CHAPTER-9

2107 Words
DAY 7 -/ ? EZEKIEL P.O.V Kahit tinanghali ako ng gising ay masaya at good mood parin ako, Lalo na't pag naalala ko yung kagabi kasama ko si Maxine. Diko lang talaga maiwasan na alalahanin yung oras na nagtapat ako sakanya ngunit imbis na sagutin ang tanong ko ay umiyak lang ito bigla. "I should't say sorry? Did i say something to her that she can't like?" Kausap ko sa sarili dahil na pa iyak ko ito ng hindi ko alam kung ano ang dahilan. "Ahhh! Baka nabigla ko lang sya. Oo! Ganon nga. NBSB e kaya ganon sya. Oo ganon lang yon" Parang baliw kong kausap sa sarili saka na ako tumuloy sa banyo para maligo. Nang makatapos maligo at makapag bihis ay napatingin muna ako sa orasan at napangiti ng makitang alas dyes palang ng umaga. "I'm 100% sure na nasa labas si Maxine kasama sina Beka" Ngisi ngisi ko nanamang kausap sa sarili ko saka na ako nagmadaling bumaba at lumabas ng bahay. Palabas palang ako ng gate ay dinig ko na ang malakas na tawanan ng magkakaibigan na sina Beka, Elaine at Leslie. Parang wala ng bukas sakanila kung makatawa, Bilib nga ako kay Max dahil natatagalan nya ang ganong kaingay na atmospir. "Juice colored! Push mo na yan Be!" Dinig kong sabi ni Beka. "May Go signal kana kay Mother and Fafa Marky. So why not diba?" si Leslie "Kung ayaw mo talaga ako nalang ang makikipag date kay Fafa Zekie" Si Elaine Napa nga nga ako sa mga narinig ko? Totoo ba yon? Pinayagan sya nila Tita Linda at Marky na makipag date sakin? Bigla akong namula at kinilig na parang Babae dahil sa mga narinig. "Should i invite her for a date?" Parang timang na tanong ko nanaman sa sarili. Napangiwi ako ng marinig kong tumunog ang tiyan ko. Alarm na nagsasabing gutom na ako. Kaya nagkaroon ako ng idea para mayaya ko si Max na magdate. "Tama! Yayayahin ko siyang kumain sa labas at sasabihin kong wala akong alam dito sa lugar nila para sumama sya sakin. Oo ganon nga! Talino ko diba?" Mabaliw baliw ko nanamang kausap sa sarili ko ngunit napatalon ako sa gulat ng bigla ay may kumalabit saakin na kung sino. "What the hell!" Pasigaw kong sabi dahil sa gulat saka ko hinarap kung sino iyon na nagpalaki ng mga mata ko. "H-hello?" Alanganin nyang bati dahil sa reaksyon ko. "M-max?" Gulat at di makapaniwala kong tawag dito kaya napangiti sya na kina tanga ko dahil sa ganda nya. Di ko agad sya nakilala dahil nag iba ang looks nya. Lumiit ang mahaba nitong buhok pero bagay na bagay parin sakanya ang bagong hair style nya ngayon. "Sinong kausap mo dyan?" Pagkuwan ay tanong nito kaya napakamot nalang ako sa ulo dahil sa kawalan ng maisagot sa tanong nya. "Woi!" Anas ulit ni Max ng hindi ako makasagot. "Ah..eh..C-can i invite you for a lunch?" uutal at alinlangan kong tanong na kina tigil nya nung una pero agad ding nakabawi saka ito ngumiti ulit ng pagkatamis tamis na lalong nagpatanga sakin. "Sure. Saan ba? Dito kina Beka?" Sagot nito sabay turo sa pwesto ng mga kaibigan nyang bakla na may panunukso ng tingin samin. "Pwede bang sa ibang lugar? Like Restaurant or fast foods?" Kamot ulo kong balik tingin sakanya kaya natigilan na talaga sya. "P-parang D-date?" Utal at napapalunok nyang tanong na tinanguan kong agad kaya napa nga nga na ito ng tuluyan. Sabay kaming nag iwas sa isa't isa dahil sa ilang. Napatingin muli ako sa mga kaibigan nito at siya naman ay napabaling sa Mama nya na kalalabas lang ng gate nila kaya nilapitan nya ito at sinundan ko naman sya. "Good morning po Tita" Bati ko sa Mama nya kaya napabaling ito saamin ni Maxine na nakangiti "Naku iho! Tanghali na ah. Kumain kanaba?" Natatawang sabi nito kaya napa kamot muli ako sa ulo ko. Feeling ko ay may kuto na ako. f**k! "Hindi pa nga ho. Yayayahin ko nga po sana si Max na kumain sa labas kung papayagan nyo po sya?" Lakas loob ko ng tanong na kina gulat nya saka sya tumingin sa anak nyang naka tanga habang nakatingin sakin. "Ayos lang naman sakin kung payag si Maxine" Tipid na ngiting sagot ni Tita Linda kaya napatingin si Max sakanya. "S-sigurado po ba kayo ma?" Di makapaniwalang tanong ni Maxine sa ina. "Oo naman. Besides! Ngayon ka nalang ulit makaka gala kaya sige na sumama kana. Baka gutom na din itong si Ezekiel" Sagot nito sabay baling sakin kaya napatingin din si Max sakin na may tipid na ngiti. "Si-sige" Sagot ni Maxine kaya lumawak ang ngiti sa labi ko. Ngiting tagumpay kahit gutom na. "Umuwi kayo ng maaga ah? At wag mong papagurin ang anak ko" Bilin nito sakin na kina nguso ni Max kaya natawa ako. "Mama naman e" Maktol nito na kina tawa din ng Ina nya. "Naku! Nasa Age nadin naman kayo. Kaya Okay lang" Double meaning sa sabi ni Tita kaya pinamulaan ng mukha ang anak nito. "Alis na po kayo! Magbibihis lang po ako" Pagkuwan ay taboy ni Max sa ina nito saka na pumasok ng bahay nila. Hinarap naman ako ni Tita na seryoso ang mukha kaya napalunok ako kahit wala namang kinakain o iniinom. "Ezekiel pwede ba akong magtanong saiyo iho?" Pagkuwan ay seryosong sabi ni Tita kaya dali dali akong napatango kahit kinakabahan ako. Fuck! This is new to me! Babaero ako pero never akong nakipag usap sa mga parents ng mga naging babae ko! "S-sure Tita. What is it po?" Kinakabahan, nauutal kong sabi . "Sigurado kaba sa feelings mo para sa anak ko?" Anito kaya napasunod ako ng lakad sakanya ng pumasok ulit ito sa bakuran nila at naupo sa isang set ng upuan na naroroon lang sa tapat ng bahay nila kaya napa upo din ako sa harapan nito. "Nabanggit po ba ni Max sainyo yung pag amin ko?" Nahihiyang balik tanong ko na kina tango nya kaagad. "Alam ko hong nabibilisan kayo saakin dahil 1week palang ho ang nakakaraan mula nung makilala nyo ako. Pero alam ko po sa sarili ko na totoo yung nararamdaman ko po sa anak nyo and i'll prove it to her and sainyo na din po" Mahabang lintaya ko at napatango tango ito bilang pagtanggap sa sinabi ko. "I know na alam nyo na po ang tungkol sakin kung bakit ako nandito kaya po medyo nahihiya ako sainyo. I admit it that i'm a playboy and sakit sa ulo sometimes. But i've change when i met and have feelings for Max" Patuloy kong sabi kaya napangiti na ito ng tuluyan sakin. "Iho. Hindi mo naman dapat sakin patunayan iyan. Ang akin lang kase ay ito ang kauna unahang may maglakas ng loob na manligaw sakanya at personal na ipag paalam saakin, kaya medyo may alangan akong payagan kayo, ngunit nakikita ko sa anak ko ang kagustuhan nyang sumama sayo kaya sino ako para hadlangan yon diba? Ingatan mo sana ang anak ko dahil pinaka iingatan namin iyan lalo na ang kuya nya" Mahabang lintaya ni Tita saka ito napa yuko na animoy may inaalala kaya napakunot noo ako. Sa itsura kase niya ay para itong maiiyak at napaka lungkot ng mga mata nya habang pinag uusapan namin ang anak nyang babae. "Alam kong madami ng tanong ang nabubuo dyan sa utak mo mula noong isugod nyo si Maxine sa hospital, pero si Maxine lang ang lahat ng makakasagot saiyo nyan. Nasakanya na kung ipapaalam nya sayo o hindi basta kami ay susuportahan lang ang kanyang mga desisyon" Anito na lalong nagpa kunot ng noo ko. "Ano po ang ibig nyong sabihin?" Di ko na napigilan na tanong dahil diko talaga maintindihan ang gusto nyang ipunto. Sasagot na sana ito ng bigla ay dumating si Maxine na bihis na kaya napatingin ako dito Napakaganda nito sa simpleng make up nya, Naka puting dress ito na di aabot sa tuhod nya at pinatungan nya ito ng sweater kulay baby pink at baby pink na doll shoes. May headban din ito sa ulo na may maliit na ribbon na kulay baby pink din. Kaya sa wari ko ay kulay pink ang paborito nitong kulay. "Oh paano? Mauuna na ako sainyo. Mag iingat kayo ah?" Pagkuwan ay sabi ni Tita Linda na nagpabalik sa ulirat ko at dali daling tumayo. "Sige po Tita. I'll take care of Max, Mag iingat din po kayo" Sabi ko dito na nginitian nyang agad saka nya binalingan ang anak at tinanguan saka na umalis. Binalingan ko si Max ng makalabas na ng gate si Tita Linda. Hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin kung yayayahin ko na ba ito o kung ano ngunit siya na ang pumutol sa pag iisip ko kung ano ang gagawin. "Tara na! baka gutom kana" Anito saka na naunang maglakad palabas ng bakuran nila kaya napasunod na ako. "Should i get my car or what?" Tanong ko dito habang sabay na naglalakad. "May sasakyan ka?" Tanong nya na agad kong tinanguan sabay turo sa kotse kong naka park sa garahe ng bahay na tinutuluyan ko. "Ah sayo yun? Yung muntik ko ng mabato kagabi?" Gulat nitong tanong kaya natawa din ako ng bahagya "Yeah! Actually nabato ma talaga sya kaya tumunog kagabi" Paliwanag ko dito na lalong kina gulat nya "Naku! Pasensya na hindi ko sinasadya" Pag hingi nya ng paumanhin na agad kong inilingan. "Hey! It's okay ano kaba! It's nothing compare to you" Sagot ko dito na kina pula bigla ng mukha nya kaya nag iwas ito ng tingin sakin. Cute.... "Do you know how to drive a motorbike?" Pagkuwan ay tanong nya sabay tingin sa garahe nila at may nakita akong motorbike nga na kulay pink at may design na hello kitty So pink and hello kitty lover huh.... "Yes i do know. Yun ba ang gagamitin natin?" Sabi ko dito sabay turo sa motor na tinignan nya kaya napabaling sya sakin at alangan na tumango. "Mas gusto ko kase na makalanghap ng fresh air kesa sa aircon ng kotse" Sagot nito na kina tango tango ko saka ko siya inakay sa garahe nila at tinungo ang motor na sinasabi nya. Kinuha nya ang susi sa parang key cabinet na nandito sa garahe nila saka nya inabot sakin. Napangiti pa ako ng makita ang key-chain na kasama ng susi, Silver metal yon at nakaukit ang pangalan nya doon. Inilibot ko ang tingin sa garahe nila at namangha ng may makitang isang BMW na kulay gray ngunit may kaunting pink na design at katabi nito ay isang Montero sport na kulay itim naman. "Sayo ito diba?" Wala sa sariling tanong ko sabay turo sa BMW kaya napatingin sya doon at mabilis ding ibinalik sakin. "Ah OO" Sagot nito. "Wow! Really? It's cost a million huh" Sabi ko na tinanguan din nya. "Yeah. Nag working student ako before, and may naging client ako na malaki ang naibayad sakin dahil nagustuhan ng husto ng asawa nya yung idea ng design ko na dapat ay para sa dream house ko kaso ay mapilit ang lalake at binili talaga yung design ko in any amouth" Mahabang kwento nito na kina mangha ko. "Dream house mo? Bakit mo naman binenta kung dream house mo pala iyon? Edi hindi na unique ang dream house mo dahil may same design na" Tanong ko dito. "Actually na isip ko din yan before, Pero naisip ko din na hindi ko na din pala matutupad ang iba ko pang dreams kaya ibinenta ko nalang at ibinili nga dyan sa sasakyan na isa din sa dream kong mabili, Kahit isa man lang ay matupad ko bago ako umalis diba?" Anito na kina nuot ng noo ko saka seryosong tumitig sakanya. "Aalis? Saan ka pupunta?" Takang tanong. Hindi agad ito nakasagot kaya lalo akong nagtaka. "Sa Malayo at tahimik na lugar" Tipid na ngiting sabi nito saka na nagsuot ng helmet at inabot saakin ang isa pang helmet na hawak nya. Magtatanong pa sana ako ng bigla na syang sumakay sa motor kahit na hindi pa ako nakakasakay. Halata naman na iniiwasan nya na magtanong pa ako kaya napabuntong hininga muna ako bago sumakay sa motor at hindi na nagtanong ng kung anu ano pa. Automatic na bumukas paslide ang gate ng garahe nila kaya napabilib ako doon. Kung titignan kase ang bahay nila ay parang makaluma na iyon ngunit mababakas ang karangyahan dahil sa mga antik na gamit at paraan ng pagkakagawa nito. Hindi pa ako nakapasok sa loob ng bahay nila pero alam kong modern ang desenyo sa loob di gaya sa labas na parang pang kastila ang disenyo. Itinuro nito ang daan kung saan patungo ang bayan na ayon sakanya ay doon ang madaming kainan kaya sinundan ko nalang ito. Madami itong binabanggit na pangalan ng mga restaurant at mga fast food pero isa lang ang pinuntahan namin dahil lagi nya iyon binibida dahil daw yun ang pinaka best seller dito sa lugar nila at napakasarap daw ng luto doon kaya doon namin naisipang kumain. Hindi na ako nagtaka sa sinabi nya ng makapasok kami sa loob ng restaurant ay puno nga ang mga mesa, halos yung iba ay nakatayo pa at naghihintay na may matapos, ngunit dahil kaibigan ni Maxine ang may ari ay may special table na inilahan saamin. "Shuta ka! Bakit ngayon ka lang nagpakita?" Anas ng isang magandang babae pero kilos lalake sa harapan namin. ito daw ang may ari "E ngayon lang may free time sis. Sorry na" Pag aalo ni Max dito sabay kawit sa braso nito. "Hoy! May nabalitaan ako! Totoo bang binenta mo si DH?" Pagkuwan ay tanong nito na malugod na tinanguan ni Max ngunit mababakas ang lungkot Sinong DH? "Gaga ka! Ang tagal mong ginawa at inisip iyon tapos ibinenta mo lang?" Histeryang sabi nito na kina tungo ni Max. "Hindi ko na din naman na mapapagawa kaya ginawan ko nalang ng pera. You know what i'm talking about" Sagot nito sabay sulyap sakin kaya napatingin din sakin ang kausap nya. "Hala! Mr. Ezekiel Vendelton? OMG! Ikaw nga! . Gash!" Tili nito kaya naka agaw ito ng atensyon ng ibang tao na naririto sa restaurant. "Do i know you?" Kunot noo kong tanong dito dahil parang kilalang kilala nya ako. "Ah eh. I'm one of the guest chief na ininvite nyo noon nung may event kayo sa Company. Ciara Lim" Pakilala nito kaya napatango tango ako kahit hindi ko siya matandaan "Company?" Takang tanong ni Max kaya napabaling kami sakanya. "Oo sis! May sariling company si Mr.Vendelton. Don't you know him?" Sagot ni Ciara dito. "No" Tipid nitong sagot "So Mr.Vendelton? What brought you here?" Baling muli saakin ni Ciara kaya napatingin ako kay Max. Gutom na ako e may Q&A pa? "Don't tell me magkasama kayo?" Gulat at di makapaniwalang sabi nito na agad kong tinanguan. "Kyaaahhh! Really? Jowa mo sya sis? Bruha ka! Ang swerte mo " Histerya at tumitili pang sabi nito saka nya iniyugyog sa may balikat si Max kaya inilayo ko ito sakanya. "Protective boyfriend huh? Kainggit!" Anas nanaman nito ng makita nya ang ginawa kong paglayo sakanya kay Max saka ito inalalayang maupo sa mesang binigay nya samin. "Can we order na? Gutom na kase ako at baka malipasan din si Max, Lagot ako kay Tita Linda" Nahihiya man ay sinabi ko na iyon kaya napa nganga ito saka nanunuksong tumingin kay Max bago ito tumango at tinawag ang isa sa mga crew nya para kunin ang order namin. "Madami kang utang na kwento sakin huh! O sya! Enjoy your date. Mauuna namuna ako! max ah!" Sabi nito sabay turo sa dalawang mata nya sabay turo kay Max na sinasabing I'm watching you. Napapangiwing kumaway nalang si Max sa kaibigan nito bago tuluyang mawala sa paningin namin. Binigyan kami ng Menu nung crew pero pinaubaya ko na kay Max ang pag order, gusto ko kaseng matikman ang ibinibida at pinagmamalakeng luto ng kaibigan nito kaya sya ang hinayaan kong pumili ng kakainin namin. TO BE CONTINUE.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD