Patingin-tingin si Ashley sa paligid. Itinaas niya ang pagkakasuot ng itim na shades sa kanyang mga mata at inayos din niya ang kulay itim na face mask niya. Naka-all black outfit siya kaya hindi maiwasang tingnan siya ng ibang tao na dumadaan na hindi naman niya pinapansin. Nasa lugar siya kung saan nandito ang ina, ang anak niyang si Ash at kaibigan niyang si Remi. Bigla niyang naisipan na pumunta rito dahil naalala niya ang mga ito. Matagal na rin bago ang huling punta niya dito. Nagkukubli si Ashley sa likod ng isang matabang poste. Nakatayo lang siya doon. Sa kabilang kalsada na katapat ng poste na tinataguan niya ay nakapwesto ang bahay ng kanyang ina. Nakita niyang nakabukas ang gate at pinto nito kaya sa kanyang palagay ay may tao doon. Napangiti si Ashley nang makita ang kanyang

