarto ko. Iiwanan na muna kita sandali. Magluto ka na lang sa ibaba ng gusto mong kainin.” “Napansin kong napakatahimik kanina ng bumaba tayo, wala ba ditong ibang tao?” “Dalawa lang ang kasambahay ko dito. Pero pinagbakasyon ko muna sila ng dahil gusto kitang ma-solo. Babalik din sila kapag tinawagan ko.” Bago pa ako makapagsalita ulit ay hinapit na niya ako sa baywang at siniil ng halik. Nanlaki ang mga mata ko at hindi nakaimik. Sinamantala niya ang pagkakaawang ng aking mga labi. Ipinasok niya ang mainit niyang dila at gumalugad doon. Tila siya gutom na gutom sa paraan ng pagsipsip niya sa mga labi ko. Tumaas ang mga balahibo ko ng gumapang ang isa niyang braso mula sa likod ko pataas sa likod ng ulo ko. Mariin niya akong hinawakan doon upang palalimin pa ang kaniyang halik. Napakapit ako sa balikat niya ng maramdaman ko ang panglalambot ng aking mga tuhod. Huminto siya sa paghalik at pinagdikit ang mga noo namin. Habol namin parehas ang aming hininga. “T*ng ina, bakit ba ganito ang epekto mo sa akin?” namamaos ang boses na tanong niya. Hindi ako nagsalita. Patuloy lang sa pagtaas baba ang aking dibdib. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi ito ang unang beses na mahalikan ako pero bakit sobrang bilis ng t***k nito? “Aalis na ako, baka hindi ako makapagpigil na maangkin ka ngayon mismo.” Binitawan niya ako. Sa halip na dumaan siya sa pintong pinasukan namin kanina ay dumaan siya sa isang pang pinto na nasa loob ng silid na kinaroroonan ko. Kung ganoon ay karugtong ng silid na ito ang kwartong tinulugan ko kagabi. Nanginginig ang tuhod na napaupo ako sa kama. Napahawak ako sa mga labi kong namamasa pa dahil sa mga halik niya. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko sa tuwing hinahalikan niya ako? Nanariwa sa isip ko ang ginawa niya sa akin noong nasa kuweba kaming dalawa. Sa pagbabalik tanaw ko ay nakaramdam ako ng kakaiba sa pagitan ng aking mga hita. Ipinagdikit ko ang mga hita ko ng maramdaman kong tila may pumintig-pintig sa p********e ko at nagsimulang uminit ang pakiramdam ko. Hindi makapaniwalang natutop ko ang aking bibig. “Nahawa na yata ako sa kamanyakan niya,” gilalas na ani ko sa aking sarili. Napahawak ang dalawang kamay ko sa ulo. “Hindi maaari ito, hindi ako ganito.” Napasabunot ako sa sariling buhok. Nahiga ako sa kama at nagpagulong-gulong. “What the hell are you doing?” Napatingin ako sa pintong dinaanan niya kanina. Halos magdugtong na ang mga kilay niya sa pagkakakunot habang nakamasid sa akin. Natatarantang bumitaw ako sa aking buhok at umayos ng pagkakaupo sa kama. “A-Akala ko umalis ka na.” Napayuko ako ng lumapit siya sa akin. “I forgot to give you this. Tawagan mo ako kapag may kailangan ka,” saad niya sabay abot sa akin ng pouch na dala ko kagabi. May kasama iyong kulay itim na card. Walang emosyong mababakas sa guwapo niyang mukha habang nakatunghay sa akin. Agad siyang tumalikod at lumabas sa kwarto pagkakuha ko ng card at ng pouch na inaabot niya. LESANDRO ALCARAZ basa ko sa pangalan niyang naka-engrave sa itim na calling card.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD