DAY 9 //* ???
MAXINE P.O.V
Nang marating namin ang isang Super Market ay mabilis namin iyon pinasok.
Gaya ng sinabi ni Ezekiel ay nag grocery nga kami para may pang stock sa bahay nya. Kahit anong klase daw kase ng pagkain ay wala siya sa bahay kaya binili namin lahat ng kailangan nya maging ng ibang appliances na kakailanganin nya na wala sa bahay nya.
Bumili kami ng isang sakong bigas, mga can goods at iba't ibang klase ng karne at isda. Kumuha din ito ng mga snacks at iba ibang klase ng inumin maging ang alak ay nandoon.
"Naku! Saan natin Isasakay ang mga iyan?" Pagkuwan ay tanong ko ng matapos niyang bayaran ang mga pinamili na umabot ng sampong libo ang presyo.
"I can go home first then i'll get my car to pick you and the stuffs" Sagot nito na kina tango tango ko nalang.
Wala na din naman akong magagawa kundi ganon nalang.
Hila namin ang dalawang malaking push cart ay tinungo namin ang isang stall na may tindang desserts saka sya bumili doon at inabot sakin.
"Busog pako" Nguso kong sabi pero ipinilit parin sakin ang binili.
"Kainin mo habang hinihintay ako" Anito kaya tinanggap ko na at naupo sa isang bench na naroroon.
"Sige na! Umalis kana para makarating ka kaagad" Pagtataboy ko sakanya.
"Okay! Okay! Wait me here huh? Don't you dare talking to someone when i'm not around" Anito na kina ngiwi ko ngunit tinanguan nalang sya para hindi na mangulit.
Naku! Hindi pa man kami ay possesive na...
Nang makaalis na ito ay inumpisahan ko ng kainin ang binili nyang dessert kahit na busog pa talaga ako. Inabala ko ang sarili ko para hindi mainip sa paghihintay sakanya.
Gulat akong napaangat ng tingin ng biglang may tumabi sakin ng upo.
"Hi Max. How are you?" Sabi nito kaya napa taas ako ng isang kilay dahil hindi ko naman siya kilala pero alam nya ang pangalan ko.
"May i know you?" Kunot noo kong tanong kaya natawa sya ng bahagya.
"Ow! Don't you remember me?" Anito kaya lalong kumunot ang noo ko bago ako tumango.
"I'm Gavin Estrada, One of your suitor before" Sagot nito kaya pinaka titigan ko ito ng husto kaya namukahan ko na nga siya.
"Ah yung Criminology student before?" Pangungumpirma kong tanong na agad nyang tinanguan.
"Akala ko ay nakalimutan mo na ako" Tipid na ngiting sabi nya kaya napakamot ako ng ulo.
Nag iba na kase ang itsura nito. Matangkad na talaga ito noon ngunit hindi kalakihan ang pangangatawan nya. Maputi ito noon ngunit ngayon ay moreno na pero gwapo paring tignan.
"Anong ginagawa mo dito? May hinihintay kaba?" Pagkuwan ay tanong nya kaya napatingin ako sa mga push cart na nasa harapan namin.
"Oo. Hinihintay ko yung kasama ko kinuha kase nya yung kotse nya para dito sa mga pinamili namin." Tipid na ngiting sagot ko.
"Boyfriend o Asawa?" Tanong muli nito kaya napatingin ako sakanya ng nagtataka.
"Paano mo nasabi?" Takang tanong ko kaya napatingin sya sa mga push cart bago ito bumaling sakin saka sumagot
"Para kaseng gamit sa habay ang mga pinamili nyo like newly weds" Sagot nito na kina ngiwi ko.
Sasagot na sana ako ng biglang may sumagot para sakin kaya napatingala ako para matignan ang kunot noo at nagtatagis na bagang ni Ezekiel habang nakatingin kay Gavin.
"Yeah you're right We're newly weds and i'm her Hasband" Sabi nito na kina singhap ko saka ko binalingan ng tingin si Gavin na nakikipag tagisan din ng titig kay Ezekiel.
Sabay kaming napatayo ni Gavin sa kinauupuan namin at binalingan si Ezekiel. Hinawakan ako ni Ezekiel sa kamay saka itinabi sa kanya kaya napatingin si Gavin sa kamay nitong nakahawak sakin saka ngimisi.
"I think hindi kayo tunay na couple" Ngisi nitong sabi kaya nagtagis muli ang bagang ni Ezekiel bago ito sumagot.
"Paano mo naman nasabi?" Seryoso nitong tanong
"I can't see a ring in your both hands" Ngisi nanaman nitong sagot kaya pareho kaming napatingin ni Ezekiel sa mga daliri namin.
"I think i've still chance to Maxine" Muling anas ni Gavin na kina kaba ko dahil biglang humigpit ang hawak ni Ezekiel sa kamay ko.
"Don't you dare to came near again in my wife, Mr.whoever you are" Inis ng sabi ni Ezekiel saka na ako inakay paalis.
"I'll visit you in your house some other time Max. Nice meeting you again" Dinig pa naming habol na sabi ni Gavin bago kami tuluyang nakalabas ng Super Market.
Walang kibo na inalalayan ako ni Ezekiel na makasakay sa kotse nito bago inilagay sa compartment ang mga pinamili namin. Tahimik siyang sumakay sa driver seat at walang imik na pinaandar ang kotse paalis.
Bumuntong hininga muna ako bago magsimulang magsalita.
"Galit kaba?" Tanong ko dito ngunit walang nakuhang sagot kaya humarap ako sakanya na busy sa pagmamaneho at deretsong nakatuon ang paningin sa kalsada.
"Uyy" Muling sabi ko kaya napabuntong hininga muna ito bago ako tinignan ng mabilis at ibinalik din sa daan ang paningin.
"No! I'm not" Tipid na sagot nito saka ginagap ang isang kamay ko na nakapatong sa kandungan ko.
"E bakit ang tahimik mo?" Nakanguso kong tanong muli.
"I'm focus in driving" Anito saka pinisil pisil ang kamay kong nakasalikop sakanya.
Hindi na ako kumibo pa. Hinayaan ko nalang na tahimik ang naging byahe namin hanggang sa makarating na kami sa bahay nya. Ipinasok nya hanggang sa garahe ang kotse nya bago sya bumaba para pagbuksan ako.
Pinapasok muna nya ako sa loob ng bahay nya bago nya isa isang ibinaba sa sasakyan ang mga pinamili namin. Tutulungan ko sana sya ngunit pinigilan nya ako at sinabing umupo nalang daw ako at magpahinga.
Sinundan ko bawat galaw nya habang busy pabalikbalik sa labas papuntang kusina para doon ilagay ang mga pinamili namin. Minabuti kong tumungo sa kusina nya at nag umpisang ilabas sa mga boxes ang mga pinamili at ayusin iyon sa mga lagayan.
"I told you to seat and relax there" Pagkuwan ay sabi nito ng madatnan ako sa Kusina habang nagsasalansan ng mga can goods sa cabinet.
"Kaya ko naman ito. Pagbigyan mo na ako" Nakanguso kong sabi na kina iling nya saka na nito pinagpatuloy ang ginagawa.
Lihim akong napangiti dahil sa inasta nya. Simpleng pagpapa cute lang kase ay tinatablan na sya at hindi na maka kontra.
Inilagay nya sa sink ang lahat ng karne at mga isda na binili namin kaya nilapitan ko sya doon at tinulungan ko syang hugasan ang mga iyon.
"Ako na dito Babe" Anito na kina tigil ko dahil sa tinawag nya sakin.
Natawa ito ng bahagya dahil sa naging reaksyon ko kaya sinamahan ko siya ng tingin ngunit tinawana lang ulit nya ako.
"Wag mo nga akong tawagin na ganon" Nahihiya kong sabi kaya tinignan nya ako sa mata
"Why? Don't you like it?" Kunot noo nyang tanong na agad kong inilingan saka nag iwas ng tingin at nagpanggap na busy sa paghugas ng mga karne.
"H-hindi ako sanay" Utal kong sabi ngunit napasinghap ako ng bigla ay pumunta sya likuran ko at payakap nya akong kinulong sa mga bisig nya at nagpatuloy sa ginagawa.
"So from now on, Masanay kana" Bulong nito sa tenga ko na kina init ng pisngi ko at kinilabatan dahil sa hininga nitong tumama sa tenga at batok ko.
Hindi na ako kumibo pa at hinayaan ko nalang siya sa ginagawa nya. Kahit itanggi kasi ng isip ko ay gusto naman ng katawan ko na makulong sa bisig nya.
Pakiramdam ko ay safe ako pag nasa paligid ko sya at masaya ako na ganito sya sakin. Siguro ay dahil ngayon ko lang narandaman ito. Pero napaka sarap sa feeling kaya hinahayaan ko nalang siya.
Kami lang naman dalawa dito. hihihi
Pagkatapos naming magligpit at maglinis at nagluto ako ng makakain namin pang meryenda.
Alasingko na din kase ng hapon at wala ng araw sa labas. Inilapag ko sa center table ang mga naluto ko kaya napatigil ito sa ginagawa sa loptop nya.
"What did you called this?" Tanong nito sabay turo sa inilapag ko.
Inilapag ko muna ang pitsel na may laman na Pineapple juice na ginawa ko bago ko ito sinagot
"Ham and Cheese Roll ang tawag dyan" sagot ko na kina mangha nya saka siya kumuha ng isa doon at tinikman.
Hinintay ko siyang matapos sa pagnguya bago tinanong
"Masarap ba?" Nahihiyang tanong ko na agad niyang tinanguan at kumagat nanaman sa hawak nya na kina ngiti ko.
Sinalinan ko ng juice ang isang baso saka ko inilapag sa harapan nya kaya napangiti sya sakin bago inumin iyon.
"Ang sarap. Ang galing mo naman" Manghang sabi nito saka kumuha ulit ng Ham and cheese roll at bumaling muli sa loptop nya.
Uupo na sana ako sa katapat nyang sofa ng bigla ay tapikin nya ang katabi nyang pwesto at sinenyasan akong doon maupo.
Nagdalawang isip pa ako nung una ngunit ng titigan nya ako muli ay sumunod nalang ako sakanya at umupo na sa tabi nya.
Matapos nyang isubo ang hawak nyang pagkain ay isinuot nya ang reading glass nya saka na sya busy na tumutok muli sa Loptop nya kaya sinilip ko kung ano ang ginawa nya ngunit mabilis na nanlaki ang mata ko ng makita ang isang sketch ng bahay na pinag aaralan nya
"DH" Bulalas ko kaya napatingin sya sakin.
"Huh?" Nagtatakang anas nya saka ako pinakatitigan bago nya binalingan ang tinitignan ko.
"Are you familiar in this sketch?" Anito habang pabaling baling sakin at sa loptop nya.
"Y-yan yung Dream House ko na ibinenta kay Mr.Sandoval" Mahinang usal ko na kina gulat nya.
"Really?" Di makapaniwalang sabi nito saka tumitig muli sa Loptop nya saka sinuring mabuti ang gawa ko.
"Kaya pala unang kita ko palang ng drawing ay nagustuhan ko na dahil ikaw pala ang may gawa" Anas nito kaya napatingin ako sakanya na busy pa din sa loptop nya.
"Hindi pa pala naipapatayo ni Mr.Sandoval yan" Sabi ko na tinanguan nya.
"Actually Last year pa ito, Naging pabaya kase ako sa company ko that time kaya na cancel ito, Ngunit ipinilit ni Mrs.Sandoval na ako daw ang gumawa mg gusto nyang bahay kaya muli akong kinausap ni Mr.Sandoval Last week kaya heto at inuumpisahan ko ng pag aralan ang ipapagawa nila. and to surprice ay ikaw ang architect nito"
Mahabang paliwanag nya kaya tipid akong napangiti.
Tutal ay ako naman daw ang may gawa ng sketch kaya pina explain nya sakin bawat details ng part ng bahay na malugod kong ginawa. Feeling ko kase ay sariling bahay ko ang pinapagawa ko sakanya kaya magana kong inesplika ang bawat detalya ng buong bahay.
"Sa may 3th floor ay isang buong kwarto lang yon. Master's bedroom kung baga pero yung ceiling ay bumubukas at glass wall ang kabuohan ng paligid" Paliwanag ko sa pang huling palapag ng bahay na kina mangha nya.
"So this is your supose to be your room and you design it in color Pink and grey. am i right?" tanong nito na kina gulat ko pero tumango din bilang sagot.
"Oo ganon na nga. Pero dun sa 2nd floor ay two rooms lang dapat iyon Pink ang isa at grey naman ang isa" Nakanguso kong sabi na kina ngisi nya.
"Two rooms for your two babies?" Anito sabay ngisi at may pataas taas pa ng kilay na nalalaman kaya pinamulahanan ako ng pisngi saka nag iwas ng tingin.
"Yeah. But it's just a dream. At alam kong hindi na yon mangyayari" Sagot ko saka biglang nalungkot
"Bakit naman?" Takang tanong nito kaya napatingin muli ako sakanya
"Kase hindi ako mag aasawa at magkaka anak" Sagot ko na lalong nagpakunot ng noo nya. Takang taka sa mga sinasabi ko.
"Bakit nga? Tell me is there something wrong?" Takang tanong talaga nya at seryoso syang tumitig sakin.
"I can't tell to you now. Wala pa akong lakas ng loob kaya sana maintindihan moko" Sagot ko dito.
Bakas parin ang pagtataka sa mukha nya ngunit bumuntong hininga nalang ito saka tipid na ngumiti sakin bago tumango. Ginagap nito ang dalawa kong kamay saka ako pinakatitigan ng maayos.
"Okay! Kahit naguguluhan at nagtataka ako sa mga kinikilos at sinasabi mo ay irerespeto ko ang desisyon mo. But you can trust me Max. I can be you shoulder to cry on" Anito kaya napa ngiti ako sakanya at wala sa sariling napayakap sakanya
"Thank you Ezekiel" Mangiyak ngiyak kong sabi.
Niyakap din nya ako pabalik saka hinagod ang likod ko.
Can i really trust you Ezekiel?......