Chapter 76

2390 Words

Narinig kong mahinang natawa doon si Kuya na ikinabaling na ng atensyon ko sa kanya. Nagsusumamo na ang aking mga mata at humihingi na ng tulong sa kanya na kung maaari ay pigilin niya na ang walang katapusan doong pagtatalak ni Mama. Ipinilig niya ang kanyang ulo, senyales na hindi niya ako matutulungan kay Mama ngayon kahit na anong pakiusap ko dito. Isa pa ito eh, hindi ko alam kung sadyang takot kay Mama o nais niya lang talagang pabayaan akong lamunin nito ng buo sa harapan ng lalakeng mahal ko. Doon na pumasok sa akin na marapat lang na baguhin ko na lang ang siyang topic namin nang sa ganun ay mabaling ang atensyon ni Mama doon. Iyon lang ang tanging paraan. “Sandali Kuya, nasaan ang mag-iina mo bakit parang wala yata sila ngayon dito?” pahapyaw na tanong ko upang malihis na sa aki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD