Pagkalipas ng halos isang oras ay nakarating na sila sa mansiyon. Agad na nagsimula ang fitting. Gaya ng inaasahan ay medyo sumikip na ang kanyang gown kaya kailangan niyang magpapayat na lang ulit dahil mas matatagalan pa kung ipapaadjust niya. Doon na rin naghapunan ang pamilya nito na hindi na yata nagsawang makipagkuwentuhan sa kanila. Naaaliw talaga siya sa daddy at lolo nito na kuwela at magiliw sa kanya. "Oh Ikaw, hija, kailan mo naman balak lumagay sa tahimik?" "Oo nga naman, apo," segunda ng lola niya. Napatingin siya sa daddy niya na tumango lang at sinenyasan siyang sakyan na lang ang mga ito. "Tingnan po natin," nakangiting sabi niya. Nang mapatingin siyang muli sa daddy niya ay napangiti siya lalo dahil halatang pinipigilan nito ang matawa. "Mukhang may boyfriend ka na

