DAY 9//* ❤️❤️❤️
EZEKIEL P.O.V
Pagkahatid ko kay Max sa bahay nila ay bumalik agad ako sa harapan ng loptop ko para magtrabaho.
Halos sunod sunod kase ang project na pumasok sa company ko ngayon kaya medyo busy, lalo na't puro online conference lang ang nagagawa ko dahil nga bawal pa akong bumalik sa Manila para personal na ihandle ang company ko. Buti nalang at nandoon si Andrew na kasosyo ko sa kumpanya at sya muna ang acting C.E.O.
Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito kaya kahit busy ay kinuha ko iyon at sinagot ng hindi inaalis sa loptop ang paningin ko.
"Yes?" Sabi ko ng sagutin ko ang tawag.
"Good evening Mr.Vendelton" Tinig ng babae iyon kaya napa kunot ang noo ko saka ko tinignan kung sino ang caller. Hindi kase familiar ang boses nya.
"Oh yes. yes Mrs.Sandoval. Good evening too" Balik bati ko dito ng mabasa ang pangalan nya na naka rehistro sa phone ko.
"Any updates in my house?" Anito kaya napatingin akong muli sa sketch bago ito sinagot.
"Actually wala pa pong update Mrs.Sandoval, but i review it already about the details on your house. Inesplika na din kase personaly ng architect na may gawa sa bahay mo ang kabuohan ng bahay" Sagot ko dito at ilang sandaling natahimik ito bago sya sumagot.
"You mean Ms.Maxine Mendoza?" Tanong nito na agad ko tinanguan kahit hindi nya ako nakikita.
"Yes Mrs.Sandoval, She's with me earlier and too surprice me, nabanggit nga nya na siya ang may gawa ng bahay pinapagawa nyo kaya inexplain nadin nya lahat ng details non" Paliwag ko na dinig kong kina tuwa nya.
"So you're related to her. How wonder she's beautiful and smart." Anito na kina ngiti ko ng malawak
"I hope we can see again. Madami pa kase siyang art work na gusto kong bilhin sakanya dahil lahat ng ideas nya ay magaganda" anito na lalong nagpalawak ng ngiti ko.
"Iooffer ko nga sakanya na magtrabaho sakin. What do you think Mrs.Sandoval?" Tanong ko dito na kina tuwa nya ng pagak.
"Ow! i can wait to see her in your company. Lahat ng ideas nya ay ipapagawa ko sainyo" Masayang sabi nito kaya ginanahan talaga akong ipush na ipasok si Max sa company ko.
Kung si Mrs.Sandoval palang na famous at napaka yamang tao ay gusto si Maxine What more kung makita pa ng iba ang artworks nya.
"Babalitaan ko nalang po si Mr.Sandoval about the updates, as soon as possible ay uumpisahan na namin ang bahay nyo" Anas ko dito kaya napangiti ito saka na nagpaalam sakin.
"Okay Mr.Vendelton, Say Hi to Ms.Mendoza. Bye" Anito sabay baba na ng tawag.
Ganado akong nagtrabaho pagkatapos kumain. Bago kase umalis si Maxine ay pinagluto muna nya ako ng sinigang na baboy na sobrang nagustuhan ko dahil sakto ang asim non.
Bago ako tuluyang tumutok sa loptop ay nagtipa muna ako sa Cellphone ko at isinend iyon kay Maxine
: Maxine❤️
- Good evening Babe.
Don't skip your dinner
Message sent 8:21pm
Makapal na kung makapal ang mukha ko para tawagin siyang Babe. E sa yun ang gusto kong itawag sakanya, Besides sakanya ko lang ginawa ito. Ewan ko ba pagdating sakanya ay nagiging corny at sweet ako na hindi ko nagawa sa ibang babae na dumaan sakin.
Dati ay ginagamit ko lang ang mga babae pangtanggal init ng katawan, after that ay hindi na ako nakikipag kita sakanila. One night stand kung tawagin ng iba. Pero pag dating kay Maxine ay sobra sobra ang pagtitimpi ko dahil gusto ko siyang igalang at respetuhin kagaya ng pagtrato ko sa Mommy ko.
Hindi ko lang talaga maiwasan na mag init ang ulo ko lalo na kanina ng madatnan itong may kausap na ibang lalake. Dati naman ay okay lang sakin kahit mag make out pa sa harapan ko ang babaeng minsan ko ng naikama na may kasamang ibang lalake, kaya nagtataka ako sa inasta ko kanina.
I am really fall for her?
Kung mahal ko na nga sya ay mas lalong masarap iyon sa pakiramdam. Lalo kong ipupush ang panliligaw ko dahil na din sa nakikita kong may pag asa ako sakanya.
Naamoy ko parin ang mabango nyang amoy na kumapit na ata sakin mula kanina ng yakapin nya ako. Napaka soft ng balat nya kaya gustong gusto ko syang ingatan na para bang babasaging bagay.
Nag init bigla ang katawan ko dahil sa pag iimagine kay Maxine, kaya minabuti kong maligo na muna at magsarili para mapalis ang pang iinit ng katawan ko.
"f**k! This is not me! I can go and find a girl who can ease my hotness, but damn! i can't do it now!"
Bulalas ko sa sarili ko matapos makapag mariang palad sa banyo at mailabas ang katas kong nilulunok pa ng ibang babae noon.
"Bye for now babies" Parang baliw kong kausap sa tinapon kong katas saka na nagtuloy sa pagligo.
Matapos makaligo at makapag bihis ay bumalik ako sa tapat ng loptop ko at nagpatuloy na sa ginagawa.
~~~~
Kinabukasan ay masaya akong bumangon ng may mabasang mensahe galing kay Maxine.
:Maxine❤️
- Morning :)
i'll cook a breakfast
for you...
Recieved 7:00am
Masaya at pasipol sipol akong pumasok sa banyo at mabilis na naligo.
"Kung ganito ba naman araw araw ang bubungad sakin ay gaganahan talaga ako sa buhay"
Timang na kausap ko sa sarili habang natatawang nagsusuot ng damit ng matapos sa pagligo.
Nagsuot lang ako ng demin shorts at Plain white T-shirt bago bumaba na sa unang palapag.
Napalingo ako sa may kusina ng may marinig na parang nagbubulungan doon kaya walang ingay ko iyon tinungo at sumilip sa kusina.
Nandoon si Maxine kasama si Beka na busy sa pagluluto at pag aayos ng mesa.
"Gaga! Para kang asawa na hindi matae dahil sa taranta" Dinig kong sabi ni Beka sa natatawang tono.
"Tigilan mo nga ako! Ayusin mo na yung mesa dahil gising na yon. Nagseen na sa message ko e" Bulong na sagot naman ni Maxine na kina ngiti ko.
Hindi muna ako nagpakita sakanila at pinagmasdan sila sa ginagawa nila. Actually si Maxine lang talaga ang pinag mamasdan ko dahil para itong Wife material dahil sa kilos nito. Nakasuot pa ito ng apron habang pawisan na nakaharap sa kalan.
Gusto ko sana syang lapitan at punasan ang pawis nya saka ito yakapin patalikod ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil nandon din kase si Beka.
Napabalikwas ako ng tayo ng may kumalabit sakin sa likuran kaya napatingin ako doon at nanlaki ang mga mata ko ng makita si Auntie Luisa na sumisilip din sa kusina kagaya ng ginagawa ko kanina.
"H-hi Auntie" Utal at nahihiya kong bulong na bati saka ito inakay sa may sala.
"Sina Max at Beka yun diba?" Nagtatakang tanong ni Auntie habang nakatingin parin sa gawi nila Max.
"Ah eh.. Opo" Kamot batok kong sagot na kina ngisi nya.
"I smell something huh" Anito na may panunuksong tingin sakin kaya napa ngiwi ako.
"Nililigawan ko po si Maxine" Nahihiyang sabi ko na kina gulat nya ngunit nagtaka ako sa biglaang pag lungkot ng mukha nya.
"Really? Pumayag sya?" Di makapaniwalang tanong ni Auntie pero nasa itsura parin nito ang lungkot at pag aalala.
"Is there a problem?" Takang tanong ko nalang kaya seryoso siyang tumingin sakin.
"I think wala ka pang alam sakanya. But im happy for you and for her. Don't you dare to hurt her Ezekiel!" Tugon nito.
Naguluhan man sa naunang sinabi at reaksyon nito ay hindi ko nalang iyon pinansin saka malawak na ngumiti sakanya saka tumango tango.
"Ofcourse Auntie. I'll take care and keep her" Sagot ko dito na kina tango tango nya.
"Okay! Lucky boy huh! Si Gavin kase ay 3 years na nung ligawan nya si Maxine kaso ay bokya parin hanggang ngayon" Anito na kina gulat ko.
I know Gavin. He's Auntie Luisa's First born, I think matanda ako sakanya ng isa o dalawang taon, pero ni isang beses ay hindi pa kami nagkita kaya wala akong ideya sa itsura nya.
"He tried to court Maxine too?" Takang tanong ko na agad nyang tinanguan.
"Yeah! Crush daw nya si Max since they're in high school kaso ay mailap si Max sa mga boys kaya nagulat nga ako ng payagan ka nyang manligaw sakanya" Mahabang lintaya nito na kina tango tango ko at sabay kaming napatingin ni Auntie sa may kusina ng lumabas doon si Max habang inaalis nito ang suot na appron saka pinunasan ang pawisin nyang noo.
"Ow! Hello po kapitana. Magandang umaga po" Magalang na bati nya kay Auntie saka ito dali daling lumapit saamin.
"Hello Max. Good morning din sayo" Balik bati ni Auntie dito.
"Nag breakfast na po ba kayo? Naghanda po kase kami ni Beka, Saluhan nyo po kami" sabi nito kausap parin si Auntie.
Tila wala lang sakanya ang presensya ko at di ako pinapansin.
"Nag almusal na ako bago ako pumunta dito Actually may dala akong foods for Ezekiel. akala ko kase ay wala nanaman syang kakainin. But i was wrong" Ani ni Auntie na may panunuksong tingin samin ni Max kaya namula ang pisngi nito saka napatungo.
"Ganon po ba" Nahihiyang tugon nalang ni Max kaya napangiti ako.
"Here! Put this in ref na muna then you can eat this some other time. Initin mo nalang sa oven" Sabi ni Auntie sakin sabay abot ng bitbit nyang paper bag na nay laman na mga topper wears.
"Thanks Auntie" Pasasalamat ko dito saka kinuha ang inaabot nya kaya nagpaalam na ito saamin at madami pa daw siyang gagawin sa barangay.
"Say Hi to Gavin po" Pahabol na sabi pa ni Max dito kaya sinamaan ko sya ng tingin na kina kunot ng noo nya.
"Problema mo?" Takang tanong nito.
"Tss!" Tanging naisagot ko nalang saka na tumungo sa kusina.
Ramdam kong sumunod sya sakin kaya napangiti ako ng lihim saka na tinungo ang ref at inilabas ang nasa tatlong topper wear na bigay ni Auntie Luisa.
Iniwan na kami ni Beka dahil babalik na daw sya sa tindahan nya. Sinamahan lang daw nya talaga si Max para maipagluto ako na labis kong kina tuwa.
"You did all of this for me huh?" Ngisi kong sabi ng dalawa nalang kaming nasa harapan ng hapag.
"Ayaw mo ba? Sige bukas hindi ko na gagawin para masayang yung mga pinamili mo at bumili ka nalang ulit kina Beka" Dere-deretsong sabi nya na kina tanga ko ngunit mabilis ding napangiti dahil ang cute nya.
At dahil na din sa dere-deretsong sinabi nya iyon ay bigla syang kinapos sa hininga kaya natatawa akong inabutan ko sya ng tubi.
Sinamaan pa nya muna ako ng tingin bago nya tinanggap yon at ininom.
"You're so cute Babe. Lets eat na" Nangingiting sabi ko saka nag umpisang kumain.
Natigilan ako sa pagsubo ng makita ko syang hindi gumalaw kaya napa angat ako ng tingin sakanya na mamula mula ang mga pisngi nya.
"Ah Ezekiel... May sasabihin sana ako" Nahihiyang sabi nya kaya seryoso ko syang tinitigan dahil napaka seryoso din ng itsura nya kahit mababakas ang hiya at ilang na tumitig sakin.
"Okay! All my ears is yours" Sabi ko.
Dinig ko pa itong bumuntong hininga saka napalunok pa ng dalawang beses bago nagsalita.
"Se-seryoso ka ba talaga sa panliligaw? Saakin?" Tanong nito na kina bigla ko nung una pero agad ding naka bawi saka ko sya nginitian at tinanguan.
"Yes Max. I'm really serious, and i'll do everything to get your Sweetest answer" Sinsero kong sagot sakanya kaya nakita kong sumilay ang napaka gandang ngiti sa mukha nya kaya napangiti din ako.
She's so Beautiful...
"May sasabihin kase ako" Tipid na ngiting sabi nito kaya tinanguan ko sya.
"Go on babe. Spill it" Sabi ko kaya pinamulahan nanaman sya ng mukha bago nagsalita.
"Si-sinasagot....na k-kita" Uutal at putol putol nyang sabi kaya di ko agad nakuha ang gusto nyang sabihin.
"What?" Kunot noo kong tanong kaya napalunok muna sya ulit bago nagsalita
"Sinasagot na kita!" Lakas loob nyang sabi sabay takip ng mukha nya sa dalang palad.
Natigilan ako sa sinabi nya kaya hindi agad ako nakapag salita. Sini sink-in ko muna sa utak ko kung tama ba ang pagkakadinig ko o baka nabingi lang ako.
Sinilip nya ako ng hindi ako nakasagot sa sinabi nya kaya nabalik sa realidad ang utak ko at napatayo ng di oras saka ko sya nilapitan.
Ginagap ko ang dalawang nyang kamay na nakatakip sa mukha nya saka sya itinayo.
"Is that true? You mean we're already Officially On?" Di makapaniwalang sabi ko na agad niyang tinanguan saka nagbaba ng tingin sa magkahawak naming kamay.
"O-Oo. Away mo ba?" Nahihiyang sabi nya habang nakatungo parin kaya umiling ako kahit hindi na iyon nakita saka ko binitawan ang isang kamay nya at inilagay yon sa baba nya para tingalain ako.
"No! I mean, I really like it! Sobrang saya ko Max! You're officially mine now!" Masaya at nakangiting sabi kaya napangiti na din sya kaya niyakap ko sya ng mahigpit at ganon din ang ginawa nya.
"Ako din sobrang saya na ngayon ko lang naramdaman" Anito saka isiniksik nya ang mukha nya sa dibdib ko.
"I love you Maxine" Bulong ko sakanya dahil sa sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon.
Sandali yang natahimik saka niya inalis ang mukha sa dibdib ko at tiningala muli ako ng may luha sa mukha nya bago magsalita.
"I love you too Ezekiel" Sagot nito kaya walang alinlangan kong sinunggaban ang mga labi nya na kinagulat nya nung una pero sa huli ay tumugon din.