Abala si Oslo na inaayos ang kanyang mga gamit sa loob ng kanyang bag. Maya-maya ay uuwi na siya. Napatigil sa kanyang ginagawa si Oslo ng marinig niya ang pagbukas ng pintuan ng opisina niya. Napatingin siya doon kung saan sakto namang pumasok si Ashley. Kumunot ang noo ni Oslo. “Why are you here?” nagtatakang tanong niya at iniwas ang tingin kay Ashley saka ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa. “Uuwi ka na din, di ba?” pagtatanong ni Ashley. Hindi nagsalita si Oslo pero tinango niya ang kanyang ulo. “Sasabay na akong umuwi sa’yo,” ani Ashley. “Wala ka bang lakad?” tanong ni Oslo ng hindi tinitingnan si Ashley. “Wala ba kayong lakad?” pagtatanong pa niya. Lihim na lang siyang napaismid. “Wala naman,” sagot ni Ashley. Isinara ni Oslo ang zipper ng bag niya. Tiningnan niya ulit si Ash

