CHAPTER-8

1862 Words
DAY 6-/ ♥️ MAXINE P.O.V Kinabukasan ay maaga akong nagising na maga ang mga mata ko sa kakaiyak. Buong gabi kong iniisip ang mga inamin ni Kiel saakin. Gusto kong subukan. Gusto kong maranasan ang magmahal. Gusto kong maramdaman ang pakiramdam ng may mahal at minamahal. Gustong gusto ko...... Ang dami kong gustong subukan at maramdaman pero alam kong hanggang gusto nalang lahat ng iyon dahil mamamatay nalang ako na hindi nagagawa lahat ng gusto ko. Mamamatay akong Virgin?... Mygad! Ano ba itong mga pinag iisip ko? Malapit na nga akong mawala sa mundong ibabaw nakukuha ko pang isipin iyon. Hanggang sa mag flashback sa isip ko lahat ng eksenang ginawa nina Kuya Marky at Joyce sa harapan namin mismo ni Kiel. "Ahhhhh!" Tili ko sa loob ng kwarto ko saka ko pilit iwinaksi ang mga eksenang iyon sa isip ko. "Max? Baby what happen?" Aligaga, nag aalalang tanong ni Mama sakin ng makapasok ito sa kwarto ko dahil siguro sa tili ko. "Ah..eh... Wala ho Ma" Kamot batok kong sagot dito sabay ngiti na kina ngiwi nya. "Juskong Bata ka! Akala ko'y napano kana" Ngiwing sabi ni Mama kaya napa peace sign ako dito na inilingan nyang agad "Si kuya po?" Pagkuwan ay tanong ko. "Nasa baba. Nag aaway silang dalawa ni Joyce doon. Hindi ko lang alam kung bakit" Sagot ni Mama kaya napa tingin ako sa labas ng pintuan ng kwarto ko, Animo'y makikita ko doon ang mga tinutukoy nito. "Siguro dahil dun sa ginawa nila kagabi" Bulong ng isip ko saka ko nginitian si Mama. "Maliligo lang po ako saka na po ako bababa" Paalam ko kay Mama na agad nyang tinanguan saka na ito lumabas ng kwarto ko at bumaba na. Dali dali akong naligo at nagbihis. Asuswal lagas nanaman ang buhok ko na naipon sa banyo at tuwalya na pinaggamitan ko. Nasabi na din ni Doc Guillermo na natural lang daw ang pagkalagas ng buhok ko dahil nga sa sakit ko kaya expected ko na daw na tuluyang makalbo ako. Masakit tanggapin Oo. Pero ano pa bang magagawa ko diba? Nang matapos sa pagligo at makapagbihis ay minabuti ko ng bumaba para makapag agahan. Hindi ko pa naihahakbang sa unang baitang ang paa ko ay dinig ko na ang sigawan nila kuya at joyce sa may sala. "Bakit kase hindi mo ako pinigilan?" Gigil na sigaw ni Joyce "Paano ko gagawin yon kung dinaganan mo agad ako" Inis ding sagot ni Kuya na kina iling ko kaya binilisan ko ang pagbaba ng hagdan saka ko sila nilapitan. "Pwede bang magsitigil kayo? Pareho naman kayong nag enjoy so anong ipinuputak ng butchi nyo?" Walang buhay kong tanong sakanila sabay halukipkip sa harapan nila kaya natigilan ang mga ito at nanlalaki ang mga matang tumitig sakin. "W-what a-are you talking about?" Nauutal na tanong ni Joyce sakin sabay iwas ng tingin. Animo'y alam nyang ngingisihan ko sya kaya agad nyang iniiwas ang tingin sakin. "Tss! I know all what you've done last night and my two eyes saw everything" Ngising sabi ko dito kaya napasinghap ang dalawa saka ibinaling ang tingin nila ng sabay sa ibang dereksyon. Alam na alam na nahihiya sa mga pinaggagawa kagabi. "Ano bang pinagsasabi mo dyan Max? Kumain kana doon at baka nalipasan ka lang ng gutom" Maang maangan na sabi ni Kuya na kinatawa ko sabay talikod sakanila ngunit bago ako tuluyang pumasok ng kusina ay muli akong nagsalita. "Ahh..Marky...." "Shit...Baby..." Panggagaya ko sa mga ungol nila kagabi na kina pula ng mga mukha nilang pareho kaya patakbo akong pumasok sa loob ng kusina at nilapitan agad si Mama. "Iihhhhh! I hate you!" Dinig kong sigaw ni Joyce na hindi ko alam kung para ba sakin o para kay kuya at ilang minuto lang ay narinig ko ang andar ng sasakyan mula sa labas ng bahay. Sa tingin ko ay sasakyan iyon ni Joyce at dahil sa kahihiyan ay napauwi ng di oras. Pumasok si Kuya sa Kusina kaya naupo na ako sa tabi ni Mama at nagpatay malisya kunwari na hindi ko alam ang pagpasok ni kuya. Kunwari pa akong nagulat ng makita ko itong umupo sa harapan ko at matalas ang tingin na ipinukol sakin. "Mag uusap tayo Later. MAXINE!" Ma awtoridad nitong sabi sabay diin sa pangalan ko kaya napalunok ako ng di oras kahit na wala pa akong kinakain o iniinom. "Mama..." Nakanguso kong panghingi ng tulong kay Mama ngunit inilingan lang ako nito, Sinasabing bahala ka dyan. Walang imikan kaming kumain ng agahan. Sa tingin palang ni Kuya sakin ay parang nalunok ko na pati ang dila ko kaya walang kahit na ano ang lumabas na salita doon hanggang sa magsalita si Mama. "Anak Maxine, May itatanong si Mama sayo" Anito kaya napatingin ako sakanya "Ano po iyon ma?" tanong ko "Anong meron sainyo ni Ezekiel? Yung pamangkin ni Tita Luisa mo?" Seryosong tanong nito kaya napakunot ang noo ko. "What do you mean po?" Takang tanong ko. "Kagabi kase ay nakita ko kayong magkasama sa may gate natin, tapos ay nakita din kitang kausap mo ito sa may teresa natin, ngunit pagkatapos ng usapan nyo ay patakbo kang pumasok sa kwarto mo at umiyak doon. at alam kong magdamag kang umiyak. Bakit anak?" Mahabang lintaya ni Mama kaya napatingin ako sakanya ng deretso tapos ay kay Kuya na kunot ang noo na nakatingin din sakin. Napayuko ako bago ko sinagot ang tanong ni Mama. "Ma.... Nagconfess kase si Kiel sakin kagabi kaso ay hindi ako nakasagot at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi nya" Nahihiya, nakatungo kong sagot. Napaangat ako ng tingin ng maramdaman ang kamay ni Mama na humawak sa isang kamay ko na nakapatong sa mesa. Kahit nakangiti ito ay mahahalata sa mga mata nya ang lungkot at pag alala. "Bakit hindi ka nakasagot sa sinabi nya? May gusto kana din ba sakanya?" Pagkuwan ay tanong ni Kuya kaya napadako sakanya ang tingin ko. Tanging pagtango lang ang naisagot ko sakanya dahil nahihiya akong aminim ang totoo na may pagtingin na din ako sa binata. Alam ko sa sarili ko na may gusto na din ako kay Kiel. Simpleng tingin palang nito ay sobrang laki na ng epekto nya sa dibdib ko, Ngiti palang nito ay parang napakasarap na sa pakiramdam ko na animoy natatanggal lahat ng nararamdaman kong sakit. At dun sa pag amin nito kagabi sakin ay nakumpirma kong talagang gusto ko na ito dahil sa pakiramdam na halo halo pero napakasarap sa pakiramdam na hindi ko mawari kung ano iyon at bakit ganoon iyon. Lahat kase ng iyon ay bago saakin. "Bakit hindi mo subukan?" Ani Mama na kina gulat ko kaya napatingin naman ako sakanya na ngayon ay nakangiti na ng natural saakin. Ngiting nagbibigay ng hudyat na pinapayagan akong pumasok sa relasyon. Alangan akong napangiti ng marinig ang buntong hininga ni Kuya kaya sabay kaming tumingin ni Mama sakanya. "Aaminin ko ay ayaw ko sa lalakeng iyon dahil alam ko ang backround nya, Pero...." Sinadya nitong bitinin ang sasabihin saka muling bumuntong hininga." Kung sakanya ka sasaya, bakit pa ako hahadlang diba?" Patuloy ni Kuya sa sasabihin saka ito tipid na ngumiti sakin. Ngiting nagsasabing pumapayag na din ito. "Salamat" Naluluhang sabi ko sakanila na kina tango nila sabay ngiti ng malapad. Napakaswerte ko talaga dahil sila ang naging pamilya ko. Ibinibigay nila ang lahat ng bagay na nakakapag pasaya saakin na alam kong hindi kayang ibigay ng ibang pamilya. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako kina Mama at Kuya na doon muna sa labas kasama ang mga kaibigan kong bakla na agad namang nilang pinayagan. Bahay at labas lang naman ang pampalibang sa sarili ko kaya pumapayag agad sila. "Beka!" Tawag ko kay Beka ng makarating sa pwesto nila. Inaayos nito ang mga paninda nila na sa tingin ko ay kakalabas lang, mukhang nalate sila ng gising. "Hello Beautiful lady" Bati nito sakin saka nya dali daling kinuha sa loob ng bahay nila yung upuan na para talaga sakin. "Salamat" Sabi ko dito ng makaupo na ako matapos nitong ilapag sa tamang pwesto ang upuan "Kumain kana ba? Wala ka kaseng dalang mangkok" Natatawang sabi nito na kina tawa ko din. "Oo kakatapos lang namin nila Mama at Kuya. May favor sana ako" Sagot ko dito. "Ow! Anything for you. Ano iyon?" Magiliw na sabi nito sabay taboy ng mga langaw na umaaligid sa paninda nya. "Pwede mo bang gupitin ang buhok ko, Hanggang dito" Turo ko sa bandang leeg na kina gulat nya. "Ah!? Sure ka Be?" Gulat ngunit naniniguro nitong tanong na tinanguan kong agad. "Oo, Hindi ko na kase nasusuklay kaya mas maganda na ipagupit nalang" tipid na ngiting sagot ko dito na tinanguan nyang agad. Nagpaalam itong kukunin muna ang mga gamit nya na syang dating naman ng dalawang bakla, Nginitian ko lang ang mga ito ng idinadaing nila ang ulo dahil daw sa hang over. Sila din ang nagkwento na tinanghali sila ng gising dahil nga sa kalasingan na kina iling ko nalang. "Tara Be! Doon tayo sa loob ng bakuran nyo" Pagkuwan ay yaya ni Beka ng makabalik na ito sa kinaroroonan namin. Pagtango nalang ang isinagot ko saka ko na sana bibitbitan ang bangko ko ngunit inunahan na nya ako at sya na ang nagbuhat non kaya nag umpisa na akong maglakad papasok ng bakuran namin na sinundan nyang agad. "Nakakalbo na ako" Mahinang sabi ko ng makita ko itong matigilan ng suklayin nya ang buhok ko. Ang daming buhok ko ang naipon sa kamay nya saka sya malungkot na tumitig sakin. "Kailan pa ito? Bakit hindi mo agad sinabi saakin? Alam ba nila Tita at Marky ito?" Sunud sunud na tanong nya. Mahihimigan ang lungkot at awa sa tono nya. "Hindi. Ikaw palang ang sinabihan ko maliban kay Doc Guillermo na nagsabing effect ng sakit ko to" Umiiling na sagot ko sakanya kaya napayakap sya sakin patalikod. "Kung meron lang sana akong maitutulong para maibsan yang nararamdaman mo" Mangiyak ngiyak nyang sabi. Nginitian ko ito saka ko tinapik tapik ang braso nyang naka yakap sakin. "Kapag wala na ako, Pwede mo bang paki alalayan sina Mama at Kuya?" nakangiti man ay puno ng sakit sa dibdib na sinabi ko yun saka na nag unahan sa pagtulo ang mga luha ko. "Ano bang pinagsasabi mo dyan! Kahit nandito ka pa ay gagawin ko iyon. Hindi naman iba sakin si Tita Linda no. Tigilan mo iyang pinagsasabi mo! Hindi ka mawawala!" Umiiyak nitong sabi pero pinipilit nyang pagaanin ang pakiramdam ko sa pagpapatawa ngunit hindi na ako kumibo pa. Nang makahuma sa drama namin ay inumpisahan na nya akong gupitan. Apple cut ang gupit na ginawa nya sakin, Bagsak naman daw ang buhok ko kahit nalalagas na kaya hindi pangit tignan, Maganda parin daw ako kahit anong itsura ng buhok ko. Sinabi pa nito na pag nakalbo ako ng tuluyan ay ibibili daw nya ako ng wig para kahit papaano at makalabas parin daw ako ng hindi nahihiya at naiilang sa pagpuna ng ibang tao na kinga ngiti ko. Lubus akong nagpapasalamat dahil may gaya nya na umaalalay at tumutulong sakin. Kahit nahihirapan na sila sa sitwasyon ko ay pinipili parin nilang alagaan ako. KAYA KO ITO.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD