“Bakit hindi ka pumasok?” pagtatanong ni Oslo kay Ashley. Kakauwi lamang ng una galing trabaho habang ang huli naman ay kanina pa nasa kwarto nila. Ngumiti nang maliit si Ashley. “May pinuntahan lang ako,” sagot niya. Tinaasan ng kilay ni Oslo si Ashley. Kumunot din ang kanyang noo habang nananatiling nakatingin dito at tinatanong ng kanyang mga mata na saan ito nagpunta. Huminga nang malalim si Ashley. “Sa bahay ni Mama,” sagot niya. “Sa bahay ng Mama mo?” tanong ni Oslo. Tinango ng tatlong beses ni Ashley ang kanyang ulo bilang sagot sa tanong ni Oslo sa kanya. “Bakit ka pumunta doon?” pagtatanong pa ni Oslo sa nagtatakang tono. “Bigla ko kasi silang na-miss,” sagot ni Ashley sa tanong ni Oslo. Tinango-tango ni Oslo ang ulo niya. “Nakita ka ba nila?” tanong pa niya. “Siyempre,

