Sunud-sunod na katok ang gumising kay Magnolia. Pagtingin niya sa alarm clock ay pasado alas-kuwatro pa lang ng madaling araw. Lumakas pa lalo ang pagkatok habang nagdodoor bell kaya napabangon na siya. Habang naglalakad ay kinakabahan siya dahil baka si Carlo na naman pero nagulat siya nang pagsilip niya sa peephole ay nakita niya si Rose. Nagtaka man siya ay pinagbuksan niya pa rin ito at tuluy-tuloy na pumasok. “What do you need?” Pormal ang kanyang pagkakatanong. “Ate, tulungan mo ako, please,” anito at biglang umiyak. Napasubsob pa ito sa mga palad at may kumawalang impit na hagulgol. “Maupo ka muna. Babalik ako.” Pumunta na siya sa kusina at ipinagtimpla ito ng mainit na tsokolate. “Magkuwento ka na,” aniya nang mailapag sa coffee table na nasa tapat nito ang isang tasa ng tsok

