Nangingiti ang labi ni Rim habang naglalakad siya papasok ng condo unit nila ni Sasha. Hindi maikakaila sa kanyang mukha na masaya siya na nakasama si Ashley kahit na sa sandaling oras lang ngayong araw. Nagulat na lang si Rim nang pagtingin niya sa living room ay nakita niya si Sasha na nakaupo ng padekwatro sa sofa. Maya-maya ay dahan-dahan itong tumayo para salubungin siya. Mababakas sa mukha nito ang pagkainis habang tinitingnan siya nito ng masama. “Gabing-gabi na, alam mo ba ‘yon? Uwi ba ng isang lalaking may asawa ang dis-oras ng gabi?” magkasunod na tanong ni Sasha sa madiin na tono. Tiningnan ni Rim ang kanyang wrist watch na suot. ‘Maga-alas onse na.’ Ang nakita niyang oras. ‘Hindi ko namalayan ang oras,’ iniisip niya pa. “Kanina pa ako tawag nang tawag at text nang text sa’y

