HALIYAH POV: Pagkagaling namin sa sementeryo ay tulog na tulog na sila Manang. Hatinggabi na din kasi. Ang mga dala namin na ginamit ay hinugasan ko na muna. Nakakahiya naman kay Manang,kung ito pa ang maghuhigas nito bukas. "HALIYAH, bakit hindi ka pa magpapahinga Hija?" Tanong ni Donya Ezmeralda sa akin. "Tatapusin ko lang po ito at magpapahinga na ako." Sagot ko sa tanong nito. "Hindi mo naman kailangan na gawin 'yan ngayon. May bukas pa naman,.pagod na tayong lahat sa byahe." "Kaya ko pa naman po. Promise po after nito ay papasok na ako sa kwarto namin nila Manang, nakakahiya naman kasi kung pati ito ay sila pa ang gagawa." "Okay sige, hahayaan na kita d'yan sa ginagawa mo. Pero bukas nga pala ay maaga din tayong aalis." "Saan po tayo pupunta?" Takang tanong ko dito. "Sa

