"Hija,are you okay?" Pakiramdam ko ngayon ay parang umiikot pa din ang aking paningin. "Dahan-dahan lang sa pagtayo, baka mawalan ka na naman ng malay." "Ano po ba ang nangyari sa akin?" Takang tanong ko kay Donya Ezmeralda " "Nahimatay ka Hija." Sagot nito sa akin. Napaisip ako sa nangyari kanina at bumalik ang lahat ng nangyari kanina. Iinom lang naman sana ako ng tubig. Pero bigla na lang naging ganito ang nangyari. Dapat pala ay hindi na lang ako lumabas ng kwarto namin ni Susie. Sana ay tiniis ko na lang ang uhaw ko. "Ano ba ang nararamdaman mo? May masakit ba sa'yo? Kailangan ka na ba namin na dalhin sa hospital?" "Okay na po ako, med'yo nahilo lang po." "Sigurado ka ba d'yan?" "Opo,"tipid na sagot ko dito. Napatingin naman ako sa aking harapan kung saan ay nakatingin pal

