Mahigit isang buwan na mula nang makabalik sa Maynila si Magnolia. Dalawang linggo na rin niyang hinahanap ang presensiya nito. Gusto niyang mainis sa sarili dahil tatlong araw lang naman sila nagkasama kung tutuusin pero parang nasanay siya na nasa tabi niya lagi ito, nangungulit, tumutulong sa pagluluto niya, at mahigpit siyang yakap sa pagtulog.
Pero hindi na kayang tiisin pa ng konsiyensiya niya ang mga pinaggagawa nila. Kahit sabihin pa ni Carlo na pakakasalan siya ay hindi niya tatanggapin. Dito na rin mismo nanggaling na obligasyon nitong gawin. News flash, wala itong responsibilidad sa kanya. Kahit hindi pa nito sabihin nang direkta ay mahal na mahal nito ang kapatid niya. Siya ay isa lamang diversion dito. Nadala lamang sila pareho ng sitwasyon at init. Lucky bastard, kumbaga buy-one-take-one sila ni Rose. The thing is, they had a no-s*x-before-wedding agreement. Maybe Carlo has seldom or never got laid, making him starved for s*x. And because she was more than willing and available, she became his prize for choosing her sister. The couple would be happy at her expense.
May kasalanan din naman siya dahil hinayaan niya iyong mangyari nang paulit-ulit. Ginusto rin naman kasi niya iyon. Martir mang pakinggan, masaya na rin siya sa ideyang naging kanya ito kahit sandali. Ilusyunada mang tingnan, kahit paano ay naramdaman niyang mahalaga siya rito. Hindi man siya mahal nito ay hindi nito ipinakitang purong pakikipagniig lang ang habol nito sa kanya.
"Okay ka lang ba, Ate Lia?" Paglingon niya ay nakita niya si Jen sa tabi niya, isa sa mga junior architect sa team nila. "You look pale."
"Oo okay naman ako, medyo puyat lang."
"Ikaw naman kasi, ate, masyado kang nagmamadali at subsob sa trabaho. Tingnan mo pala, next month pa ang deadline niyang ginagawa mo."
"Okay lang ako, sanay din naman kasi akong ganito," nakangiting sabi niya rito. Kung alam lang nito kung bakit niya kailangang gawin iyon ay baka pagtawanan pa siya nito pati ng mga makukulit na lalaking arkitektong makakarinig sa kanya. She had to be busy so she would not have time to reminisce about everything that happened in her cabin. She missed him so much that she wanted to go to him and ask him to love her.
She felt miserable, but that was the way it should be. Carlo has always been in love with Rose. Maybe he wanted her, but it would never go beyond that. The thought was breaking her heart into pieces. But, she had to be strong. She had nothing to lean on but herself. That should teach her a lesson.
Nang matapos siya sa ginagawa ay gabi na. Nagdesisyon siyang sa bagong bili niyang condo unit na lamang siya tutuloy dahil mas malapit iyon at nagugutom na rin siya. Lumabas na siya ng building para maghintay ng taxi dahil coding na naman siya. Maya-maya'y huminto ang kotse ng taong ilang araw na niyang hinahanap sa harap niya mismo. Mabilis itong bumaba at nilapitan siya.
"I'll take you home," walang gatol na sabi nito at hinila siya.
"No!" Agad niyang binawi ang kamay.
"No? Wala kang dalang sasakyan at rush hour pa kaya mahihirapan kang makakuha ng taxi."
"Eh ano naman? Sinabi ko nang huwag na tayong magkita! Tapos na-"
"I don't care. Gusto mong sabihin ko sa parents mo ang nangyari?"
"Aba! Ako pa talaga ang tinatakot mo ha! Hoy lalaki-"
Naiinis na bumuntung-hininga lang ito at hinila na siya papasok ng kotse nito.
"Isa ka talagang malaking asar. Hindi ako sa bahay uuwi."
"Okay," simpleng sabi nito at pinasibad na ang kotse.
"Bahala ka sa buhay mo," sumusukong sabi niya at natulog na lang. Nang magising siya ay gulat na gulat siya dahil nasa basement na ng condo building ang kotse niya. "Paano mo nalaman?"
"I just know," tinatamad na sagot nito at bumaba na ng kotse. "Nagugutom na ako. Pakainin mo ako."
"Ang kapal talaga," naaasar na sabi niya sa kawalang-magawa sa pagiging mapilit nito. Pero pagbigyan na lang niya ito dahil hindi rin siya nito titigilan.
Pagdating nila sa kanyang unit ay dumiretso siya sa kuwarto at nagpalit ng damit. Nagluto na siya ng hapunan nila. Gambas Al Ajillo na lang para mabilis maluto. Isa pa, mahilig din ito sa spicy foods. Mabuti na lang at nakapag-marinate na siya ng ilang pirasong sugpo sa lemon bago siya pumasok ng opisina. Napamaang siya sa sarili nang matauhan. Talagang naisip pa niya ang mga pagkaing magugustuhan nito. Mahal na mahal niya nga talaga ito, walang duda. Suwerte nito sana dahil willing siyang alagaan at busugin ito kung sa kanya ito nakatadhana pero hindi. Gusto niyang sampalin ang mukha dahil sa mga ideyang pumapasok sa kanya. Maling-mali iyon dahil wala siyang ipinagkaiba sa isang mistress kapag nagkataon.
Nang makapagluto ay pinaupo na niya ito sa mesa. Magana na naman itong kumain at panay papuri. Tumango na lamang siya dahil ayaw na niyang pahabain pa ang pag-uusap nila. Ito na rin ang nagboluntaryong magligpit ng pinagkainan kahit sinabi niyang umuwi na ito. Nang matapos ay halos inaasahan na niya ang gagawin nito pero napasinghap pa rin siya nang mabilis na nakalapit ito para siilin siya ng maalab na halik.
"No," hiyaw niya sabay tulak nang malakas dito.
"Bakit, sawa ka na sa akin?"
"Ang kapal ng mukha mo," aniya at sinampal ito sa magkabilang pisngi.
"Masakit iyon ha," naiinis na sabi nito at muli siyang hinapit at hinalikan. Sa pagkakataong iyon ay sinuguro na nitong hindi siya makawala hanggang sa tumugon na rin siya at pangkuin nito. Pero muling bumalik siya sa realidad nang maramdaman ang katawan niyang lumapat sa couch.
Mabilis siyang bumangon at inayos ang damit. "Get out! I am not and will never be your w***e! Gagawin mo pa akong libangan dahil sa agreement niyo ng kapatid ko. Paano kapag may nabuo ha? Fertile na din ako ngayon kaya please tumigil na tayo!"
"So wala akong nabuo?" Hindi niya alam kung bakit parang may pag-asam sa hitsura nito pero agad iyong napalitan ng pag-aalala kaya lalo siyang naging miserable.
"Wala, Carlo." Noong nakaraang linggo, para siyang balisa pero nasasabik. Madalas kasing para siyang nahihilo at namumutla. Pakiramdam niya ay buntis siya. Nagmamadali siyang bumili ng pregnancy test para lamang madismaya nang malamang hindi talaga siya buntis. Bumili siya ng dalawa pa pero ganoon ulit ang resulta. Doon niya naalala na hindi siya fertile noong may mangyari sa kanila. Ilang araw pagkatapos noon ay ang monthly cycle niya kaya napakaliit ng pagkakataong makabuo sila.
"Bakit wala?"
"Anong bakit wala?"
"Have you checked it?"
"Oo noh!"
"So, wala pala akong nabuo," anito na parang kausap ang sarili.
"Hindi kasi ako fertile niyon. That was a few days before my cycle."
"I see," tumatango pang sabi nito.
"Lumabas ka na! Huwag mo na talagang uulitin ito! Makonsiyensiya ka naman kahit kaunti. Mahal na mahal ka ng kapatid ko. Matagal nang hindi kami okay kaya huwag mo nang dagdagan pa." Lumapit siya sa pinto at binuksan iyon. Sandali siyang pinakatitigan nito bago marahang tumango at lumabas.
He was able to make her feel like a slut. Hindi iyon tama lalo na sa kapatid niya pa. Patuloy sa pag-agos ang kanyang luha habang nakaupo siya sa couch. Kahit nang mag-shower siya ay kasabay ng pag-iyak niya ang buhos ng tubig. Umaga na marahil nang hilahin siya ng antok dahil nang magising siyang muli sa alarm ng cellphone niya ay mabigat na mabigat pa ang kanyang talukap kaya muli siyang nakatulog. Halos tanghali nang muli siyang magising pero hindi na siya nagmadali. Parang robot na naghanda siya sa pagpasok at nagmaneho ng kotse.
Pagkarating niya sa opisina ay nag-biometrics lang siya at agad na sumubsob sa trabaho. Hindi niya na pinansin ang nababahalang tingin ng mga kasamahan niya pero wala rin namang nagtanong. Baka napansin ng mga itong hindi iyon ang tamang pagkakataon para kausapin siya. Nang matapos sa kanyang ginagawa ay eksaktong tapos na rin ang office hours. Iyon ang pinakamaaga niyang oras ng logout sa loob ng tatlong buwan. Noon niya nakita ang daddy na nakangiti habang palapit sa kanya. "Good afternoon po, daddy," pilit na masiglang sabi niya at nagmano.
"My princess is not okay," malumanay na sabi nito at marahang tinapik ang kanyang balikat. "Isang buwan ka nang hindi dumadalaw sa bahay."
"I'm sorry po daddy," nahihiyang sabi niya.
"Masyado kang busy sa trabaho, but you're way ahead of your deadline. Sa bahay ka na umuwi ngayon and that's an order," nakangiting sabi nito at iginiya na siya sa biometrics at sabay nang lumabas ng opisina.
Pagkarating sa bahay ay masaya siyang sinalubong ng kanyang mommy at lolo at lola. Bahagya pang nag-alala ang mga ito sa kanyang dating at sinabihan siyang magpahinga at kumain nang maayos. Nang mapansin niyang parang abala ang bahay ay nindi maiwasang magtanong. Pupunta ang pamilya ni Carlo para pagplanuhan ang petsa at mahalagang detalye ng kasal nito sa kanyang kapatid. Kumabog na naman nang malakas ang kanyang dibdib dahil makikita niya muli ito. Sariwang-sariwa pa pala sa kanya ang maalab na halik na pinagsaluhan nila kagabi. Pero hindi pa din niya maiwasang makaramdam ng matinding kahungkagan sa ideyang lalong malapit na ang kasal kaya lalong hindi niya pwedeng ilusyunin pa ito.