“Bakit hindi ka pumasok kahapon? Ano’ng ginawa mo? Saan ka ba nagpunta?” sunod-sunod na tanong ni Rim sa kaharap na nakatayo na si Divina/Ashley. Nasa loob silang dalawa ng pantry kung saan dito nila napag-usapang magkita. Ningitian ni Ashley si Rim. “Hindi kasi naging maganda ang pakiramdam ko kaya hindi na lang ako pumasok kahapon at nagpahinga ako ng buong araw,” paliwanag niya. “Bakit out of reach ang phone mo? Alam mo bang sobra mo akong pinag-alala dahil wala man lang akong balita sayo? Hindi ko alam kung nasaan at anong ginagawa mo.” Mababakas sa tono ni Rim ang pag-aalala niya para kay Divina/Ashley. Muling ningitian ni Ashley si Rim. Hinawakan niya ang magkabilang braso nito. “I forgot to charge my phone. Huwag ka ngang masyadong mag-alala diyan. I’m fine. Napagod lang siguro a

