KABANATA 22

1101 Words

“Sige, susunod na agad ako pagkatapos kong magbihis.” Maong na pantalon at puting polo shirt ang isinuot ko. Bago tuluyang lumabas ay muli kong pinasadahan ng tingin ang aking kauoan. Hakab sa katawan ko ang suot na damit dahilan upang lumitaw ang magandang hubog ng aking katawan. Bitbit ang bag ay bumaba ako kaagad matapos kong magbihis. Nadatnan kong nagbabasa ng diyaryo si Lesandro. May mga nakahain nang pagkain sa lamesa pagdating ko sa kusina. Ham, sunny side up na itlog at sinangag na umuusok pa. Mayroon ding hot chocolate sa gilid ng pinggan. “Kain na tayo para makapunta na sa bahay ninyo.” Alok niya sa akin. Inilapag niya sa gilid ng lamesa ang diyaryo. “Pasensiya ka na, tinanghali ako ng gising. Ikaw pa tuloy ang nagluto,” hinging paumanhin ko. Naghila ako ng upuan at naupo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD