CHAPTER 43

1778 Words

“Ano? Okay ba? Maganda ba ang suot ko?” pagtatanong ni Ashley kay Oslo at umikot-ikot pa siya sa harapan nito. Tiningnan ni Oslo si Ashley mula ulo hanggang paa habang nakatayo siya sa gitna ng hotel room. Wala man lang naging reaksyon ang mukha niya pero hindi niya maitatanggi sa loob niya na nagagandahan siya sa katawan nito. Masasabi niyang napakaganda ng epekto ng operasyon at mga gamot na ininom nito dahil babaeng-babae na ang hubog ng buong katawan nito. Muling tiningnan ni Ashley si Oslo. “Ano? Wala ka man lang reaksyon diyan,” aniya pa. “Is that what you’re going to wear?” pagtatanong ni Oslo saka tiningnan ang mukha ni Ashley. Tumaas ang kanang kilay ni Ashley. “Bakit? May problema ba sa suot ko?” pagtatanong niya. Nakasuot siya ng two-piece swimsuit na pulang-pula ang kulay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD