CHAPTER-10

2278 Words
DAY 8//* ??? MAXINE P.O.V "So tell me about your self" Ani Ezekiel habang hinihintay naming maiserve ang inorder naming pagkain. Ako ang umorder dahil gusto daw nito na matikman ang best seller ni Ciara. Tatlong klase lang ng ulam ang inorder ko dahil baka hindi namin iyon maubos. Kakaunti pa naman ang kinakain ko kaya di ko din sure kung mauubos din namin ang tatlong klase ng ulam. "Tungkol naman saan?" Nahihiya kong tanong. "anything about you? Gusto kitang makilala ng lubos. You can also ask me if you want" Sagot nito kaya napatango ako. "Sige magtanong ka" Tipid na ngiting sabi ko. "What is you fullname, how old are you?" Sunod sunod na tanong nito kaya napatitig ako ng deretso sakanya saka tipid na ngumiti bago ko siya sinagot. "My name is Maxine Mendoza, 25 years old na ako and you know graduate ng Architecture sa Western University" Sagot ko dito saka na dinagdagan ang sinabi na kina tango tango nya. "Ikaw ba?" Pahabol kong tanong "Hmm. I'm Ezekiel Zin Vendelton, Turning 29 next month and I graduate as an Engineering in Harvard University" Sagot nito na kina gulat at mangha ko. "H-harvard?" Di makapaniwalang tanong ko na tinanguan nyang agad. "Yes" Tipid na ngiti nyang sagot. "Sana all" Tanging naisagot ko nalang na kinatawa nya ng bahagya. "You're so Cute" Anito kaya pinamulahanan nanaman ako ng mukha. "Tss! Bolero!" Ngiwi kong sabi na kina tawa nanaman nya. Ginawa akong clown? Sandali kaming natahimik ng biglang dumating ang isang crew dala ang order namin. Nang matapos nitong mailapag ang pagkain sa mesa namin ay magalang itong tumungo saamin bago kami iniwan kaya napatingin kami ni Ezekiel sa mga nakahain sa harapan namin. "Woah! Looks and smells good" Puri nito habang isa isang pinagmamasdan ang mga putahe na nasa harapan nya. "Try this one. This is her best seller and one of my favorites. Isawsaw mo dito sa bagoong" Nakangiting turo ko sa kare kare kaya napatingin sya doon at sumandok ng isang karne non at inilagay sa plato nya at inumpisahan na ngang kainin yon. Hinintay kong malasahan at malunok nya ang isinubo para malaman kung ano ang masasabi nya doon. Kinabahan ako ng nangunot ang noo nya habang nginunguya ang karne. "How was it?" Kinakabahan kong tanong kaya napatingin sya sakin saka sya biglang ngumiti kaya nahawa ako. "It's amazing! So delicious" Komento nito at kita nga sa facial expression nito na totoo ang sinabi nito. "eto naman itry mo" Turo ko sa isang ulam kaya napatingin sya doon "Adobo ito right?" Tanong nito na inilingan kong agad kaya napakunot ang noo nya. "Chicken Barbeque yan. Try mo masarap yan" Sabi ko saka ko sya pinagsandok ng isang hiwa ng manok at nilagay sa plato nya kaya napangiti sya sakin bago inumpisahan ang pagtikim doon. Ang cute nyang pagmasdan habang nginunguya ang mga pagkain na pinapatikim ko sakanya. Bawat expression kase ng mukha nya ay nakaka mangha kaya napapatitig ako ng husto sakanya. Ang gwapo nya in any way... "Masarap sya ah. Nagblend yung tamis at alat nya kaya perfect yung lasa" Komento nito habang may laman padin ang bibig nya kaya natawa ako sakanya. "What are you laughing at?" Kunot noong tanong nito kaya kumawala na ng tuluyan ang tawa ko ngunit bahagya lang iyon. "Ang cute mo kase" Wala sa sariling sabi ko pero ako din mismo ay natigilan at mabilis na nag iwas ng tingin sakanya pero nahagip parin ng paningin ko ang pamumula ng mukha nya saka matamis na nakangiti. "Really? Cute ako?" di makapaniwalang tanong nya kaya kahit naiilang at nahihiya ay tumango parin ako. "Kumain na nga tayo" Pag iiba ko ng topic namin saka ko na sya binigyan ng kanin sa plato nya na kinagulat nya nung una pero agad ding nakabawi at ngumiti ng malawak. Hindi ko na pinansin ang pagtitig nya sakin habang binibigyan ko ng pagkain ang plato nya. Sanay kase ako na ginagawa ito sa lahat ng mga nakakasama kong kumain lalo na kina Mama, Papa at Kuya. Kahit kina Joyce at sa tatlong bakla ay ganito ako kaya hindi na ako nahihiya. Pagkatapos kong malagyan ng pagkain ang plato nya ay sinunod ko naman ang akin saka siya hinarap para sana sabihin na kumain nakami kaso ay natigilan ako ng biglang mag flash sa mukha ko ang ilaw ng camera na nanggaling sa phone nya. "Hey! What are you doing?" Tanong ko dito saka ko iniwas ang mukha ko at hinarang ang palad ko sa kanya dahil patuloy ito sa pagkuha ng picture sakin. "Isa nalang please" Anito ngunit inilingan ko ito saka pilit na itinatago ang mukha sakanya at inihaharang ng pilit ang mga kamay sa tapat ng camera nya. "Akala ko ba ay gutom kana! Itigil mo na nga iyan at kumain na tayo" Medyo may inis na sa tono ko kaya natigilan sya at dali daling ibinulsa ang cellphone at nagsimula ng kumain. "I'm sorry" Anito habang nakatungo " First time kaseng may magserve ng pagkain ko maliban kay Mommy" Patuloy nitong sabi kaya napanga nga akong tumingin sakanya ngunit naka tungo lang ito sa plato nya saka ginagalaw galaw ang pagkain na nasa plato nya. "Tss! Imposible! Ikaw mismo ay inamin na babaero ka tapos first time mo ito?" Ngiwi kong sabi kaya napa angat sya ng tingin sakin saka napabuntong hininga bago nagsalita "Yeah I'm a womanizer and playboy pero puro bodies lang nilang inihahanda saakin. Wala pa akong naka date isa man sakanila na gaya ng ginagawa natin. Ni hindi ko din naranasan na kumain sa labas kasama ang isa sakanila. Puro motels ang bukang bibig nila at handang ibigay sakin ang katawan nila" Mahabang lintaya nito na kina nga nga ko at hindi agad naka sagot sa sinabi nya. Seriously? May babaeng ganon? Sila ang kusang nagbibigay ng motibo sa lalake?. Pathetic Bitches! "So you mean, Wala ka pa talagang naging girlfriend in a serious way?" Kunot noo kong tanong na agad nyang tinanguan. "Yeah. Something like that" Napa ngiwi nyang sagot na kina ngiwi ko din kaya sabay kaming natawa. "Kumain na nga muna tayo! Lumalamig na yung pagkain. Mamaya na natin pag usapan yan" Anas ko dito saka na nag umpisang kumain na agad din nyang sinunod. Di ko maiwasan na mapangiti habang pasimple ko syang tinitignan habang kumakain. Ang gana kase nyang kumain at parang walang arte sa katawan. Halatang gutom na gutom dahil puno pa ang bibig ay sumusubo parin sya ng sunod sunod kaya sinalinan ko ng tubig ang basong nasa harapan nya kaya napatingin sya sakin. "Dahan dahan naman. Wala ka namang kaagaw e" Natatawang sabi ko saka inginuso ang tubig kaya kinuha nya iyon saka uminom. "Pasensya na. Ngayon nalang kase nakakain ng maayos maliban doon sa binigay na ulam ni Tita Linda sakin nung nasa hospital ka" Sagot nito na kina gulat ko. "Bakit naman?" kunot noo kong tanong "I don't know how to cook" Nahihiya nyang sagot kaya natawa ako. "Mag saing alam mo?" Tanong ko ngunit inilingan lang nya ako bilang sagot kaya natawa na talaga ako. "E pano ka kumakain?" Tanong kong muli. Di makapaniwala sa mga sinasabi nya. "Bumibili sa paninda nila Beka" Sagot nito kaya napatango ako. "I can teach you if you want" Wala sa sariling sabi ko kaya napatingin sya sakin ng nagtatanong na ARE YOU SURE-LOOK Di din ako makapaniwala sa sinabi ko pero napatango nalang dahil nakakahiya kung babawiin ko diba? "Wala din naman akong ginagawa sa maghapon kaya pwede kitang turuan kung gusto mo" Sabi ko dito na kinalawak ng ngiti nya kaya napangiti na din ako. "Its my pleasure! Pagkatapos natin kumain ay mag grocery tayo. kase wala akong stock sa bahay e" Masayang sabi nito kaya napatango nalang ako at tumuloy na sa pagkain na agad din nyang ginaya. Nang matapos kami sa pagkain ay natawa ako ng makita itong hinihimas ang tiyan nya sa kabusugan. Paano kase ay naubos namin ang lahat ng nakahain sa harapan namin. Actually siya lang pala ang nakaubos dahil kaunti at sapat lang ang nakain ko para mabusog ako. Inilagay ko kase lahat ng natirang ulam sa plato nya kaya kahit busog na sya ay kinain pa din nya iyon. "I'm so full" Anito sabay tayo "Ikaw ba namang makaubos ng tatlong klase ng ulam" Tawa tawa kong sabi kaya nginusuan nya ako. Shit! Ang cute nya.... "It's your fault!" Anito na kina tawa kong muli kaya lalo syang napanguso. "Para kaseng isang buwan kang hindi naka kain dahil ang gana mong kumain kanina" Sabi ko dito kaya inirapan nya ako na lalong nagpatawa sakin. "Happy yern?" Pagkuwan ay sabi ni Ciara na hindi ko napansin na nakalapit na pala samin. Hindi ko sya sinagot at nag iwas ng tingin ng makitang may panunukso ang tingin nya sakin kaya si Ezekiel ang binalingan nya. "So Mr.Vendelton how was it?" Pagkuwan ay tanong nya kay Ezekiel na nakatayo parin at hinihimas ang tiyan niyang busog ngunit mahahalata parin ang kakisigan nya dahil sa hapit na T-shirt na suot nya. Yummy.... "It's awsome Ms.Lim" Sagot ni Ezekiel na kina lapad ng ngiti ni Ciara saka ito kinikilig na humarap sakin na parang timang. "Sis! narinig mo yun? Awsome daw! Nagustuhan nya ang luto ko" parang sinisilihan ang pwitan nito dahil sa kilig na kina ngiwi ko. "Tss! Gutom lang yan kaya nasabi nya iyon!" Paninira ko sa masaya nyang mood kaya sinamaan nya ako ng tingin na kina tawa ko ng pagak. "Nakakaimbyerna ka!" Singhal nito sakin kaya natawa ako lalo. "Don't worry Cia. These is he's first and last na pupunta sya dito" Ngising sabi ko na kina kunot ng noo nya saka sya mataray na tumingin sakin. "At bakit naman?" Pagtataray nito habang nakataas ang isang kilay nya sakin. "Kase tuturuan ko na syang magluto?" Patanong ko pang sabi na kina nguso nya. "I hate you Maxinetot! Ang bad bad mo talaga kahit kailan" Anito na halos maiyak na kaya sabay kaming natawa ni Ezekiel dahil sa sinabi nito. "Don't mind her Ms.Lim, we will back here when we have time" Sabi ni Ezekiel kaya napabaling ang tingin namin sakanya ng sabay ni Ciara. "Really Mr.Vendelton?" Di makapaniwalang tanong nya na agad tinanguan ng isa kaya nag tititili ito sa saya saka ito nilapitan at niyakap na kina gulat namin ng sabay ni Ezekiel. Wala sa sariling nilapitan ko ito saka hinila paalis sa pagkakayakap nya kay Ezekiel. Nagulat silang pareho sa ginawa ko kaya natauhan ako bigla ay inilihis ang tingin sa ibang dereksyon. Dinig kong natawa si Ciara dahil sa inasta ko kaya pasimple akong tumingin sakanila ngunit agad ding nag iwas ng makita ang pag ngisi nilang dalawa habang nakatingin sakin. "I think she's jelous" Dinig kong bulong ni Ciara pero hindi ko parin sila tinignan at nagpanggap na busy saka inilabas ang cellphone ko dahil ramdam kong nag vibrate yon "You think so?" Dinig kong bulong na sabi ni Ezekiel kaya hindi ako maka focus sa cellphone na hawak ko. "Yeah. It's quite weird dahil ngayon lang sya naging ganyan. siguro dahil first time nyang magka boyfriend?" Bulong na sagot naman ni Ciara dito na kina ngiwi ko Hindi ko naman siya Boyfriend eh... "Hindi pa nya ako sinasagot" Dinig kong bulong ni Ezekiel na kina tahimik bigla ni Ciara kaya inis akong tumingin sakanila ngunit nagtaka ng makita ang ekspresyon ni Ciara. Gulat at nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sya sakin. "Anong nangyare sayo?" Takang tanong ko kaya nilapitan nya ako saka hinawakan sa magkabilang balikat. "Hindi mo pa sinasagot ang isang Mr.Vendelton?" Di makapaniwalang tanong nito sakin kaya napangiwi ako saka ko tinignan si Ezekiel na nakangisi habang nakatingin samin ni Ciara, saka ko binalingan muli si Ciara saka ngumuso. "Ngayon palang sya nanliligaw, required ba na sagutin agad?" Ignorante kong tanong na kina laglag ng panga ni Ciara bago ito humagalpak ng tawa kaya napanguso muli ako saka tumingin sakanilang dalawa ni Ezekiel na natatawa din dahil sa sinabi ko. "She so innocent right?" Tawa tawang sabi ni Ciara. Kausap si Ezekiel na tango tangong sumagot kay Ciara. "She so cute right? That's why i really like her" Sagot naman ni Ezekiel kaya pinamulahan ako ng mukha dahil doon. "I think you're inlove na" Sabi ni Ciara kaya natigilan kaming dalawa ni Ezekiel dahil sa sinabi nito saka siya pinaka titigan. "Do you think so?" Parang namamangha pang tanong ni Ezekiel dito na tinanguan pa ni Ciara bilang sagot. "The way you look to her and care for her? I know it's something between the two of you morethan likes" Ngiting sagot ni Ciara dito kaya lumawak ang ngiti sa labi ni Ezekiel kaya tinignan ako ng binata. "Tss! Wag mo syang pakinggan. Tara na nga" Wala sa sariling sabi ko saka na inakay si Ezekiel palabas. "Thanks for the delicous food Ms.Lim, Bye" Pahabol na sabi ni Ezekiel kay Ciara bago ito nagpaakay saakin. Nang marating namin ang parking lot kung saan nakapark ang Motor ko ay binitawan ko na ito saka tinignan sya ng seryoso ngunit nakangiti parin ito ng tignan ko. "Enjoy ka? Wag kang maniwala doon, Loka loka yon" Sabi ko dito na tinanguan lang nya pero hindi maalis ang ngiti sa labi. Kinuha ni Ezekiel ang dalawang helmet na nakasukbit sa manibela ng motor saka ito lumapit sakin. Gulat akong napatingin sakanya ng isuot nya sakin ang pink na helmet ko tapos ay isinuot naman nya sa ulo nya ang grey na helmet. Sumakay na ito sa motor saka ako sinenyasan na sumakay na sa likuran nya. Nagugulat man sa mga ginawa nya ay sumunod nalang ako at sumakay na sa likuran nya. Nafa-fall ako enebe.......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD