Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng opisina ni Oslo. Nakatayo siya sa harapan ng bintana at nakatingin sa labas kung saan nakikita niya kung gaano kaaliwalas ang panahon. Samantala, nakaupo naman sa mahabang sofa si Ashley at tinitingnan ang malapad na likod ni Oslo dahil nakatalikod ito mula sa pwesto niya. Ilang minuto pa ang lumipas nang marinig ni Ashley ang mahinang pagtawa ni Oslo. Nahalata niya ang pagkapagak nito. “I’m very sure that everyone feels pity for me now.” Muling natawa ng mahina si Oslo. Napakagat-labi naman si Ashley. Nagbaba siya ng tingin. “Maybe they think that I’m stupid.” Bakas sa boses ni Oslo ang pagka-sarcastic nito. Nakaramdam ng hiya si Ashley dahil kahit siya, iniisip niyang sobrang napahiya si Oslo sa harapan ng lahat. “I’m sorry,” paghingi ng sorr

