Nakatutok ang mga mata ni Ashley sa screen habang mabilis na nagta-type sa keyboard. Abala siya sa kanyang ginagawang report sa laptop. Ilang sandali pa ay bigla siyang napatingin sa kanyang phone na nasa tabi lamang ng laptop at nakapatong sa ibabaw ng lamesa niya nang marinig ang pagtunog ng ringing tone nito. Sinilip niya ang screen at nakita niyang may nag-text sa kanya. Tinigil na muna niya ang kanyang ginagawa at kinuha ang kanyang phone. Kumunot ang kanyang noo at nagsalubong ang dulo ng mga kilay niya nang makitang unregistered number ang nasa screen. “Akala ko si Rim,” bulong ni Ashley. “Sino naman kaya ‘to?” tanong pa niya sa nagtatakang tono. Kumibit-balikat na lang si Ashley saka niya in-unlock ang kanyang phone at binuksan ang mesaage sa kanya. “Hindi mo ba titigilan ang as

