Episode 07

2129 Words
Chapter 7 MATAMANG PINAGMAMASDAN ni Redford si Donabella na naglalampaso ng sahig sa living area. His arms and legs are crossed as he watch the lady intently. Asiwa naman ang dalaga dahil sa titig ng masungit na binata. Talagang tinotoo nito na bantayan sya at literal ang pagbabantay nito. Gusto nyang singhalan ang binata. Sa totoo lang ay kanina nya pa gustong sipain ang binti nito dahil sa inis pero pinipigilan nya ang kanyang sarili dahil nanunuod ng telebisyon si Kysler Evans. Hindi pumasok ang magpinsan sa opisina ng mga ito ngayon kaya naman hindi makakilos ng malaya si Donabella. Pinasadahan ng dalaga ng tingin ang sahig at akmang tatalikod na nang magsalita si Redford Evans. “Keep cleaning, lady. You're not allowed to leave without my permission.” Mariing napapikit ang dalaga. Gusto nyang hambalusin ng mop ang siraulong lalaki. “Red, baka mapudpod ang tiles kalalampaso nya.” komento ni Kysler sa sinabi ng pinsan. Tama, aba'y ilang pasada nalang ng mop ay mabubura na ang sahig. Nauubos na ang pasensya ng dalaga. Ano kaya kung ipalunok nya kay Redford Evans ang hawak nya? Tss! Umikot ang mata ni Donabella sa inis. Kailan ba kasi sya makakakuha ng sapat na impormasyon laban dito nang matapos na ang misyon nya? Napailing sya. Nagsisisi tuloy siya na tinanggap nya ang misyon. “Dona, itigil mo na 'yan, gawin mo na ang ibang gawain mo.” Gustong magpasalamat ng dalaga kay Kysler pero agad syang sumimangot nang tutulan ni Redford ang sinabi nito. “Subukan mong mawala sa paningin ko, parurusahan kita.” mapanganib na banta ni Redford. Nag-ngitngit lalo ang kalooban ni Donabella sa inis sa binata. Minamanipula sya ng lalaki at hindi n'ya 'yon gusto. Donabella being the stubborn woman she is, she grimaced and turned her back on them. Iniwan n'ya ang magpinsan sa sala saka s'ya pumasok sa kusina kung saan naroon si Erika at ang ina nitong si manang Edita na kapuwa naghihiwa ng mga gulay. “Oh, Bella, tapos ka na palang maglinis. Halika't ikaw na rito sa ginagawa ko. Kailangan ko na kasing maglaba.” bilin ng ina ni Erika sa kanya. Tumango at ngumiti lang si Donabella saka pumalit sa pwestong inalisan ng matanda. Ipinagatuloy niya ang paghihiwa ng mga gulay habang nakikipagkuwentuhan kay Erika. “Alam mo, Bella, feeling ko interesado sayo si sir Redford.” Kamuntik nang chopchopin ni Donabella ang gulay nang marinig ang pangalan ng damuho niyang amo. Tingnan mo nga naman, pati si Erika ay napapansin na ang ginagawa ng hinayupak na lalaki. Kung pwede lang niyang singgahin ang lalaking 'yon ay ginawa na niya kaso may kailangan siyang unahin. Marahas na umiling ang dalaga. “Bakit mo naman nasabi?” “E kasi palagi siyang nakatitig sayo.” Mahinang tumawa si Donabella. Kung alam lang nito ang dahilan ng pagtitig ng damuho sa kaniya. “Imahinasyon mo lang 'yon.” natatawang sagot nya sa dalaga. “Ah, basta feeling ko may gusto sya sayo.” pagpupumilit pa nito na hindi nalang niya pinatulan. Ilang saglit pa at pumasok sa kusina ang driver na si Gio. Naupo ito sa stool at humarap sa dalawa. “Bella, day off mo bukas, diba? Labas tayo, libre ko.” Natigilan si Donabella at tiningnan ang binata. Oo, day off nga niya bukas pero paano nito nalaman 'yon? Wala siyang natatandaang sinabi niya rito at wala rin naman siyang nakitang notice sa kahit saang sulok ng bahay na nagsasabing day off niya bukas. “Hoy, paano mo nalamang day off niya, ha? Stalker ka ba?” nang-aakusang tanong ni Erika sa binata. Agad itong umiling at tumawa. “Hoy, grabe ka sakin. Hindi ako stalker. Nakakuwentuhan ko kani-kanina lang si manang Edita, nabanggit niya kung kailan ang day off niya tapos tinanong ko na rin kung kailan ang day off ni Bella.“ “Edi stalker ka nga!” “Hindi nga ako stalker!” Napailing nalang si Donabella at hinayaan ang dalawa na magbangayan. Tumayo siya at lumapit sa sink para hugasan ang mga gulay nang biglang pumasok sa kusina si Kysler dahilan para matahimik ang dalawa. “Erika, pakilinis mo naman 'yung sahig sa sala. Inabot nanaman kasi ang bugnutin, tinapon sa sahig ang kape ko.” Gustong humalakhak ni Donabella dahil sa narinig. Itinapon ni Redford Evans ang kape ni Kysler sa sahig? Akala siguro nito ay siya ang uutusan ni Kysler na maglinis ng sahig. Nakangisi niyang ipinagpatuloy ang paghuhugas ng gulay habang nagtitimpla naman ng kape si Kysler sa likuran niya. “Donabella.” Saglit na napalingon si Donabella sa kaniyang likuran nang tawagin siya ni Kysler nang hindi lumilingon sa kaniya. “Po?” “Pwede kang umuwi mamayang alas singko. Sa lunes ka na ulit bumalik.” Napangisi lalo ang dalaga. Pagkakataon na niyang kumalap ng impormasyon. Magana siyang tumango. “Yes, sir.” Ilang saglit pa ay nakasandal na sa sink si Kysler habang hawak ang tasa ng kape nito at nakatingin sa kaniya. “Mukhang galit sayo ang pinsan ko, kapag may ginawa siyang hindi maganda sabihin mo sakin.” Nginitian niya ang binata. “Opo, sir.” Tumango ito at umalis na. Hinabol naman niya ito ng tingin. Kakaibang-kakaiba talaga si Redford sa mga Evans. Bakit kaya? Napailing si Donabella. Siguro ay pinaglihi sa sama ng loob ang lalaking 'yon kaya gano'n ang ugali. *** PAGKATAPOS na pagkatapos ng hapunan ay pinayagan na ni Kysler si Donabella na umuwi. Tuwang-tuwa naman ang dalaga dahil mayroon siyang plano para sa gabing ito at bukas ng gabi. Kailangan niya lamang ng magandang tiyempo. Matapos ayusin ang kaniyang maliit na backpack ay lumabas na siya ng kuwarto at nagpaalam sa mag-inang Edita at Erika. Sinalubong naman sya ng nakangising si Jayford Evans nang palabas na siya ng bahay. Kadarating lamang nito at talaga namang malayo pa sa kaniya ay naaamoy na niya ang pabango ng babae na dumikit sa babaerong Evans. “Hi, babe. Paalis ka?” bati nito at tinangka pa siyang halikan sa pisngi na agad naman niyang naiwasan. Tiningnan niya ng masama ang binata. “Day off ko bukas, sir.” Tumango ito habang nakangisi. “Do you wanna spend your day off with me?” The nerve! Ngali-ngaling tadyakan ni Donabella ang lalaki, mabuti na lamang at napigil niya ang kaniyang sarili. Ewan ba kasi kung bakit ang dali niyang mapikon sa mga preskong lalaking tulad ni Jayford Evans. “Aalis na po ako, sir.” magalang pa rin niyang paalam kahit sa isip niya ay kinakatay na niya ang lalaki. Ang harot kasi! Tumango lamang ito at nagflying kiss pa sa kaniya. Pailing-iling siyang lumabas ng bahay at hindi napansin ang isang lalaking nag-aabang sa kaniya sa may gate. Gulat na gulat si Donabella nang hablutin siya ng kung sino at isinalya sa bakal na gate. Halos mapaigik sa sakit ang dalaga pero pinigil niya 'yon at tiningnan ang taong nagtulak sa kaniya. Pakiramdam niya ay maglalabas ng apoy ang bunganga niya nang makita ang salarin. “Ano ba, Evans!” Ayaw niyang sagutin ito ng pabalang o singgahin dahil mas lalo itong maghihinala sa kaniya pero hindi niya napigilan ang inis. Kung bakit kasi kailangan pa siyang hablutin at itulak kung pwede naman siyang abangan at kausapin ng maayos. Bahagyang umatras ang lalaki at umayos naman ng tayo ang dalaga. “Hindi ba't sinabi ko kanina na parurusahan kita kung susuwayin mo ako? Bakit mo ako sinuway?” Gustong matawa ng dalaga. Ito lang ba ang ipinuputok ng butsi ng lalaki? Aba matindi! Inis niyang sinalubong ang galit nitong mga mata. Maganda sana ang mga mata nito, kaso pangit tumingin. “Iyan lang ba ang problema mo? Ang babaw mo naman.” Bahagyang tumaas ang sulok ng labi ng binata na ikinagulat ng dalaga. Shit! Ang sexy—bulong ng isip ni Donabella na agad naman niyang ikinasinghap. Anak ng... “Hindi lang 'yon ang problema ko. Ikaw. Ikaw ang problema ko. Ang sikreto mo, ang pakay mo, ang lahat sayo. Ang lakas ng loob mong pasukin ang mundo ko. Tell me, isa ka ba sa mga gustong malahian ng Evans? O isa ka sa mga gustong magpabagsak sa'kin?” Kitang-kita ni Donabella ang pag-igting ng panga ng binata. Tumalim rin at lumalim ang titig nito sa kaniya tanda ng galit nito na pinipigilang sumabog. Lihim na napalunok si Donabella habang nakatitig sa binata. Hindi niya alam kung bakit may kakaibang epekto sa kaniya ang lalaki. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya o baka talagang nakakaintimidate lang ang lalaki. Humakbang si Redford dahilan para maalarma ang dalaga. Bahagyang tumagilid ang ulo ng binata. “Now, tell me, Donabella, what do you want from me? Sa nakikita ko, ako ang target mo. I want to know, what do you want?” Napalunok ang dalaga. Hindi siya makapagsalita. Alangan namang sabihin niya na isa siyang agent at assignment niya ang binata? Na kailangan niyang kumalap ng impormasyon tungkol sa sekreto nito at sa koneksyon nito kay Calvin Rivera at sa pagkamatay nito. “Answer me!” halos pasigaw nitong sabi na punong-puno ng gigil. Inis na inis si Donabella dahil napaigtad siya ng binata. Kailanman ay hindi siya natakot sa kahit na sino kaya talagang hindi niya gusto ang lalaki dahil bukod sa hindi maganda ang epekto nito sa kaniya ay dito niya nararanasan ang pagiging mahina niya. Para bang kabisado ng lalaki ang karakas niya at huling-huli ang kahinaan niya. Matatag na umiling ang dalaga. “Hindi ba't sinabi ko na sayo, sir. Tumakas ako sa bahay namin. I'm sure napaimbestigahan mo na rin ako.” Sarkastiko itong tumawa. “Madaliing pekein ang dokumento, babae. Kailangan mo lang ng pera, pera ang nagpapatakbo sa mundo.” Napalunok ang dalaga. Anak ng... Talagang wala siyang kawala sa lalaki. Matalino talaga ito at hindi niya kaya ang takbo ng isip ng bugnutin na ito. Hindi na nakapagsalita ang dalaga lalo na nang nagpatuloy sa paglapit sa kaniya ang masungit niyang amo. Pakiramdam niya ay gusto na niyang tumakbo pero nag-aalangan siya dahil una, hindi siya mabilis tumakbo at pangatlo, may mga halaman sa gilid, baka madapa pa siya edi kahiya-hiya siya no'n. Muling humakbang ang lalaki. Malalim ang titig ng asul na mga mata ng binata sa kanya habang patuloy ito sa paglapit. Ang hininga nito ay tumatama sa mukha ng dalaga at talaga namang gusto nyang mapapikit dahil sa bango n'yon ngunit pinigilan nya ang kanyang sarili. Hindi! Hindi s'ya dapat maakit sa masungit na lalaking ito. May nobyo s'ya at mahal nya si Timothy. Isa pa ay nandito lamang sya para sa misyon nya, iyon ay kumalap ng impormasyon tungkol sa sikretong itinatago ng mga Evans, lalong-lalo na ng lalaking ito at hindi kasama sa misyon nya ang maakit sa binata. Bullshit, Donabella, lumayo ka sa tukso!—lihim na kastigo n'ya sa kanyang sarili ngunit wala s'yang nagawa nang naramdaman n'ya sa kan'yang likuran ang hangganan. Oh my Gosh, nakasandal na s'ya ngayon sa bakal na gate at ikinukulong s'ya ng malaking katawan ng binatang may asul na mga mata. Umalon ang kanyang lalamunan dahil sa matinding paglunok. Matapang n'yang sinalubong ang malalim na titig ng binata. “Anong ginagawa mo? Umatras ka nga!” Umigting ang panga ng binata. “Uulitin ko. Anong pakay mo sa'kin, babae? Bakit ka nagpapanggap na katulong?” Lihim na nagmura muli si Donabella. Hindi talaga titigil sa katatanong ang Redford Evans na 'to. Ano s'ya, sira? Hindi n'ya sasabihin dito ang pakay n'ya. Ano kaya kung halikan n'ya ulit ito para matigil muli sa katatanong? Marahas na umiling ang dalaga nang maalala ang banta nito sa kan'ya. Hindi, pwede! “Sagutin mo ang tanong ko!” galit na singhal sa kanya ng binata. Tiningnan n'ya ito ng masama. “Sa tingin mo ba sasabihin ko sa'yo, sir?” sarkastiko n'yang tanong. Naningkit ang mga mata ng binata. “Sa tingin mo hindi kita pipiliting mapaamin?” Umismid si Donabella at nanghahamon itong tinaasan ng kilay. “Anong gagawin mo, aber?” Ngumisi ito at mas inilapit ang mukha sa kan'ya. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang bugahan nito ng hangin ang tainga n'ya saka bumulong gamit ang mababang boses. “Pipilitin kita, hanggang sa bumigay ka.” Nanlaki ang mga mata ng dalaga. What? Bahagyang lumayo ang binata. Ang akala ni Donabella ay aalis na ang binata ngunit nagulat s'ya nang bigla nalang s'ya nitong hinapit at walang pakundangan na hinalikan s'ya sa mga labi. Gulat na gulat ang dalaga. Dampi lamang 'yon pero ramdam n'ya ang pagbangon ng init sa kan'yang kaibuturan. What is this? Ngumisi ang binata. “Bayad sa mga ninakaw mong halik sa'kin.” saka ito tumalikod at naglakad palayo. Naiwan si Donabella na tulala sa direksyong tinahak ng binata. He's…crazy! TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD