KABANATA 10

1249 Words
“Mama!” Napabalikwas ako ng bangon. Pinasadahan ko ang silid na kinaroroonan ko. Hindi ito ang aking silid. Itinakip ko ang dalawang kamay sa aking mukha nang muling tumulo ang mga luha ko nang maalala si mama. Kasalanan ko ang nangyari sa kaniya, kung sana ay hindi ko na siya inayang tumakbo nang makita ko siya kagabi siguro’y hindi siya madadamay. Ako lang sana ang hahabulin nila. “Kumain ka na muna.” anang baritonong boses. Nag-angat ako ng tingin. Pamilyar sa akin ang pares ng mga matang nakatunghay sa akin. Maging ang kaniyang boses ay pamilyar sa akin. “Halika na, kumain ka na muna sa baba.” Muli niyang aya sa akin. Tumalikod siya at nakapamulsang tinungo ang pintuan. “S-Si Mama. Please, iligtas po natin si mama.” Bumangon ako sa kama at patakbong lumapit sa kaniya. “Mamaya pag-uusapan natin ang tungkol diyan pagkatapos mong kumain kaya bilisan mo na.” Hindi siya humarap sa akin. Matapos magsalita ay tuluyan niyang binuksan ang pintuan at lumabas. Tahimik akong sumunod sa kaniya. Pinasadahan ko ng tingin ang pasilyong dinadaanan namin. Ang silid na pinanggalingan ko ay sa bandang dulo. Isa lang ang katabi nitong kwarto. Samantalang tatlong kwarto naman ang nasa kabilang bahagi. Wala pa din siyang imik hanggang makarating kami sa may hagdan na nalalatagan ng pulang carpet. Kapansin-pansin din ang ’di kalakihang aranya na nakasabit sa kisame. Napakatahimik ng buong paligid. Kumulo ang tiyan ko nang marating namin ang dining table. Sinigang at pritong bangus ang ulam. Naghila siya ng upuan. Naupo siya at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. “Ah, excuse me po. Hindi ko pa po pala natatanong kung ano ang pangalan mo.” Alanganin akong ngumiti sa kaniya at napakamot sa likod ng ulo. Napaatras ako nang dumaan ang iritasyon sa gwapo niyang mukha. “Hindi mo ba talaga ako naalala?” Mabagal siyang tumayo at naglakad palapit sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang ipulupot niya ang isang braso sa beywang ko at marahas niya akong hinapit. Naitukod ko ang mga kamay sa matigas niyang dibdib dahil sa higpit ng pagkakahapit niya sa akin. “Nakalimutan mo na agad ako, sweetie.” Napasinghap ako nang idiin niya sa akin ang ibabang bahagi ng katawan niya. Ramdam ko ang matigas na bagay na tumutusok sa aking tiyan. Ang mga mata niyang kakulay ng tsokolate ay matiim na nakatitig sa akin. Nanulay sa bawat himaymay ng katawan ko ang bolta-boltaheng kuryente nang idampi niya ang kaniyang palad sa braso ko at pinadausdos iyon pababa. Pinagmasdan ko ng maigi ang mukha niya. Inalala ko sa isip kung saan ko ba siya nakita. Ang kulay dark brown niyang mga mata na matalim kung tumitig, ang mapupula niyang mga labi at ang matangos niyang ilong...Muling namilog ang mga mata ko nang makilala ko siya. Hindi na mahaba ang kaniyang buhok at inahit na din niya ang balbas na halos matakpan na ang kalahati ng kaniyang mukha. “M-Mister Alcaraz . . .” nauutal na sambit ko. Umalsa ang sulok ng labi niya. “Akala ko kailangan ko pang ulitin ang ginawa ko sa ’yo sa kuweba para lang maalala mo ’ko.” Nagtatayuan ang mga balahibo ko sa patuloy na paghaplos ng isang kamay niya sa braso ko. Nagsindi ng tila mumunting apoy sa kaibuturan ko ang ginagawa niyang iyon sa akin na unti-unting kumakalat sa aking sistema. “B-Bitawan n’yo na po ako.” Napalunok ako. “Kumain ka na muna, mamaya pag-uusapan natin ang tungkol sa mama mo.” Nakahinga ako ng maluwag nang bitawan niya ako. Naupo siyang muli sa kabisera. Nakahalukipkip na binabantayan ang kilos ko. Naghila ako ng upuan at naupo. Nagsimula akong kumain ngunit kahit gutom na gutom ako ay hindi ko ma-enjoy ang kinakain dahil sa paninitig niya. “Tapos ka na agad kumain?” “Opo, tapos na.” “Ganiyan ka ba talaga kumain?” Umalis siya mula sa pagkakasandal sa upuan. Ipinatong niya ang dalawang kamay sa lamesa at pinagsalikop. Napakunot-noo ako. “Ano po ang ibig n’yong sabihin?” naguguluhang tanong ko. “Kakaonti lang ang kinain mo.” Puna niya. “B-Busog na po kasi ako.” Tumayo ako at sinimulang ligpitin ang mga pinagkainan. Sa totoo lang ay gusto ko pang kumain pero naiilang ako sa mga titig niya sa akin. “Mamaya mo na ’yan ligpitin. Sumunod ka sa akin sa library at may pag-uusapan tayo.” Tumayo siya at mabilis na naglakad. Sumunod ako sa kaniya. Pinagsawa ko ang mga mata sa pagmamasid sa likod niyang malapad. “Baka matunaw ang likod ko sa paninitig mo,” sambit niya na may himig ng panunukso. Uminit ang magkabilang pisngi ko. “Hindi po, ah!” Nagpakawala siya ng mahinang tawa. Ilang sandali lang ay narating namin ang isang pinto. Binuksan niya iyon at pumasok. Inilibot ko ang tingin nang makapasok sa silid. Puno ng libro ang bookshelf na nakapuwesto sa magkabilang gilid. Sa gitnang bahagi naman ay ang lamesa. Sa harap niyon ay may dalawang upuang magkaharap. Sa gilid ng pinto ay may pahabang sofa na kulay itim. Tumatagos ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana sa bandang likuran ng lamesa. “Maupo ka.” Alok niya sa akin bago umikot sa lamesa at naupo sa swivel chair na naroroon. May inilapag siyang papel sa lamesa nang makaupo ako at inusod palapit sa akin. “Ano po ito?” “Kontrata ’yan. Tinubos kita sa mga taong humahabol sa ’yo. Negosyante ako. Kailangang may kapalit ang ginawa kong paglalabas ng pera para sa kaligtasan mo.” “A-Ano po ba ang gusto n’yong kapalit?” kinakabahang tanong ko. “Maging babae ko. Pun’an mo ang pangangailangan ko sa kama.” Napaawang ang bibig ko dahil sa mga sinambit niya. Hindi ko pinagkaabalahang damputin ang papel na naglalaman umano ng kontrata Maya-maya ay natawa ako ng pagak. “Mister Alcaraz, mayaman ho kayo, maganda ang pangangatawan, gwapo at matangkad. Halos wala na ngang maipintas sa inyo, eh. Sigurado po akong maraming babae ang nagkakandarapa sa inyo. Sila na lang po ang alukin n’yo ng ganiyan. Iba na lang ang hilingin n’yo sa akin. Kung gusto ho ninyo ako na lang ang maging kasambahay ninyo habang buhay.” “Ayaw mo o gusto?” seryoso ang mga matang tanong niya sa akin. “Hindi po ako p*ta na babayaran mo at gagawing parausan.” Nagtagis ang mga bagang ko. Tumayo ako at tinungo ang pinto. Bago ko pa man mahawakan ang door knob ay nahawakan na niya ang braso ko at ipinihit niya ako paharap. “Kapag pumayag ka sa alok ko, agad akong makikipagnegosasyon sa mga taong dumukot sa mama mo para bawiin siya.” Tumingala ako sa kaniya. “Sa iba na lang po ako lalapit. Hihingi ako ng tulong sa mga pulis upang mailigtas si mama.” “Fine. Madali akong kausap. Bayaran mo ngayon din ang perang ipinangtubos ko sa ’yo na nagkakahalaga ng limang milyon.” “P-Po? B-Babayaran ko na agad-agad?” Napatda ako sa kinatatayuan ko. Saan naman ako kukuha ng gan’un kalakihang halaga ng pera? “Narinig mo ang sinabi ko.” “P-Pero wala po ako gan‘un kalaking halaga ng pera. Baka po puwedeng pagtrabahuhan ko na lang.” “I’ll give you an hour para magdesisyon. Tandaan mo, hawak nila ang mama mo. Hindi natin alam baka kung ano na ang ginagawa nila sa kaniya. Bumalik ka na muna sa silid na pinanggalingan mo kanina.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD