Tatlong buwan pa ang matuling lumipas at hindi na muling nagpakita pa si Carlo kay Magnolia. Mas mabuti na iyon, aminado naman siyang mahina ang depensa niya rito. Isang halik lamang nito ay nawawala na ang pagnanais niyang kalimutan ito. Torture iyon sa kanya dahil hindi man niya aminin ay hinahanap-hanap pa rin ito. Ang mga yakap nito sa gabing malamig, ang mga halik nito, at mga paglalambing nitong lalong nagpayabong sa damdamin niya para sa lalaki. Pero hindi yata nito naunawaan na lahat ng iyon ay nagawa niya dahil sa pagmamahal. Mas okay na iyon dahil mas magiging magulo ang mga bagay at mas lalakas pa ang loob nitong lapitan siya. Oo, nakita niya pa rin naman ito nang minsang dumalaw siya sa kanila pero dalawang beses lamang iyon. Hindi yata sila nagkakatagpo ng schedule. Pero sub

