Malalim na akong napabuntong-hininga at binigyan na lang siya ng mahigpit na yakap. Walang malay man ay ilang ulit ko pang idinampi ang aking bibig sa kanyang labi upang bigyan siya ng halik habang mahimbing na muling natutulog. Ilang minuto pa ay ipinikit na rin ang aking nanghahapding mga mata at hinayaang tangayin ako ng antok patungo sa kabilang dako at hinayaang tuluyang igupo na noon. Naalimpungatan lang ako nang maramdaman na mayroong nakatitig sa akin, at nang idilat ko ang aking mga mata ay hindi nga ako doon nagkamali nang maabutan ko ang paninitig ni Nicko sa aking mukha habang kumikinang sa saya ang kanyang mga mata. Naka-upo lang siya sa gilid ng kama at matamang pinagmamasdan ako. Halatang kakabangon pa lang din niya ng mga sandaling iyon dahil sa humihikab pa siya na para ba

