"Nagtitiwala kayo sa akin? Anong me'ron sa akin na wala sa jba Lala?" "Katulad ng ginawa mo kanina sa mga apo ko. Nakikita ko na hindi ka isang babae lang na basta na lang iiyak, kaya mo silang mapasunod HALIYAH." "Mapasunod po? Parang malabo po ata 'yan!" "Hija, makinig ka sa akin. Ang gus'to ko ay malaman sa kanilang lima ang maaring magpatuloy ng legacy ng aming pamilya." "Legacy po?" "Ang gus'to ko kapag nawala na ako sa mundong ito ay nasa maayos na ang lahat ang mga apo ko." "Hindi ko po kayo maintindihan?" "Ganito kasi yun Hija, hindi ka lang naman talaga magiging maid dito. Ikaw ang magiging mga mata ko." "Lala, diretsahin n'yo na po kaya ako. Ang suspense kasi ng mga sinasabi n'yo, parang mas lalo po ako na kinakabahan." "Okay Hija, ang gus'to ko ay malaman kung sino sa k

