Nagising si Magnolia sa malalakas na katok sa pinto niya. Pagtingin niya sa alarm clock niya ay alas-dos pa lamang ng madaling-araw. Pupungas-pungas pa siyang bumangon. Nagtataka siya kung sino ang kumakatok sa labas gayong alanganing oras na. Nang nasa sala na siya ng kanyang condo unit ay napahinto siya nang marinig ang pagtawag sa kanyang pangalan. Nabosesan niya na iyon kaya ilang saglit siya nag-isip kung buksan iyon o hindi. Pero parang walang balak tumigil iyon sa pagkatok at nag-alala siyang baka mabulahaw ang mga nasa kabilang unit kaya sumilip siya sa peephole para siguruhing ito nga iyon. Binuksan niya na iyon at hindi siya makakilos nang bigla siyang sugurin nito ng yakap. "Baby, I miss you," nabubulol na sabi ni Carlo. "Hoy! Bakit ka ba nambubulahaw? Grabe ka! Nakakahiya sa

