finally, nakaupdate rin po ako.

1812 Words
Isang buong linggo akong ganoon ang araw-araw. Gigising ng alas kwatro para makarating ako ng subdivision ng alas singko. Tamang-tama lang para sa paghahanda ng agahan ni sir Carlo. Sa sobrang okupado ng isip ko sa ginagawa ko, nalimutan kong sabihin kay Ruby na may bago na akong trabaho. Nakakahiya naman sa kaniya. Alam kong hindi kami magkaibigan pero ang laki ng utang na loob ko sa kaniya. Kaya naman, nang minsang maaga akong nakatapos sa mga gawain ko ay maaga akong umuwi para dumaan sa plaza. Tamang-tama lang ang dating ko. “Ruby” tawag ko sa kaniya “Jo-ana? Diba?” pag-aalala niya. Tumango ako “oh? Anong atin? Diba sabi ko naman sa’yo kani-kaniya tayo ditong diskarte.” “hindi naman yun ang pinunta ko dito” “Eh bakit mo ako iniistorbo sa oras ng trabaho ko?” “Gusto ko lang kasi malaman mo na may bago na akong trabaho” “congrats?” Napatawa lang ako sa sagot niya “di mo kayang sikmurain no?” Napayuko ako ng ulo. Hindi naman ganoon iyon. “Sa tingin ko kasi mas makakabuti sa akin kung mas pipiliin ko yung bago kong trabaho. Pero wag ka mag-alala. Wala naman ako pinagsisisihan sa pagpasok sa trabaho mo. Trabaho pa rin iyon na nakuhaan ko ng experience” “Ano na ba bagong trabaho mo ngayon?” “Katulong” Napatango siya. “aba, ayos yan. Saan?” “Baka di ka maniwala. Haha.” “huh? Bakit naman hindi?” “Yung una kong customer. Yung kaibigan ni sir James- si sir Carlo yung naghire sa akin bilang katulong” “Aba’t napakaswerte mo naman talaga. Hindi kaya sponsorship na yan?” Napahagikhik ako sa naisip niya pero hindi. Hindi naman na nasundan yung maiinit na gabi. Katulong lang ako. “Hindi ah! Magdadalawang linggo na nga kaming walang s*x. Hindi sa gusto ko ha? Iba na kasi trabaho na ginagampanan ko kaya ganoon.” “ooo-kay? Di mo kailangan magpaliwanag” At tinawanan niya lamang ako. “galingan mo sa trabaho mo. Maraming salamat sa’yo” “Oo, walang anuman. Alis na ako” “sige. Ingat ka” Sumakay na siya ng tricycle samantalang naglakad na ako pauwi ng boarding house. *tot tot* vibrate ng phone ko. Message Sir Carlo: Got home? Reply: Yes po sir. Sir Carlo: Bring your needed stuffs here tomorrow Sir Carlo: or I will pack your things myself. Wait- ano daw? Reply: pag-isipan ko muna po. Sir Carlo: I am not giving you a choice Magrereply na sana ako nang mapansin ko ang nakaparadang sasakyan sa kanto. Nakatayo doon si sir Carlo at inip na inip na nakatingin sa direksyon ko. “So this is what you mean of being ‘got home’?” Sarkastiko niyang sabi. “pwede rin naman ibig sabihin noon ay ‘on the way home’. anong ginagawa mo dito?” “fetching you.” “huh?” “get your things. I’ll help you transfer it to my house” “ga-ganitong oras? Gabi na. Hindi ba pwede ipagpabukas?” “pwede naman unless you’ll let me stay at your place tonight?” Ano daw? Parang lalagnatin ata ako sa pinagsasabi nito. “maghintay ka dito. Kukuha na ako ng mga gamit ko” “good. Good choice” sabi niya sa akin na nagthumbs-up pa Bakit parang feeling ko I am being controlled ng lalaking ito? Tsss. Nakakainis na! Dali-dali akong nag-empake ng mga kailangan kong gamit. Isang maleta at travel bag din ang dala ko. “Oh? San lakad mo Joana? Lilipat ka na ba?” Tanong ng landlady kong nakasalubong ko sa gate. “ay hindi po. May pupuntahan lang pong lakad, babalik pa rin naman po ako. May mga gamit pa po ako sa kwarto ko” “ah siya sige kung ganoon. Mag-ingat ka” “opo. Salamat po” Napahawak naman ako sa dibdib ko nang may humalbot ng maleta at travel bag sa akin. “Sir! Bat kayo sumunod?! nakakagulat kayo!” “just to make sure na susunod ka sa usapan” Napairap na lamang ako sa pagiging sigurista ng amo kong ito. Bwiset. Di pa rin ako makabawi sa gulat ko. Hinayaan ko nalang siyang dalhin ang mga dala ko dahil sa may kabigatan din ito. Tahimik lamang kami bumyahe pabalik ng bahay niya. “Alam mo na kung saan ka mag-stay na kwarto” Bungad niya pagkapasok namin ng kaniyang bahay. “maid’s room” sagot ko. “well, I don’t have maid’s room here.” “So, san po ako tutuloy?” Napasmirk lamang siya at itinuro ang kwarto kung saan nangyari ang lahat. Naistatwa ata ako sa realidad na nagbabadyang lamunin ako. Huminga na lamang ako ng malalim at pumasok sa loob ng kwarto nang hindi lumilingon pabalik kay sir Carlo. Kailangan galingan ko ang pag-arte na wala lang sa akin yung nangyari sa amin. Iba na ang trabaho ko ngayon sa kaniya, kaya ibang serbisyo na rin ang dapat ko ibigay. Ang mga ganoong nakaraan ay dapat ibaon na sa limot. Minsan, tinatawag din itong professionalism. Seryoso ako. Pagpasok ko sa kwarto ay malinis naman ito. May bago ng kobre-kama at kulay ng kurtina. Kahit na magdadalawang linggo na ako sa bahay na ito ay hindi ko nagawang pumasok sa kwarto na ito. Una, wala naman akong gagawin dito. Pangalawa, wala naman pumapasok dito kaya siguradong malinis, at pangatlo, nahihiya ako sa mga nangyari sa loob nito. Pero kung manapak nga naman ang tadhana- napakasakit. Wait- hindi ito tadhana. Choice mo ito Joana. Choice mo na dapat mong panindigan at pagtiyagaan para matulungan mo mga magulang mo. Yes, choice ko nga ito. Walang alam ang tadhana rito. Pagkatapos kong maayos ang mga gamit ko sa kwarto na inilaan para tuluyan ko, lumabas ako para icheck naman kung may dapat ba ako ayusin din sa kusina. Sakto paglabas ko ay naghuhugas ata ng pinagkainan niya si sir Carlo. Pinagmasdan ko lang siya ng tahimik dahil naaamaze ako sa lalaking magaling sa gawaing bahay. Nakakadagdag pogi points. Luh? Pinagsasabi ko? Napahalukipkip na lamang muna ako habang hinihintay matapos si sir Carlo. “May gagawin ka pa ba?” Tanong niya sa akin Parang natanga ata ako sa biglaang tanong niya. “uhm, ichicheck ko palang sana kung meron pa ako dapat gawin” “then I think you should take rest now.” “Ah, okay po. Matutulog na muna- ako? Sige po” “look--- I know its kind of awkward for the both of us to live under the same roof kasi nagkakilala tayo sa pagkakataong mahirap maintindihan. I do not blame you for taking your former job, but…” Napakamot siya ng ulo. Kaya hinintay ko pa ang sasabihin niya “but I cannot imagine of possible things na pwede mangyari sa’yo kapag nagpatuloy ka sa trabaho na ‘yun. My conscience will eat me.” Natameme naman ako sa sinabi niya pero kailangan ko magreply. Pero kailangan ko ng oras para hanapin yung exact words. “uhm- sir. Choice ko po yun. May times na in doubt po ako sa mga desisyon ko, pero di po ako nagsisisi na ginawa ko yun kung yung naging resulta po noon ay ang trabaho na meron ako ngayon” Binigyan ko lang siya ng isang nagpapasalamat na ngiti at nagpaalam na papasok na ako sa kwarto ko. Pero bago pa man ako makaalis ng kusina ay nagpahabol siya ng tanong. “Hindi ka ba nagsisisi na hindi ka na virgin dahil sa akin?” Walang emosyon niyang tanong. Tumingin siya sa ibang direksyon upang iwasan naman ang tingin ko. “diba dapat nirereserve ng isang babae ang virginity niya para sa lalaking pakakasalan niya?” Sa tingin ko, this conversation is getting interesting. Kaya nagkibit balikat ako. “diba dapat ganoon din ang lalaki? Nirereserve rin ang virginity nila para sa babaeng itatali sa kanila? Gusto niyo ba talaga pag-usapan iyan sir ngayon?” “why not? Ayoko rin naman kasing mabalot tayo ng awkwardness. Let’s settle it now” I bit my lips para mag-isip. Takes a deep breathe. Breathe out. “Okay” matipid kong sagot. Lumapit ako sa direksyon niya. Napapagitnaan kami ng dining table. “bago ko sagutin ang tanong mo, bakit ninyo inoffer sa akin ang trabahong ito?” Tanong ko habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa kaniya. Di naman siya nagpatalo sa tingin ko. “Conscience” Umayos siya ng pagkakatayo. “Hindi mo kailangan makonsensya. We barely know each other. Kaya ko naman yung ganoong uri ng trabaho” Nagsmirk lamang siya. “really? Then why your eyes were like pleading to get you out of that job that night?” “Iyan ba ang rason mo kung bakit mo inooffer sa akin ang trabaho na ito? Kasi parang nagmamakaawa ang mata ko? Hindi ako nagmamakaawa that time. Wrong interpretation ka” Again. He smirked. Napakamot lamang siya ng kaniyang kilay. “uh--- then how about your virginity?” Napasingkit ako ng mata sa tanong niyang ito. “Bakit mo palaging tinatanong virginity ko? Hindi na dapat yun sakop ng concern mo. Choice ko yun” “it is because I am your first!” Pagalit niyang sabi na ikinagulat ko. “wala lang yun sa akin. Maniwala ka. Let’s move on nalang siguro about dun?” “I don’t get it” Hindi makapaniwala niyang sabi Napabuntong hininga ako bago nagpaliwanag. “Siguro magahanap nalang ako ng second customer ko para hindi ka magworry sa virginity ko?” “WHAT? Are you insane?? you cannot have s*x with someone then search for another one!” This time, galit na talaga siya. Natatawa lang ako sa reaksyon niya. “what do you think is funny?” “Bakit kapag ang babae nakipagsex ng maraming beses- insane agad? Pero kapag lalaki- okay lang? Social construct at its finest!” Binigyan niya lang ako ng isang hindi makapaniwalang tingin. Totoo naman ah! “This will not work that way” “bakit naman hindi? It will be unfair.” “You.Will.Not.Have.Sex.With.Someone” Padabog siyang tumayo at aalis na. “Hindi mo ako kontrol” Bigla siyang napabalik ng tingin sa akin. Dahan-dahang lumapit. Malapit na malapit na halos ikaluwa ng dibdib ko sa kaba. Inilapit niya na naman ang bibig niya sa tainga ko. “We’ll see about that” He tuck the loose strand of hair behind my ear. Hindi ko maintindihan yung naramdaman ko. Hindi ata namin nasettle ang awkwardness ngayong gabi. Napalala pa ata. KINAUMAGAHAN Maaga ako nagising para maghanda ng breakfast. Sinama ko na rin sa pagluto ko yung dalawa pa naming kasama sa bahay. Pagbaba ni sir Carlo ay pilit kong binasag ang awkwardness. “Coffee?” “yes, please” “Uhm- Magdiday-off sana ako next week. Buong linggo sana” “No problem. May I know why?” tanong niya habang nakatingin sa dyaryo “Graduation ko” Napaangat siya ng tingin sa sinabi ko. “Oh, I thought you are out of school or something. Sorry for not knowing” Nag-isip siya ng kaunti at nagsalit muli. “Do you have celebration?” “Meron naman. Konting salu-salo lang sa bahay namin” “I see. Well, congratulations. Are you planning to look for a more better job right away?” “Oo pero hangga’t hindi pa naman ako nakakahanap at di rin sigurado kung may mahahanap- siguro dito muna ako” “Okay- that’s alright. You’re always welcome here. At least included pa rin ako sa choices mo” Sabay higop niya ng kape. Kunwari hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at hinintay siyang matapos kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD