Tahimik si Magnolia sa hapag habang abala ang mga tao sa pagpapalitan ng opinyon tungkol sa kasal. Kung siya ang masusunod ay hindi siya sasama sa hapunan pero hindi pwede. Kailangan niyang sumabay dahil naroon si Carlo at ang buong pamilya nito. Napag-usapan ng mga ito na pagkalipas ng limang buwan na lamang gagawin ang kasal para makapaghanda. Hindi siya kasama sa bridesmaid. Dapat ay magiging lector siya pero may napangakuan na raw si Rose. Pabor iyon sa kanya dahil sobrang awkward kapag nagkataon. Parang inahas niya ang mapapangasawa ng kanyang kapatid kaya tamang manahimik na lamang siya sa isang sulok. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niyang nakatingin sa kanya si Carlo pero blangko ang ekspresyon ng mukha nito. Bumaba lang muli sa mesa ang kanyang tingin at ipinagpatuloy an

