Magkakasama ang apat sa isang pabilog na lamesa na nasa loob ng isang restaurant. Hinihintay nilang dumating ang kanilang mga inorder na pagkain. Sa kanang side ay magkatabing nakaupo sina Rim at Sasha habang sa kaliwa naman sina Ashley at Oslo. Maganda at maaliwalas gaya ng panahon sa labas ang pinasukan nilang restaurant. Gawa ito sa kahoy at kawayan. Isa itong malaking kubo kung kaya’t native ang ambiance ng lugar. Mukha ring masasarap at fresh ang mga pagkain dito dahil maraming turistang narito sa Palawan ang nandito sa loob at kumakain. “Hindi ko talaga akalain na dito rin pala kayo magbabakasyon ng asawa mo at magkikita-kita pa tayo,” ani Ashley saka siya ngumiti habang salitang tinitingnan sina Sasha at Rim na nasa harapan niya. “Parang naglalaro ang tadhana sa’tin, ‘di ba?” wika

