Nakatayo sa harapan ng lamesa si Rim habang nakaupo naman si Oslo sa kanyang swivel chair. Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng opisina ni Oslo. Pamaya-maya ay nagbuntong-hininga si Rim habang nakatingin pa rin siya kay Oslo na wala namang ekspresyon ang mukha. “Sorry sa mga nangyari kahapon,” paghingi ng paumanhin ni Rim kay Oslo. Nagbaba siya ng tingin saka muli itong huminga ng malalim. Sa loob-loob niya ay sobra siyang kabado dahil hindi niya alam kung anong kahahantungan niya pagkatapos nang pag-uusap nilang ito ni Oslo. Hindi nagsalita si Oslo at nanatiling nakatingin lamang siya kay Rim. ‘Kung pwede ko lang siyang bugbugin dito sa loob ng opisina ko, ginawa ko na ngayon din.’ Aminado naman siya na nakakaramdam siya ngayon ng galit para sa kaharap ngunit pinananatili niya ang ka

