Medj boring itong part na ito. just tell me po sa comment section. tnxxx

2485 Words
Isang araw bago ang isang linggo kong day-off, may babaeng pumasok sa bahay ni sir Carlo. Hapit sa katawan nito ang suot na orange bodycon dress. Sumisigaw naman sa kinang ng glitters ang kaniyang stilletos. “excuse me? Can you get me a glass of water?” Sino ba ito? Basta-bastang pumapasok baka magalit si sir. “hello to earth sa’yo muchacha, I said get me a glass of water” Mataray na sabi nito sa mukha ko na ikinairita ko. “She does not get orders from an outsider” Butt-in ni sir Carlo na kakatapos lang ata maligo at paalis na. “Well I’m not an outsider Carlo. I am your fiance” Naghalukipkip ito at tiningnan ng malagkit si sir Carlo. “If it’s about the partnership of my company to your father, don’t worry itutuloy ko pa rin. Just don’t bother me anymore as if we have relationship. At the very first place, hindi ko rin naman gusto ang fiance thing na ito.” Siguro dapat hindi ako nandito. Nagmumukha akong chismosa sa pagitan nilang dalawa. Minabuti kong umalis at pasimpleng lumabas sa pinto papuntang laundry area. Maglalaba nalang siguro ako ng mga kobre-kama, punda at kurtina. Wala naman akong ibang ginagawa dito. Boryong na boryong na ako. Makalipas ang ilang minuto pumasok akong muli sa loob ng bahay at wala na rin ang dalawa sa salas. Kaya naman pinagtatanggal ko na ang mga dapat kong labhan. Paakyat na sana ako sa ikalawang palapag nang makarinig ako ng kalabog mula sa kwarto ni sir Carlo kaya lumapit ako. Nagulat ako nang makarinig ako ng ungol kaya halos lundagin ko na ang 10-steps ng hagdan makababa lang. Shit. s**t. s**t. Bakit ba kasi ako umakyat?? parang tanga lang. Nakakainis!!!! Hindi pa man ako tuluyang nakakababa ng hagdan ay bumukas ang pintuan ng kwarto ni sir Carlo. Huh? Tapos na sila??? “May kukunin ka ba?” tanong ni sir Carlo. “Ah, Sir!- ku- kukunin ko sana yung kobre-kama at kurtina sa mga kwarto sa itaas” “then get it, what bothers you?” Sabi niya sa iritang paraan habang inaayos ang kaniyang necktie. Sumunod namang lumabas yung babae na hinihila pababa ang kaniyang dress. “Can you get the f**cking out of my house Olivia? I already gave what you want. Now, leave” “Occupied ka nga habang ginagawa ang thing natin tapos sasabihin mo you have gave what I want? Shame on you Carlo!” Padabog na sabi nung Olivia at binunggo ako dahil nakakaharang ata ako sa daan niya. Buti nalang nakahawak ako sa railing ng hagdan. Sarap bigwasan, attitude! Napailing na lamang ako at inisa-isang pinasok ang mga kwarto sa itaas. Hindi ko naman na napansin pa si sir Carlo na umalis dahil di ko naman kaya sabayan ang galit niya. Mas mabuti pang magtrabaho nalang. Kailangan ko rin umalis ng maaga bukas para makasakay ako sa first trip pauwi sa amin. Huwebes pa yung graduation ko pero syempre gusto ko naman ng quality time sa family ko para sa espesyal na okasyon na iyan. KINABUKASAN Mag-iiwan sana ako ng note para kay sir Carlo dahil tulog pa siya sa mga oras na ito nang makakita ako ng isang kahon sa lamesa. Kulay itim ito na mayroong blue na ribbon. Mayroon ding note. “Congratulations. -Carlo” Napangiti naman ako sa simpleng note niya. Hindi ko muna ito binuksan. Saka na kapag official graduate na ako. Nag iwan naman ako ng sarili kong note. Gusto ko sana siyang imbitahan. Kaso nakakahiya naman sa handa ko. Hays, pero kahit na. “Good morning Sir Carlo. Maraming salamat po. Maaga po ako umalis. Btw, invited kayo sa simple naming salu-salo sa bahay. Inform ninyo nalang po ako kung free kayo. Salamat po ulit. -Joana” Corny ba ng reply ko? Nacringe ako habang sinusulat yan. This is not me. Pagdating ko sa bahay ay gulat na gulat ako dahil nagsi-uwian yung mga tiyahin at tiyuhin ko galing pa Maynila. Nakakaoverwhelm naman. Fast forward na natin… Nung araw ng graduation ko, lahat ng barkada ko simula elementary hanggang highschool ay nagsidatingan kaya todo asikaso naman ako sa kanila. Napatigil lang ako sa pakikichika ko sa mga barakada ko nang tawagin ako ni mama. “Jo, may bagong dating. Kaklase mo pa ba yan?” “Sino daw po?” “Hindi naman nagpakilala. Nakakotse. Hinahanap ka. Pinapasundo ko na nga sa kapatid mo sabi daw maya-maya nalang daw siya pupunta.” Alam ko na kung sino yun pero di ko inentertain yung idea kasi baka lumabas akong assuming. “Ako nalang po susundo Ma” “Sige, sunduin mo na baka gutom na yun kakahintay. Dalawang oras na ata” “HA? Bakit di niyo ako sinabihan agad?? Dalawang oras??” “Eh akala ko naman okay lang na maghintay siya eh. Tsaka dami mo kasi ginagawa” “Ma naman. Importanteng tao yun” Ngumiti si mama ng nakakaloko “Bakit? Sino ba yun? Ikaw ha!” Hindi ko na pinansin ang sinabi ni mama at dumeretso na sa kotseng sinasabi nila. Maraming nagkucongrats sa pagdaan ko kaya medyo ang dami ko pang commercials bago ko narating yung kotse ni sir Carlo. Kinatok ko muna ang bintana. Bumukas ito at tumambad sa akin ang mukha ni sir Carlo. “SIR!” masigla kong bati “Just call me Carlo, please” “Pero Sir-” Tiningnan niya akong matalim. “Di po ako sanay.” “then sanayin mo ang sarili mo. Nakakahiya naman kung nandito ako sa teritoryo mo tapos you’ll call me sir.” Napakamot nalang ako ng ulo. “okay okay. So--- Carlo” “Yes, Joana?” Nanindig yung balahibo ko sa batok pagkasabi niya nun. “uhm, hindi ka pa ba bababa ng kotse mo?” “I think I’m good in here. Tsaka medyo marami kayong bisita. Ayoko malagay sa awkward position.” Patawa to. Siya maawkward? “Mga mababait tao dito. Just interact with them casually. Tsaka kapag hindi ka pa bumaba dyan patay ako kay mama. Kaya tara na.” “Did you open my gift?” Ay, nalimutan ko. “Hindi pa hehe. Siguro mamaya? Nawala sa isip ko. Pero gusto ko magpasalamat personal” “No problem” Ibinulsa niya ang kaniyang dalawang palad habang naglalakad kami pabalik sa aming bahay. “Uhm.. hindi kagandahan bahay namin. Medyo maingay at magulo rin” “it’s okay” “palabiro ang pamilya ko so, kapag napagtripan ka- sakyan mo nalang” “Ooo-kay?” “Hindi kami gumagamit ng pangmayaman na kobyertos” He stopped walking at ngingiti-ngiting humarap sa akin. “Relax Joana. I’m not a picky person. Besides, gutom na ako kaya bilisan mo na ang paglakad dahil talagang magagalit si mama” Sabi niya at humalakhak ng malakas. Hinampas ko naman balikat niya. “Anong mama ka dyan? Feeling mo” Pagpasok namin ng gate ay pinagtinginan siya kagad ng mga kumakain. Pano ba naman? Nakaslacks pants pa siya at white polo. Halatang galing sa bigatin na business kaya nakikiosyoso ang mga kapit-bahay at bisita. Napayuko naman ako ng ulo. Hinigit ko ang braso niya at dali-daling hinila siya papasok ng bahay. Yung mga pinsan ko naman na ayaw paawat sa videoke ay napatigil din sa pagpasok ni Carlo. Aaminin ko na. May itsura si Carlo. Makisig. Nakakabali ng leeg ang kagwapuhan. “WOOOOOO Ate! Sino yan?” Kikilig-kilig naman sigaw ng pinsan ko. Tawanan naman ang iba. Nainis ako lalo nang makitawa rin si Carlo. Aba? Feeling close ‘to. “MAAA, NANDITO NA JOWA ATA NI ATE!” Sigaw ng kapatid ko. “HOY MANAHIMIK KA! HINDI KO ITO BOYFRIEND” Depensa ko. Hindi naman talaga. “KUYA, KUMAIN KA NA? DI KA INAASIKASO NI ATE” Kung nakakamatay lang ang tingin. Madami na ako napatay. “KUYA PANO MO NAPASAGOT IYANG DRAGON NA YAN?” Mas lalong lumakas ang tawanan. Binato ko naman ng throw pillow yung pinsan kong nagtanong. Bwiset! Tiningnan ko naman ng masama si (sir) Carlo na nakikitawa lang. “Di ka man lang nagdideny????” Pinandilatan ko siya sa inis ko. “Bakit ko idideny kung totoo naman?” At nagsigawan pa lalo ang mga pinsan at kapatid ko. Aliw na aliw ang mga kupal. “PINAGSASABI MO??” This is not happening. Sumasakay lang ang Carlo na ito. “Hoy, tama na yan. Pakainin niyo muna iyang bisita ni ate ninyo. Halika dito hijo sa likod. Crowded na dito sa salas eh” Singit ni mama habang may dalang plato at yakag kay Carlo. Sumunod naman ako at inasikaso na rin ang pagkain ni sir Carlo. Palayan na ang likod namin. Mayroon itong puno ng mangga sa gilid kung saan ginawaan nila papa ng tree house. Sa baba naman ng tree house ay kung saan nagluluto ang mga matatanda ng handa. “Joana kuhaan mo siya ng leche flan” Utos ni mama kaya bumalik ulit ako sa loob ng bahay. Kinakabahan ako kay mama. Baka kung ano-ano naman pinagsasabi nun. Leche lang. Kumuha pa ako ng isang plato at naglagay ng iba pang putahe at dali-daling pumunta na rin ng tree house. Naabutan kong pinaglalagyan ni mama ng kanin ang plato niya kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Kinuha naman ni sir Carlo ang isang plato na hawak ko at sabay na kaming umakyat. Medyo natagalan pa bago siya nakakain kasi pinalagyan pa namin ilaw sa tree house. “kain na” “Sure, I’m really starving” Bigla namang umakyat si mama. “Naku hijo, pasensya na dito. Wala kami talaga ilaw sa gabi sa tree house na ito.” “It’s okay po. Mas maganda nga po yun” Natawa naman si mama ng very light. Parang pabebe nga eh. “Ito pala, Bicol Express. Tikman mo ito.” “Sige po. Thank you” “Maiwan ko muna kayo. Aasikasuhin ko lang ibang bisita ni Joana” “Sure po. Salamat po ulit” “Alis na Ma.” Irita kong sabi. “Ito na nga. Masyado kang private ha!” Natawa naman ako. Iling at tawa naman si sir Carlo habang nilalantakan ang inihanda sa kaniya ni mama. “Ang dami mo palang bisita” Bungad niya. “Ah- mga kaibigan tas kapit-bahay lang ang mga iyan. Hindi ka ba busy? Nagulat ako sa pagdating mo. Di ko inaasahan.” “Uhm… Tinapos ko naman ng maaga gawain ko sa office para talaga makapunta dito” Bigla naman ako nakaramdam ng tuwa pero secret lang natin. “Medyo maanghang iyang Bicol Express. Kukuhaan kita tubig” Pag-iiba ko ng usapan. Kasabay ng pagkuha ko ng tubig ay ang pagkuha rin ng regalo niya sa akin na hindi ko pa nabubuksan. “tamang-tama. You should open it here” “Thank you ulit, nag-abala ka pa.” “Just open it” Binuksan ko na nga ito. Bracelet. Silver bracelet na may dangles na stars. Napalaki nalang ako ng mata sa ganda. “I guess nagustuhan mo. Let me wear it to you” Hinayaan ko naman siyang isuot ang bracelet sa akin. Hipokrito ako kung sasabihin kong hindi ako kinikilig. Sinong hindi, diba? Akala ko hanggang movies at libro lang ang mga ganitong eksena. Hindi ko inakala na mangyayari din ito sa akin. “Salamat talaga” Itinapat ko sa liwanag ang bracelet at mas lalo ako naamaze. “uhm- uuwi ka rin ba kaagad?” “I don’t know. Alanganin naman bumyahe pa” “oo nga. Siguro, dito ka nalang muna magpalipas ng gabi” “Sa car nalang ako” “Magagalit sa akin si mama” “Okay. So, saan ako matutulog?” “Hahanapan natin ng paraan” Matapos niyang kumain ay bumalik kami sa loob ng bahay at nakipagsayahan sa pinsan at mga kapatid ko. Naiinis lang ako sa buong panahon ng sayahan namin kasi hindi na matapos ang pagnunudyo ng mga pinsan kong adik dahil ngayon lang ako nagdala ng lalaki sa bahay. Inalok pa nila ng inuman si Carlo na pinaunlakan naman ng kupal. Hiyang-hiya ako dahil hindi naman pangmayaman yung serbesa na binili namin para sa okasyon na iyon. Pero uminom naman siya. Habang nakikipag-inuman naman siya ay tinawag ako ni mama. “Saan daw siya matutulog Jo?” “Dito nalang po Ma, gabi na. Malayo pa bahay nyan” “Puno na mga kwarto dito sa bahay. Pero doon mo na yan patulugin sa kwarto mo” “MA? Sila Joy at Mau san matutulog? Diba doon sila natutulog ngayon?” “Nag-latag ng tatlong tent yung mga pinsan mo sa labas. Doon daw sila matutulog.” “Aba, aba. Ang astig naman. Gusto ko rin doon” “Magtigil ka. Samahan mo ang bisita mo. May tiwala naman ako sa’yo pero kung hindi mapigilang madala ng bugso ng damdamin… Gusto ko lalaki ha?” Sabi ni mama sabay taas-baba ng kilay niya. Kinilabutan ako. “Ma, kadiri.” “sus, kung hindi ko lang alam baka ginagawa niyo na. Siya nga pala, pinapaayos ko na kay Joy yung kwarto mo para di naman nakakahiya sa kaniya” Pasado alas dose ng gabi nang kami nalang pamilya ang natira at nagsiuwian na ang mga bisita. Si Carlo ay nakikinig at nakikitawa lang sa kwentuhan ng mga pinsan kong hambog. Kaya tinawag ko na siya para makapagpahinga. Sa second floor ng bahay namin ang kwarto ko. Oo, may second floor kami pero di kami mayaman. “Kaya mo ba matulog mag-isa?” Tanong ko na late ko na narealize na parang tanga pala. “Hindi naman ako bata.” “Okay. Maiwan na kita” Bago pa man ako makalabas ng kwarto ay nahagip niya ang braso ko. “San ka matutulog?” “Katabi ng- ng mga p-pinsan ko.” Napakamot siya ng batok niya. “I realize, I don’t want to be alone” Napanganga ako sa sinabi niya pero naglatag ako ng isa pang banig sa baba ng kama para makatakas sa awkwardness ng tingin niya sa akin. Kapag hindi ako umiwas, manghihina ako. NO WAY! “Anong ginagawa mo?” “nag-lalatag?” napalunok ako. “Hindi tayo pu-pwede magtabi!” Natawa siya at hinubad ang polo niya. “Wala naman akong sinasabi na tabi tayo” Humiga na siya at tumalikod sa akin. Kainis to. Pinandilatan ko lang. Napasilip naman ako sa bintana ng kwarto. Nakita ko ang mga pinsan at kapatid kong tuwang-tuwa sa kanilang tutulugan. Mukha silang nagkacamping eh. Hindi ko na sila pinansin pa kasi naiinggit ako. Napansin ko naman si Carlo na ganoon pa rin ang posisyon. Parang lamig na lamig. Di ko kasi maintindihan eh bakit pa naghubad ang loko kung di naman pala kaya ang lamig. Inayos ko ang pagkakasampay ng kaniyang polo para di ito gusot. Hininaan ko naman ang andar ng electric fan. Tinabihan ko naman siya ng isang kumot just in case maghanap ang katawan niya. Nang mapansin kong okay na ang lahat ay nahiga na rin ako. Grabe pagod ko. Grabe rin ang tuwa ko at the same time. Nang halos lamunin na ako ng antok ay naalimpungatan ako nang maramdaman kong may bumuhat sa akin. “Hoy! Ano gi-ginagawa mo?!” “Alam ko naman na aayaw-ayaw kang katabi ako. Ngayon, ililipat kita kung kailan tulog ka na” “Leche ka.” Bababa na sana ako ulit nang higpitan niya ang pagkakayakap niya. “So what? There’s nothing wrong with it” Sumiksik siya sa leeg ko kaya napahawak ako sa balikat niya. Mainit ang katawan niya. Sobra na rin ang antok ko kaya hindi na ako nakipagtalo pa. KINABUKASAN, Nagising ako sa kalabit ni mama sa binti ko. Bigla naman akong nahiya kasi magkayakap pa rin ang pwesto namin ni Carlo. Hindi na ako pinagalaw ni mama. Parang ginising niya lang ako para asarin, tapos kakanta-kanta siyang umalis ng kwarto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD