Hatinggabi na pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Magnolia. Hindi niya makalimutan ang halikang nauwi sa maaanghang na saliita mula sa kanya. Walang patid sa pagpatak ang luha pagpasok niya ng kwarto pero kailangan niyang gawin iyon. Baka tuluyan na niyang agawin ito sa kanyang kapatid kapag hindi niya pinigilan ang sarili. Bakit ba kasi hindi pa siya lubayan ng lalaki? Bakit ba nito ipinipilit na ipagpatuloy pa nila ang ginagawa nilang hindi tama? Totoong mistress o third party na siya pero hindi niya naman matanggihan nang buo ito. Ito naman, mas kontrolado ang sitwasyon pero lapit pa rin nang lapit, halik nang halik sa kanya. Siya naman ay tugon nang tugon hanggang sa matauhan dahil para itong may kakayang hipnotismo. Mahal na mahal nito ang kapatid niya. Siguro dahil matagal iton

