Nagpatuloy kami sa pagkain. Lumalim pa ang usapan na nauwi sa panaka-nakang malakas naming tawanan. Ang akala kong relasyon namin noon na may lamat ay umayos. Hindi iyon nawala, bagkus ay panadaliang nagtago. Masaya akong kasundo pa rin nila si Nicko sa kabila ng mga nangyari. Ewan ko na lang kung malalaman nila Mama ang kabulastugang ginawa ni Nicko, baka tuluyang magbago ang pakikitungo nila dito at maging matabang na. “Alagaan mo ang kapatid ko Nicko, alam mo naman kung paano iyan mag-tantrum. Siguro naman ay hindi mo siya muling papaiyakin ngayong magkakaroon na kayo ng supling.” ilang ulit ng sinabi iyon ni Kuya habang may sinok pa, naiiling na lang ako dahil parang iiyak na siya habang binabanggit iyon. “Sa mga kamao ka na mananagot oras na malaman kong iniwan at sinaktan mo na nam

