Nakakailang na katahimikan na naman ang nakapagitan kina Magnolia at Carlo. Saglit na nagpaalam na lalabas muna si Joseph para kausapin ang doktor. Si Liberty naman ay muling natulog. Pagtingin niya kay Carlo, parang hindi pa rin ito nagsasawa sa baby na nagpangiti sa kanya. Pasimple niyang kinuhanan ang mag-ninong sa cellphone niya at mabilis na itinago iyon. Hindi niya matiis na tingnan muli iyon kaya lalo siyang napangiti. Bagay nga talaga ditong magiging tatay. Naisip tuloy niya kung ano pakiramdam na magkaroon ng anak dito. Gusto niya ay maging kamukha nito lalo na kapag lalaki para lumaking kasinggwapo nito. Magandang lumaki pang mabait at responsable katulad nito. "Mabait pala huh samantalang ilang beses ka namang inakit kahit magpapakasal na sa kapatid mo? Mabait pa ba iyung sumasa

