Gabi na nang makarating sina Magnolia at Rose sa bahay ng boyfriend nitong si Danny. Hapon nang lumapag sa Puerto Princesa ang eroplanong sinasakyan nila. Mula doon ay ilang oras pa ang kanilang biyahe sakay ang nirentahan nilang van. Hindi alam ng lalaki na darating sila doon kaya gulat na gulat ito ng dumating sila. “Lalabas muna ako,” aniya nang mailapag ang mga bag nila para bigyan ng pagkakataon ang mga itong makapag-usap nang pribado. Pero bago pa siya makalabas ay napalingon pa siya sa mga ito. Hindi niya kasi maiwasang marinig ang usapan ng mga ito na ikinangiti niya. “Danny, nandito na ako,” naluluhang sabi ni Rose. “Akala ko ba ayaw mo sa akin? You told me I was nobody compared to your fiance. Akala ko ba ayaw mo sa mga lalaking parang walang pangarap?” “I’m sorry, Danny,”

