"Lala, d'yan po ba tayo sasakay?" "Oo Hija, bakit takot ka ba?" Sagot nito na may kasunod din na tanong sa akin. "Nung huling sumakay po kasi ako sa elevator nasira! Kaya may trauma po ako." Paliwanag ko dito. Hindi ko makakalimutan ang araw na na-stuck ako sa loob ng isang elevator. Halos mahigit isang din iyon. Dahil nagkaroon ng problema. At simula noon ay talagang hindi na ako sumakay dito. "Kasama mo ako Hija, kaya h'wag kang matakot. At isa pa ay palaging naka-alerto ang mga empleyado ko. Para kung sakaling may aberya dito ay nagagawa agad. Hindi naantala ang ibang mga kailangan gawin ng bawat department. Lalo pa at napaka-importante nitong elevator. Dahil sa boss ko ito ay kailangan na sumunod Ako sa gus'to nito. Kahit na sobrang kinakabahan na talaga ako ngayon. Naglakad ak

