PAGKATAPOS mahuli ni Albert Cruz ay umamin na rin si Chief Gonzales. Tama ang hinala ni Donabella na binayaran ni Albert Cruz ang hepe. Inamin na rin ni Albert Cruz na siya ang nag-utos na pumasok sa kwarto ni Redford at ilagay doon ang ebidensiya. Ito rin ang ilang beses na nagtangka sa buhay ng binata. Ilang araw lang ang nakalipas ay nagsara ang kaso ni Calvin Rivera. Grabe ang pagpapasalamat ni Gio kay Donabella dahil sa tulong ng dalaga. “Congratulations, agent Roberts, you did a great job!” masayang bati ng superior ni Donabella sa kaniya. Nakangiti naman si Donabella habang tinatanggap ang papuri nito. Masaya siyang natapos na ang kaso at nailantad ang lahat ng maling nangyayari sa mga Evans. Masaya siya na nakatulong siya sa mga ito. “Pero sigurado ka bang magreresign ka na?”

