Nanginginig sa matinding galit si Sasha. Namumula ang buong mukha niya at nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatitig sa mga hawak niya. Sobra ang panginginig ng kanyang mga kamay. Titig na titig si Sasha sa mga litratong hawak niya. Hindi niya matanggap na totoo ang mga hinala niya noon pa. “Mga hayop kayo! Mga walang-hiya kayo!!!” nanggagalaiti na sigaw ni Sasha habang mabilis na nililipat at tinitingnan isa-isa ang mga litratong hawak niya na dumudurog ng pino sa puso niya. “Ang lakas ng loob niyo na lumandi sa likod ko,” nanggigigil na bulong pa niya. “Hayop ka, Rim! Napakahayop mo talaga!” Galit na galit si Sasha kay Rim. Sobra niya itong kinamumuhian ngayon ngunit mas sobra ang pagkamuhi niya sa babaeng kasama nito sa mga litrato at gumagawa ng mga katarantaduhan sa likod niy

