THIRD PERSON POV "Ako ang nagdala sa kan'ya ng pagkain,pero ibang tao ang hinahanap n'ya?" Pabulong na tanong ni Rhydien. "Sir,may sinasabi ka ba d'yan? Bakit bumubulong ka?" "Wala,sabi ko sa'yo di ba magpahinga ka na d'yan. At uulitin ko na h'wag mo na isipin ang ibang tao." "Okay! Sabi mo e!" "Labas na ako, babalikan kita mamaya." "Hindi mo na kailangan bumalik, nakakahiya naman na imbes na ako ang nag-aasikaso sa in'yo ay ikaw pa ang mag-aalaga sa akin." "Gusto ko ito. Kaya hayaan mo na lang ako." "May magagawa pa ba ako? Nagdesisyon ka na!" Lumabas naman si Rhydien sa kwarto ng babaeng hindi n'ya alam kung paano ba aamin dito. Kaya gusto n'ya ay idaan na lamang sa pagpaparamdam. "Saan ka galing?" Tanong ni Ravin kay Rhydien. "Wala!" "Anong ginawa mo sa kwarto nila Haliy

