GABI NA at hindi pa rin nakakalimutan ni Donabella ang ginawang paghalik sa kaniya ni Redford Evans. Hindi niya maintindihan kung bakit gano'n nalang ang epekto sa kaniya ng simpleng pagdampi ng labi nito sa labi niya gayong hindi naman siya naapektuhan ng ganito noong lamukusin niya ng halik ang mga labi nito. Nababaliw na yata talaga siya.
Pumikit siya, pinilit na matulog dahil kailangan niya pang gumising mamayang alas dose para bumalik sa bahay ng mga Evans. Ngayong gabi kasi ay plano niyang pasukin ang bahay at maghanap ng impormasyon tungkol sa koneksyon ng mga Evans kay Calvin Rivera.
Ilang saglit pa ay tumayo si Donabella. Wala na. Hindi na siya makakatulog kaya naman agad siyang nagbihis at lumabas ng kwarto.
“Where are you going?”
Kamuntik nang masuntok ni Donabella ang kaibigan. “Ana! Ginulat mo 'ko.”
Tatiana rolled her eyes on her. “Kailan ka pa nahilig sa kape?”
Umiling-iling si Donabella saka inayos ang sarili. Nakasuot siya ng jeans at maluwag na t-shirt na itim. May hawak rin siyang baseball cap at mask.
“I'm asking you, Donabella Roberts, saan ka pupunta?”
“Come on, Ana, parang hindi ka pa nasanay sa'kin. Of course, magtatrabaho ako. Kailangan kong mag-imbestiga.” natatawang sabi niya sa kaibigan saka siya naglakad palabas ng apartment.
“You have the duplicate key right? Ilolock ko ang door.”
Nginitian ni Donabella ang kaibigan saka hinalikan ito sa pisngi. “Yes, dala ko. Ingat ka dito.”
Tatiana rolled her eyes again. “Ikaw ang mag-ingat dahil paniguradong tototohanin ni Redford Evans ang banta niya sayo. Ano ba kasing ginawa mo at nagalit sa'yo?”
Nanahimik nalang si Donabella. Nunkang sabihin niya dito na hinalikan niya ang bugnutin na lalaki para manahimik sa katatanong. Mamaya makarating pa kay Timothy ang kaharutang ginawa niya, mag-away pa sila.
“Alis na ko.” paalam niya sa kaibigan.
“Bye, ipagdadasal kong hindi ka mahuli ng pulis sa ayos mo. Gosh! Mukha kang akyat bahay.”
Tinawanan niya lamang si Tatiana. Talaga namang aakyat siya ng bahay ngayon e. Bahay ng mga Evans. Sana lang ay tuloy na ang bugnuting amo niya dahil baka mapurnada nanaman ang pagmamanman niya.
Gamit ang motor niya na matagal nang nakatengga sa garahe ay umalis siya ng apartment at nagdrive papunta sa bahay ng mga Evans. Hindi naman siya hinarang ng pang gabing guwardiya sa subdivision dahil isa ito sa kasamahan niya na ipinadala ng superior niya para tulungan siya.
Nang matanaw niya ang bahay ng mga Evans ay agad siyang tumigil hindi kalayuan dito. Bumaba siya ng motor at suot ang baseball cap at face mask ay agad siyang naglakad palapit. Kabisado na niya ang buong kabahayan kaya naman bisto na niya kung saan nakatago ang mga camera.
Dumaan si Donabella sa gilid ng bahay kung saan may hindi kataasang pader. Madali niyang naakyat ang pader sa pamamagitan ng pagtalon, sisiw sa kaniya ang ganitong bagay dahil ito ang madalas niyang gawin noon. Ang magbantay sa sindikato.
Habang nakaupo sa itaas ng pader ay sinilip niya ang paligid ng bahay. Patay na ang mga ilaw kaya naman batid niyang natutulog na ang mga tao sa loob.
Maingat na tumalon si Donabella sa loob ng bakuran saka siya tahimik na naglakad palapit sa tapat ng kwarto ni Redford Evans. Kailangan niyang makakuha ng kahit na kaontin impormasyon tungkol sa sikreto nito at sa koneksyon nito kay Calvin Rivera, naiinip na rin siya at nababahala dahil lumalaki na ang duda sa kaniya ng bugnuting Evans.
Akmang aakyat na si Donabella nang mapansin niya ang putik sa pader ng bahay hanggang sa dumako ang paningin niya sa isang lubid na umaabot sa balkonahe ng kwarto ni Redford Evans.
Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Anak ng... May mauuna pa yata sa kaniya na makapagnakaw ng impormasyon.
Dali-daling umakyat ang dalaga, nang makapasok siya sa kwarto ay siya rin namang pagbukas ng ilaw sa loob ng kwarto at bumungad sa kaniya ang bukas na sliding door, sa likod niyon ay nakasandal si Redford Evans na pilit pinipigilan ang isang lalaki na itarak sa kaniya ang patalim na hawak nito.
Agad na rumesponde si Donabella, sinipa niya ang lalaki at agad namang tumalsik ang patalim na hawak nito. Umikot ang dalaga saka sinipa ang patalim papunta sa ilalim ng kama saka niya sinugod ang lalaking umatake sa binata. Sinuntok niya ito sa mukha, ng paulit-ulit, walang tigil. Nang hindi na ito lumalaban ay hinablot niya ang suot nitong mask upang makita ang mukha nito pero mabilis siya nitong naitulak at saka kumaripas ng takbo palabas.
Hinabol niya ang lalaki, sinilip sa ibaba ng balkonahe. Mabilis na itong tumatakbo palayo habang paika-ika. Napailing ang dalaga saka nilingon si Redford Evans na nakatingin pala sa kaniya habang hawak ang sariling leeg.
Akmang tatanungin na niya kung ayos lang ito nang mauna itong magsalita. “Who are you?”
Oh s**t! Donabella mentally cursed. Mabuti na lamang at hindi siya nagsalita.
Yumuko siya upang itago ang kaniyang mukha at akmang aalis na nang mahuli nito ang braso niya. “Sabihin mo sa'kin kung sino ka, wag mo 'kong pilitin na pilitin ka.”
Umikot ang mata ni Donabella habang nakayuko. Bugnutin talaga!
Hinila niya ang braso niya mula dito saka siya tumakbo papunta sa balkonahe. Tumalon siya at maganda ang pagbagsak niya kaya hindi siya nasaktan. Nilingon pa niya si Redford Evans na nakadungaw sa kaniya mula. Mukhang wala naman itong balak na habulin siya kaya tumayo siya at inayos ang suot na baseball cap. Pailing-iling siyang naglakad palayo. Bigo nanaman siyang makakuha ng impormasyon.
Muli niyang tinalon ang pader at nang makababa sa kabila ay lakad takbong nilapitan ang kaniyang motor.
“Kainis!” iritadong bulong ng dalaga saka pinaandar ang motor niya at pinaharurot paalis.
***
MAAGANG NAGREPORT sa opisina si Donabella, ang kaso ay wala siyang magandang masabi dahil wala naman siyang nakuhang impormasyon.
“Naiintindihan ko, Donabella. Mahirap talagang imbestigahan ang mga Evans, masyado silang masikreto, kahit nga noon ay nahirapan ang pulisya dahil hindi lumabas sa imbestigasyon ang pangalang Evans.”
Tumango-tango lamang ang dalaga. Hawak niya ang folder na ibinigay sa kaniya ng kaharap na heneral. Binuksan ni Donabella ang hawak na folder, bumungad sa kaniya ang isang litrato. Dalawang lalaki ito, kapuwa nakatalikod at ang isa ay may suot na hoodie jacket na may tatak na Evans. Bahagyang nakatagilid ang isang lalaki na nakilala niyang si Calvin Rivera at hindi niya matukoy kung sino ang lalaking nakahoodie dahil punit ang parteng itaas ng litrato.
“Si Calvin Rivera ang isa diyan at ang isa ay hindi matukoy kung sino sa mga Evans. May ganiyang hoodie kasi ang tatlong Evans kaya mahirap tukuyin lalo na't punit ang litrato.” paliwanag ng superior ng dalaga.
Muli niyang tiningnan ang kasunod na litrato. Isang string 'yon na puno ng dugo.
“Iyan ang muder weapon na nawala sa poder ng mga pulis matapos bayaran ang isang officer para nakawin ito. Sa tingin ko ay nasa kamay na 'yan ng killer.”
Ang kasunod na litrato ay isang maliit na notebook.
“Iyan ang diary ni Calvin Rivera na tulad ng murder weapon ay nawawala rin.”
“Lahat ng mga iyan ay ipinadala ko sa'yo sa email, Donabella pero mukhang hindi mo nacheck.”
Napangiwi at nagkamot ng batok si Donabella. Guilty siya sa parte na 'yon dahil talagang nakalimutan niyang icheck ang document. Ang pinagtuunan niya kasi ng pansin ay ang koneksyon ni Redford Evans kay Calvin Rivera, hindi ang pagkamatay nito.
Tumayo siya at tiningnan ang kaniyang superior. “Sisikapin kong tapusin ang assignment ko sa loob ng isang buwan, sir.”
Tumango ang heneral. “Magaling kung gano'n, Donabella. Oo nga pala, iyong hiling mong baguhin ang background information mo, naiayos na ni Trigger, noong nakaraan pa.”
“Salamat, sir.”
Matapos ang pag-uusap nila ng kaniyang superior ay agad siyang lumabas sa opisina nito. Sinalubong naman siya ng isa sa kasamahan niya na si Drake Guzman. Nakangisi ito sa kaniya.
“Hi, mia bella.”
Inirapan niya ang lalaki. Kasing ugali ito ni Jayford Evans, babaero at makapal ang mukha. “Gusto mo bang masuntok nanaman ni Tim?”
Humalakhak ang lalaki habang sinasabayan siya sa paglalakad. “Ang selosa naman kasi ng jowa mo, alam naman niya na close tayo e.”
“Excuse me, kailan pa tayo naging close?” pagtataray niya dito.
“Ang taray mo talaga, mabuti pa ilibre mo nalang ako. Tutal nakikitira ka naman sa mga Evans, libre pagkain do'n.”
Humalakhak siya at hindi makapaniwalang tiningnan ang binata. “Garapal ka talaga, ano? Kung gusto mo makitira ka na rin do'n. Mag-apply ka.”
“Oh? May bakante pa ba?”
Nginisihan niya ang lalaki. “Oo, mag-apply kang aso. Taga tahol sa mga akyat bahay.”
Matindi ang ginawang pag-irap sa kaniya ng lalaki na ikinahalakhak niya. Tuluyan siyang nakalabas ng building nang nakasunod ito sa kaniya habang nakasimangot.
“Napakasama ng ugali mo, mia bella. Pasalamat ka talaga maganda.”
“Salamat.”
“Ewan ko sayo. Tara magkape, ililibre kita para kabahan ka naman.” sabi nito at hinila siya papasok sa isang coffee shop.
Hinayaan naman niya ang binata. Aba, libre na e, tatanggi pa ba siya?
Nang makapasok ay agad silang bumili ng kape at naupo sa gilid. Pinagmamasdan ni Donabella ang mga taong dumaraan habang humihigop ng kape.
“So, kumusta naman ang pag-iimbestiga mo?” maya-maya'y tanong ni Drake.
Umismid ang dalaga. “Naku, palaging napupurnada ang pag-atake ko. Biruin mong may mauuna pa sakin kagabing magnakaw ng impormasyon, tinangka pang patayin si Redford Evans.”
“Oh? Baka marami talaga siyang kaaway.”
Nagkibit balikat lang si Donabella. Malay malayin niya ba sa personal na buhay nito. Ang alam niya lang ay bugnutin ito at masama ang ugali.
“E si Tatiana, kumusta na?”
Tinitigan niya si Drake at wala pang ilang segundo ay humalakhak siya dahilan para sumimangot ng todo ang lalaki.
“Ang haba ng pasakalye mo, si Tatiana lang naman pala ang gusto mong kumustahin.”
Inirapan siya ng lalaki. “Pakialamin ka ba? Alangan namang diretso kong itanong sa'yo edi inisip mo na may gusto ako sa kaniya.”
Nginisihan niya ang lalaki. “Hindi ako ang nag-isip, ikaw.”
Nanlaki ang mga mata nito. “Aba't! Mia bella, wala akong gusto kay Tatiana! Ang dumi talaga ng pag-iisip mo kahit kailan e.”
“Wala naman akong sinasabing may gusto ka kay Tatiana ah.” tumatawang depensa pa ng dalaga.
Hindi siya makapaniwalang torpe at indenial ang lalaking 'to. Ang tapang kung bala ang pag-uusapan pero duwag naman pagdating sa babae. Ano kayang mangyayari kapag nalaman ni Tatiana na may gusto sa kaniya ang pandak na 'to?
“Hoy, ano 'yang tingin na 'yan, mia bella?” namimilog ang matang tanong nito.
Painosente niya itong tinaasan ng kilay. “Ano? Inaano kita?”
“Wag na wag kang magkakamali na sabihin kay Tatiana na gusto ko siya, mia bella. Wag na wag kang magkakamali.”
Ngumisi siya at itinaas ang kanang kamay. “Hindi ako magkakamali.”
“Mia bella!” parang batang pumadyak ito at ngumuso ng todo.
Humalakhak muli si Donabella. “Hindi nga. Hindi ko sasabihin kay Tatiana na gusto mo siya. Hindi ko talaga sasabihin.”
Tiningnan siya nito ng masama. “Mia bella, hindi ko nga gusto si Tatiana.”
“Oh?” pang-aasar ng dalaga.
“Hindi nga kasi!” mariing pagtanggi nito.
Hindi na sana sasagot si Donabella pero natanaw niyang pumasok ng coffee shop si Tatiana at kumaway sa kaniya nang makita siya. Ngumiti siya ng malaki at muling tinanong ang kaharap na binata. “Talaga?”
“Talagang hindi ko gusto si Tatiana!” galit na tanggi nito at tamang-tama naman na nasa likuran na nito si Tatiana na agad nangunot ang noo.
“Gusto mo ako?”
“TATIANA!” gulat na hiyaw ng binata at mabilis na tumayo.
Humalakhak si Donabella habang pinagmamasdan ang dalawa. Ang cute talaga nilang tingnan dahil mukang dwende si Drake kapag katabi si Tatiana. Gustong maglupasay ni Donabella sa katatawa pero natigilan siya nang tingnan siya ng masama ng dalawa.
“Hoy, hindi kita gusto!” defensive na bulyaw ni Drake kay Tatiana.
Tumaas naman ang kilay ng dalaga. “As if naman gusto kong magustuhan mo ako. Ang bansot bansot mo, you can't even reach my nose.”
Tumayo si Donabella at pailing-iling na iniwan ang dalawa na nagsisimula nang magtalo. Bitbit ang folder na ibinigay sa kaniya ng kaniyang superior ay lumabas siya ng coffee shop at pumara ng taxi. Ayaw niyang gamitin ang motor niya kapag ganitong wala siya sa misyon dahil baka may makakita sa kaniya na magiging sanhi ng pagkapurnada ng misyon niya.
Habang lulan ng taxi ay bumalik sa isipan ng dalaga ang nangyari sa kwarto ni Redford Evans. Hindi siya makapaniwalang may nais pumatay sa bugnuting binata. Mukhang madadagdagan ang trabaho niya. Maid na bodyguard pa. Tsk tsk! Napailing nalang siya. Anong klaseng tao ba kasi ang bugnuting Evans na 'yon?
TO BE CONTINUED...