Episode 06
NAKATUNGANGA lang si Donabella sa kawalan habang nakaupo sa upuang kaharap mismo ng mesa ni Redford Evans. Abala ang binata sa ginagawa nito sa laptop habang halos ubos nang bilangin ng dalaga ang bawat dahon ng halaman sa gilid ng shelf na nasa loob lang rin ng opisina ng binata. Bagot na bagot na ang dalaga. Idagdag pang kating-kati na s'yang maghanap ng impormasyon para sa assignment n'ya.
Now what? Malala na ang pagdududa sa kanya ng masungit na Evans kaya malabong makakilos pa ulit sya gaya ng una nyang ginawa. Ano nang gagawin nya ngayon?
Ilang saglit pa ay may kumatok sa pintuan. Napatingin doon si Donabella.
“Come in.” nangibabaw sa tahimik at malamig na kwarto ang boses ni Redford Evans. Pakiramdam ni Donabella ay nanuot sa kanyang ugat ang boses nito at naghatid ng kung anong kiliti sa kaibuturan nya.
Like, what the heck was that?—she thought.
Bumukas ang pinto. Pumasok ang isa pang Evans na nagulat nang makita sya.
Lumapit ito sa kanila. “Donabella, anong ginagawa mo dito?”
Awkward na ngumiti lamang ang dalaga kay Kysler Evans. Sasagot ba sya? Ano namang isasagot nya? Na pinaghihilaan sya ni Redford kaya ayaw itong mawala sya sa paningin nito? Naku, delikado kapag nalaman ni Kysler ang ginawa nya noon sa kwarto ni Redford Evans. Mas maraming naghihinala, mas malaking problema.
“She's now my personalized maid.”
Umawang ang labi ni Donabella at nilingon si Redford na sumandal sa sandalan ng swivel chair nito.
Ano raw? Personalized maid? Parang iba ang dating ng sinabi nito kay Donabella. Ibang-iba na muli nanaman nyang naramdaman ang kiliti sa kaibuturan nya. What the...
“Ano? Anong sinasabi mo, Red?” takang tanong ni Kysler sa pinsan.
Hindi sumagot si Redford sa halip ay bumaba ang tingin nito sa hawak ni Kysler habang kunot ang noo. “What is that?”
“Ah ito.” inilapag ng binata ang brown envelope na hawak nya sa mesa ni Redford. “Nakasalubong ko si Reeve kanina, pinabibigay nya sayo.”
Agad na kinuha ni Redford ang envelope at itinago sa sulong ng mesa nito. Mataman namang pinagmamasdan ni Donabella ang lalaki lalo na nang itago nito ang envelope. May kutob syang may kinalaman sa kanya ang nilalaman ng envelope na 'yon. Teka, pinaimbestigahan na ba sya nito kaagad?
Humarap si Kysler sa dalaga. “Hindi ka pa ba uuwi, Donabella? Tatawagan ko si Gio ipapasundo kita.”
Akmang tatango na si Donabella nang magsalita si Redford.
“She's staying, Kysler. I'm keeping my eyes on her.”
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Kysler sa pinsan at sa katulong nila. Hindi nya maintindihan ang nangyayari at nagtataka sya sa ikinikilos ni Redford. Hindi nito gusto ang presensya ng isang babae kaya hindi nya maunawaan kung bakit nagkakaganito ang pinsan nya sa maid nila na isang babae.
“May kasalanan ba sya sayo, Red?” tanong ni Kysler sa pinsan.
Agad na sinalakay ng kaba si Donabella. Kapag sinabi nito kay Kysler ang ginawa nya, maaaring mapatalsik sya sa trabaho at hindi na nya magagawa ang assignment nya.
Unti-unting lumingon si Redford kay Donabella. Tinitigan nito ang dalaga sa paraang hindi mabasa ni Kysler.
“She did something horrible to me.” tipid na sagot ni Redford habang titig na titig sa dalaga.
Nagtataka man ay napailing nalang si Kysler saka lumabas ng opisina ni Redford.
Naiwan si Donabella na nakikipagtitigan sa binata. Hindi nya mahulaan ang pinaplano ng binata pero hindi sya magpapatalo. Kung ano man ang pinaplano nito, sisiguraduhin nyang masasabayan nya 'yon.
“Anong pinaplano mo?” tanong nya nang hindi na sya nakatiis.
Redford pulled himself up saka ito naglakad palapit sa dalaga. Mabilis na tumayo si Donabella at hinabol ng tingin ang binata hanggang sa tumigil ito sa mismong harapan nya. Namulsa ito at tumingin pababa sa kanya.
Donabella knew something ridiculous is going on inside his head at napatunayan nya 'yon nang humakbang pa palapit sa kanya ang binata. Nanlaki ang mata nya nang hinawakan nito ang magkabila nyang panga saka inilapit ang sariling mukha sa kanya.
She thought he'll kiss her but immidiately stopped and stared at her. Agad rin itong umatras saka parang walang nangyari na bumalik sa swivel chair nito.
Umawang ang labi ni Donabella at hindi makapaniwala sa inasal ng lalaki.
Did he just played with me? Walang paninindigan.—Donabella thought gritting her teeth.
“What was that?” hindi naitago ni Donabella ang inis.
Tumaas ang isang kilay ni Redford dahil sa tono ng dalaga pero wala syang pakialam. Nainsulto sya sa ginawa nito.
“What? Disappointed?” nangingising tanong ng lalaki.
Iritadong tumayo si Donabella at marahas na ipinatong ang dalawang palad nya sa mesa. Galit nyang sinalubong ang titig ng masungit na lalaki.
“Wala na akong pakialam sa paghihinala mo sa pagkatao ko. Gawin mo ang gusto mo at gagawin ko ang gusto ko. Ayoko nang hinahanamon ako, Evans.”
Redford's face remained stoic pero sa loob loob nya ay namangha sya sa tapang ng dalaga. Ngayon ay mas napatunayan na nya na hindi totoong maid ang babae. Nagpapanggap lamang ito at ano man ang dahilan nito, ilalantad nya 'yon. Pipilitin nyang mapaamin ang babae o kaya naman ay paiikutin nya ito sa kanyang mga kamay. He's Redford Evans, after all, lahat ay kaya nyang gawin, lahat ay nakukuha nya, lahat ay napapasunod nya and Donabella Roberts is not an exception.
***
INIS NA INIS na lumabas ng gusali si Donabella. Galit nya pang tiningnan ang matayog na building ng Evan Ford Airlines. Matapos nyang pagtaasan ng boses ang boss nya ay nilayasan nya ito. Inis na inis sya sa lalaki. Ang lakas ng loob nito na paglaruan sya. Tinangka syang halikan tapos biglang tumigil? Nainsulto sya doon!
Tumingin-tingin sa paligid si Donabella hanggang sa nagvibrate ang cellphone nya sa loob ng bulsa ng kanyang pantalon. Kinuha nya ang cellphone nya at nanlaki ang mga mata nya nang makita kung sino ang tumatawag.
She cleared her throat and answered the call. “Uhm…Hello, Tim.”
[I miss you…] Iyon ang salubong sa kanya ng kasintahan kaya naman awtomatiko syang napangiti. Sa tuwing naglalambing si Timothy ay kilig na kilig pa rin sya.
Bahagya syang ngumuso. “I miss you too.”
Timothy on the other line chuckled. [I'm busy but I really really really miss you.]
Mahinang tumawa si Donabella. “Pasaway ka talaga. Sige na, magtrabaho ka na.”
[Okay po. I love you, baby. I miss you.]
“I love you too and i miss you more.”
The call ended like just like that pero hindi pa rin nauubos ang ngiti ni Donabella hanggang sa may biglang nagsalita sa tabi nya.
“Sana all love at miss.”
Mabilis syang napalingon sa lalaking nagsalita. “Jay—Sir Jayford.”
Tumawa ng mahina ang lalaki saka sya kinindatan. “Hi, babe.”
Ngumiwi ang dalaga. Maharot pa rin talaga ito kahit narinig naman nito ang usapan nila ng boyfriend nya. Hayaan na nga.
“Bakit ka nandito?” pag-uusisa ni Jayford Evans saka lumingon sa matayog na gusali ng Evan Ford Airlines.
“Ah...nautusan lang po.” tipid nyang sagot saka akmang tatawag ng taxi nang hawakan ni Jayford ang braso nya saka sya hinila.
“Teka…Teka lang, sir. Uuwi na po ako.” sinubukan nyang kumawala sa lalaki. Nagtagumpay sya ngunit nasa tabi na sila ng kotse nito.
Jayford grin at her. “Pauwi na rin ako. Sabay na tayo, babe.”
Napakamot nalang ng pisngi si Donabella. Wala na syang nagawa nang buksan ni Jayford ang pinto ng passenger seat at pinagtulakan sya sa loob. Gusto nya sanang tadyakan ang bastos na lalaki pero pinigilan nya ang kanyang sarili.
Naiiling na hinayaan nalang nya ang lalaki. Kinapa nya ang seatbelt saka ikinabit. Umayos sya ng upo ngunit natigilan sya nang mahagip ng paningin ang pulang tela na nakapatong sa dashboard ng sasakyan.
Nakapasok na ng kotse si Jayford Evans pero hindi nya ito pinansin.
Kunot-noo nyang dinampot ang pulang tela sa dashboard pero agad nya itong naitapon habang diring-diri nang mapagtanto kung ano 'yon.
“Grabe ka naman. Parang hindi ka nagpapanty ah.”
Napatingin sya sa balahurang lalaki na inaalis ang panty na sa mukha pala nito naglanding.
“Hanggang sa kotse ba naman!” hindi makapaniwalang bulalas ni Donabella.
Ngumisi si Jayford sa kanya saka inihagis sa backseat ang panty. “Bakit? Nagseselos ka ba, babe?”
Nangunot ang noo ng dalaga. “Pakialam ko naman sayo!”
Humalakhak ang binata. “Mas masarap kasing magmaneho habang minamaneho ka rin.”
Napailing nalang si Donabella. Wala. Sukong-suko sya sa kahalayan ng lalaki. Kabaligtaran ito ni Redford Evans na conservative at ni Kysler Evans na gentleman. Grabe! Mabuti nalang at hindi pinapatos ng malanding Jayford Evans si Erika—Pero teka, nahalikan na yata ng lalaki ang dalaga e.
“Alam mo, masyado kang confident at matapang para maging isang maid.” puna ni Jayford Evans habang nagmamaneho.
Napabuga ng hangin si Donabella. Ito na nga ba ang sinasabi nya. Nakakahalata na ang mga Evans. Hindi talaga sya mahusay sa ganitong klaseng pagpapanggap.
“Type nga kita e. Break mo na kaya 'yung boyfriend mo.” dugtong pa ni Jayford.
Tiningnan nya ang lalaki saka inirapan. Humalakhak naman ito nang makita ang pag-irap nya nang eksaktong sumulyap ito sa kanya.
“Pero seryoso, babe, type talaga kita. Ang sexy mo kasi.”
Seryoso talaga ang binata? Sabagay, sa karakas palang ng lalaki, halata nang basta may boobs papatulan nito.
Tamad na isinandal ng dalaga ang ulo nya sa nakasaradong bintana ng sasaktan. “Hindi kita papatulan, sir Jayford.”
“Alam ko. Sa ugali mong 'yan, alam kong mga tulad ni Kysler o ni kuya ang tipo mo. Responsable at maginoo.”
Lihim na nagmura si Donabella. Maginoo? E hindi naman maginoo ang kuya nito. Pinaasa nga sya kanina—ha? Hakdog! Anong iniisip nya? Masyadong karumaldumal.
“Hindi katulad nila ang tipo ko.” nakapikit na depensa ng dalaga.
Maisip nya palang na liligawan sya ni Redford, kinikilabutan na sya. That man has a doom fate. Masyado pang masungit at seryoso. Oo, tipo nya ang seryoso pero ang gusto nya ay 'yung pinagsamang Kysler at Redford, gano'n si Timothy. Seryoso at gentleman na may pagkamasungit minsan. Take note, minsan lang, hindi araw-araw na tulad ng amo nyang pinaglihi yata sa kumukulong dugo.
Humalakhak ang malanding Evans. “Mabuti naman kasi hindi ka papatulan ni kuya. Ayaw nya sa babae.”
Naintriga si Donabella dahil sa narinig. Ayaw nito sa babae? Bakit?
Bahagya nyang hinarap ang nagmamanehong lalaki. “Bakit ayaw nya sa babae?”
Ngumisi ito. “Kasi…”
Umawang ang labi ni Donabella habang naghihintay sa idudugtong nito pero hindi na nagsalita ang lalaki. Nangunot ang kanyang noo. “Kasi ano?”
Mahina itong tumawa saka sumulyap sa kanya. “Chismosa ka 'no? Bawal kong sabihin ang sikreto nya. Baka palayasin ako ni kuya sa bahay.”
Inirapan ng dalaga ang malanding Evans at sinigurado nyang hindi nito 'yon makikita dahil baka pati ito ay maghinala sa kanya. Pero speaking of bahay, bakit parang ang tagal naman nilang makauwi?
Tumingin sya sa unahan at nagulat nang mapagtantong hindi daan pauwi ang tinatahak nila. Marahas nyang nilingon ang lalaki. “Sir, saan tayo pupunta?”
Sumulyap sa kanya ang lalaki saka mapanganib na ngumisi. “Imomotel kita.”
“Ano?!”
Humalakhak ang siraulong malandi. “Biro lang. Hinahabol-habol kasi ako ng ex ko. Kikitain lang natin tapos kunwari girlfriend kita.”
Anak ng...
“Hindi pwede, sir. Baka may makakilala sa'kin. Magagalit sakin ang boyfriend ko.” totoo naman. Seloso si Timothy at isa pa, ayaw nyang mainvolved sa kalandian ng Jayford Evans na 'to dahil siguradong hindi sya mabubuhay ng tahimik sa dami ng exes at flings nito.
“Come on, babe. Ngayon lang 'to. Promise hindi ka masasaktan o maargrabyado. Naiinis na kasi talaga 'ko sa ex ko.” pagpupumilit ng binata na may pag-nguso pang nalalaman.
Napabuga ng hangin si Donabella saka mariing umiling. “Ayoko! Ayoko! Ayoko!”
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang restaurant. Napapikit ng mariin si Donabella. Mukhang wala syang magagawa kundi gawin ang gusto ng malanding Evans dahil hindi sya nito titigilan. Pambihira! Sa buhay ni Redford Evans sya dapat nakikialam hindi sa buhay ng malanding Jayford na 'to.
Bumukas ang pinto sa passenger seat. Pinagbuksan sya ni Jayford ng pinto. Ngumisi ito at naglahad ng kamay sa kanya. “Let's go, babe.”
Hindi nya pinansin ang nakalahad nitong kamay. Bumaba sya ng kotse at tumingin sa paligid. Narinig naman nya ang mahinang tawa ng malanding binata pero hindi nya 'yon pinagtuunan ng pansin. Nakatutok ang atensyon nya sa babaeng halos hubad nang lumabas sa restaurant at papasugod sa kanila.
Nice! Heto na yata ng ex nya.—Donabella thought shaking her head.
“Sweetie, who the hell is she?” matinis ang boses na tanong ng babae kay Jayford Evans nang makalapit ito.
Grabe ang tingin ng babae kay Donabella kaya inismiran nya ito. Di hamak naman na mas maganda at mas may class sya kaysa sa babae.
“Sya si Belle, bagong girlfriend ko.” cool na cool na sagot ni Jayford.
Belle? Napailing nalang si Donabella.
Tiningnan nya ang babae. Mangiyak-ngiyak itong nakatingin kay Jayford. “P-Pero…”
Nakaramdam ng awa si Donabella sa babae kaya hinawakan nya ang braso nito at hinila palayo kay Jayford. Akmang susunod ito sa kanya kaya pinandilatan nya ito ng mata.
“Let me go!” galit na singhal sa kanya ng babae.
Walang gana nya itong tiningnan. “Alam mo nakakaawa ka. Nanlilimos ng atensyon sa malanding lalaking ayaw na sayo. Bakit hindi ka maghanap ng seryosong relasyon hindi 'yung hinahabol-habol mo ang taong ayaw sayo.”
Tiningnan sya nito ng masama. “Wag mo syang tawaging malandi!”
Donabella laughed sarcastically. Nilingon nya si Jayford na nakatingin sa kanila.
“Hindi nya ako totoong girlfriend.” iritadong pag-amin nya saka nilingon ang babaeng nanlalaki ang mga mata.
“Really?”
“Wag mo na syang habulin dahil wala kang mapapala sa kanya. Maghanap ka ng lalaking seseryosohin ka. Ayusin mo lang ang sarili mo, miss, dahil mukha kang pokpok sa hitsura mo.”
“How dare you!” akmang sasampalin sya ng babae pero inunahan na nya ito.
Lagapak ang palad nya sa pisngi ng babae na akmang gaganti pa pero natigilan nang lumapit sa kanila ang malanding puno't-dulo ng lahat. “Anong nangyari?”
Tiningnan ni Donabella ng masama si Jayford Evans saka muling nilingon ang babae. “Pag-isipan mo ang sinabi ko, miss.” iritado nyang sabi saka sya naglakad pabalik sa kotse. Sumakay sya at walang ganang isinara ang pinto.
Nice! Nakialam na sya sa buhay ng mga Evans. Kung hindi lang talaga nakakaawa 'yung babae. Argh! Si Redford Evans ang misyon nya e!
TO BE CONTINUED…